Konsensya

224 9 8
                                    

Isa, Isip, Dalawa, Nag-iisip
Isinulat ni Eydee Yan

Dalawa kung mag-isip samantalang isa lamang ang isip
Isipang nilikha sa karunungan
Isipang saski sa mga galawan
Ang mali at tama ay ba't kailangang pagtalunan?

Nagmula ng isinilang sina Eba at Adan
Ngunit nabuo sa bunga ng kaalaman
Ang konsensya'y tulong sa kapayapaan
Subalit bakit ang lahat ito ay tinatalikuran

Naalala mo pa ba ng ikaw ay isang paslit?
Sa iyong mga mithiing bilhin sa kalupi ka pa ng iyong ina kumukupit
Dalawang bulinggit ang laging tumatakbo sa iyong isip
Tila nagtatalo ang liwanag sa kadiliman ngunit mas nababalutan ka ng kagustuhan

Nang minsa'y may sagutang naganap sa klase
Nakatingin ka pa sa papel ng iyong katabi
Ika'y nangunguha ng detalye upang ang iskor ay hindi madale
Dahil baka pag-uwi sa bahay, ang iyong ama, ikaw ay matali

Si Aling Bebang nagbigay ng sukli
Ay naku! Sobra-sobra ang kanyang nasali!
Ikaw nama'y dedma sa nangyari
Dali-dali ka pa ngang umuwi dahil sa saya ika'y hindi na mapakali

Alas siyete na ng gabi, nalamigan na ang kanina pang inihain
Jusmiyo, ang magulang mo'y di na mapakali!
Saan ka ba nagpupuntang bata ka?
At ikaw, anong sagot mo?
May group project po kami

Dose anyos ka na, imbis na ika'y nasa silid-aralan
Aba! Doon pa kayo ng barkda niyo sa parke nag-iinuman
Yosi dito, bisyo doon, pati bawal na gamot ay iyo'y ng natikman
Ingat ka bata baka sa kulungan ka pa mapunta

Nagdaan pa ang mga araw, lalo lamang lumala ang iyong kondisyon
Pati ang manalangin sa maykapal ay iyo'y ng nalimutan
Hanggang saan kaya ang dulo ng daang tinatahak mo bata?
Baka mamaya ang dulong iyan, diyan ka pa malagutan

Namuti at nangulubot na dahil sa katantadaan ang iyong ama't ina
Ngunit hanggang ngayo'y binabalot ka pa rin ng masama
Ang liwanag sa isip mo'y kusa mo nang iwinaglit at pati ang mga sala'y tinatakasan din

Nagising ang lahat sa iyak ng pamilya
Ang katawan mo ay nakitang nakahandusay na sa kalsada
Puno ng dugo, at mga nagbubulungang mga tao
Kung ang ilan ay naaawa ngunit ang karamihan naman ay natutuwa
Aba syempre, isa na namang alagad ng demonyo ang namaalam!

Paano ka binalot ng kadiliman?
E kung ang pamilya mo ay pinalaki ka naman sa karangyaan?
Tila ikaw ay hindi na nag-iisip nang tama!
Nawala na ang iyong pananampalataya!
At ngayon, sa tingin mo saan ka na makikita?

Pakatandaan na mas mabuti ang tuwid na daan
Lalo na kung tayo ay laging nasa panig ng kaliwanagan
Iwasang gumawa ng iyo'y pagsisihan
At ang isip, at puso ay laging nangunguna bago ikaw ay gumawa ng iyong ikikilos!

—————————————————

09 03 18
11:26 am - 12:14 pm

𝐓𝐔𝐋𝐀, 𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐋𝐄𝐓𝐑𝐀 | THE WATTY'S 2018 AWARD WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon