Nabighani

132 7 6
                                    

Paano ang kailan at saan ang bakit?
Isinulat ni Eydee Yan

Mga salitang hindi mabigkas
Sa tuwing ang damdamin mo'y sumasalungat
Titibok, hihinto, pepreno, aabante, aatras; ang utak ko'y gulong-gulo!
Ang tanong, kailan ka ba makakarating sa destinansyon ng puso ko?

Bato, bato-bato pick! Ang talo ay matitinik!
Mga rosas na kay pupula!
Kasing pula ng mga puso sa aking mga mata!
Ang halimuyak ay hindi gaanong kay ganda sapagkat kulang ng salitang 'Oo' ang iyong mga mata

Ilang taon at buwan pa kaya ako maghihintay para saiyo?
Ilang taon at buwan pa kaya bago ko makuha ang puso mo?
Ilang taon at buwan pa kaya bago ko masakop ang mundo mo?
Ngunit mangyayari pa kaya ito?

Puputi na ang uwak!
Tutubo na ang mga puting balbas!
Kukulubot na ang makinis na mukha!
Hanggang sa ang mata ko na'y hindi ka na makita!
Aasa pa kaya?

Sa tuwing darating ang araw ng mga puso ay para bang araw ito ng mga tuso!
Tuso kang papaasahin!
Tuso kang paghihintayin!
Tuso, tusong tinutusok ang puso mo hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko!

Bakit pa naimbento ang pag-ibig?
Kung lagi namang nagkukulang at kailangan pang mag-igib?
Bakit kahit puno na ay kailangan pang magsahod?
Bakit ang napupuno'y sa kanya'y nagkukulang?

Sana, sana pagdating ng panahon ay makita ka pang muli
Na sana sa pagdating ng tamang panahon ay maibigan kang muli
Sana, na sana'y pagdating ng mga panahon, mahal, ay mahal pa kita!

Walang permanente sa mundo dahil ang lahat ay naglalaho
Kung ako'y pagod na, pagod na rin itong puso ko!
Baka hindi mo na rin makita pang muli ang mata kong uhaw sa pag-ibig mo!
Kung sakaling umaasa ka pa, patawad, ayoko na!

Sana'y masanay ka nang wala na ako sa isang tabi
Sana, habang simula pa'y  maging matatag ka na
Hindi lahat ng baga'y kaya mong mahalin, ngunit hindi rin lahat ng baga'y kaya mong limutin
Sana'y sa simula pa lang ay nakita mo na ang halaga ng isang bagay!
Dahil kung ang halaga ng bagay na iyo'y binabalewala ay mawala, tiyak ito'y tatatak rin sa'yo!

'Wag mong iluha ang dugo sa puso mo!
Iluha mo ang pait sa isip mo!
'Wag mong ipakita ang emosyon mo!
Dahil baka sa huli ikaw rin ang matalo!

————————————————

09 29 18

𝐓𝐔𝐋𝐀, 𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐋𝐄𝐓𝐑𝐀 | THE WATTY'S 2018 AWARD WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon