Gabi

128 9 6
                                    

Kababalaghan
Isinulat ni Eydee Yan

Patay-sindi
Ang ilaw sa 'king tabi
Mga sigaw na naririnig sa gabi

Mga kalog sa 'king lumang pinto
Para bang may tumatakbong mga kabayo dito-rito
Ang higaa'y panay ang yugyog
Pikit mata, ulit ako!

Ahhhh!
Sigaw nang biglang padaing
Ano ito? Aking tanong sa sarili
Biglaang paglinaw nang husto sa tinig
Para bang ungol na naipit

Luha ang tumulo na lamang bigla
Sa 'king mga mata
Dios mio, ani ko
Sana'y matigil na ito!

Kinapa ko ang aking kama
Biglang may ulo na nakapa
Balahibo ko'y tumaas
Ngunit pinilit na nagpakatatag

Isang sigaw na naman ang nadinig
Isang katakot-takot na tinig
Bigla, ang tenga'y napintig
Bwisit!

Im coming, bulong nito
Kaya bigla'y napakapit ng todo
Hinawakan ko ang kanyang sentido
Pati na ang kanyang ulo

Hinila ko ang aking kumot
Nang may puno ng takot
Bakit sa 'kin ginagawa ito?
Ako ba ay nagkasala ng todo?

Umalog ang aking kama
Na tila ba may nakatayong kakaiba
Kinapa ko ang lamesita
Isang plastik ang nakita

Ito'y binasa ko, tangina
Trust o tiwala nga ba?
Binuksan ko ang ilaw
Dalawang tao ang nasilaw

Mga gago!
Ba't niyo ko ginanito?
Sigaw ko sa mga ito
Kaibigan ko,
Pinuntirya ang ka-ibigan ko
Ang akala ko'y masamang elemento
'Yon pala dalawang hinayupak na tao

Ang mukha ko na'y basa ng luha
Bigla na lamang ako napatingin sa 'king baba
Ba't ang mani ko ay basa?

𝐓𝐔𝐋𝐀, 𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐋𝐄𝐓𝐑𝐀 | THE WATTY'S 2018 AWARD WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon