Chapter 3

6.4K 145 9
                                    

"HUWAG KANG kabahan, ah."

Nakailang buntong-hininga na si Iyah ay hindi pa rin mawala-wala an gang kanyang kaba. Ito kasi ang unang pagkakataon na sinali siya ni Katrina sa isang live fashion show. Sumilip siya sa harap ng stage ay kitang-kita niya ang dami ng tao na manonood. Puro nakapustura ang mga bisita ni Katrina kaya alam niyang mayayaman ang mga manonood.

Hinawakan siya ni Katrina sa mga kamay. "Galingan mo. Inimbitahan ko ang president ng Beltworts Publishing. Gusto kong makita nila ang potensyal mo para maging modela nila."

Beltworts ay isa sa mga sikat na fashion magazine sa Pilipinas. At matagal nang gusto ni Katrina na makapasok siya sa kumpanya bilang modelo. Gusto na lang niyang maiyak sa sobra-sobrang tiwala ni Katrina sa kanya.

"Oh, ngayon pa tayo mag-iiyakan? Masisira ang make-up mo," natatawang sabi ni Katrina. "Tandaan mo, ikaw ang main dress ko."

Tumango-tango siya.

"Chin up. Right pose and fierce eye!" ani Katrina sa kanya.

"Fierce eye!" ulit niya sa sinabi nito.

Sabay pa silang nagkatawanan. Niyakap siya ni Katrina. "Oh my god, my model. You're so beautiful!"

"Salamat," aniya nang magkahiwalay sila.

"Asikasuhin ko muna 'yung ibang model. Kapag narinig mo na ang pangalan mo, lalabas ka na. Fiecre eye, Iyah."

Tumango-tango siya.

Mas lalong lumakas nag kaba niya nang magsimula na ang fashion show. Isa-isa nang umaakyat at rumarampa sa stage ang mga modelo ni Katrina. Nakailang-ulit na sign of the cross na siya. Habang patagal nang patagal ay mas lalong nanginginig ang buong katawan niya. Suot niya ang main dress ni Katrina. She's wearing a greenish-blue gown made of soft satiny fabric, long and loose. A semicircular, high collar made of silk-like materials headed the ankle-length robe.

Napapitlag pa siya nang bigla niyang marinig ang boses ni Katrina. "And please all welcome my main dress wearing by my self-discovered model, Ms. Iyah Escario!"

At tumigil ang mundo niya nang marinig ang kanyang pangalan. Nagpalabas muna siya ng malaim na buntong-hininga bago lumabas ng backstage. Kahit kabado ay pinilit niyang tumingin ng diretso. Fierce Eye! Iyon lagi ang sinasabi sa kanya ni Katrina tuwing nagpa-practice sila. Iyon daw ang asset niya. Kaya seryoso lang siyang naglalakad sa runway. Sinigurado niyang hindi magsisisi si Katrina na siya ang ginawa niyang main dress. Huminto siya saglit sa gitna at inikot-ikot ang suot na damit na may seryoso pa ring mga mata, hindi siya ngumingiti. Tumingin siya sa gawing kaliwa ngunit ganoon na lang ang pagtakbo ng mga kabayo nang lumingon sa kanyang kanan. Napanganga siya. Nawala saglit ang seryoso niyang mga mata at napalitan ng gulat. Napalunok siya at pilit na binalik ang kanyang 'fierce eye' saka siya umikot at naglakad pabalik ng backstage.

Hindi ako puwedeng magkamali! Siya 'yon!

Pilit niyang pinakalma ang sarili habang naglalakad sa runway. Saka niya pinatakas ang malalim na pagbuga sa hangin nang makarating na siya sa backstage. Beltworts Publishing? Hindi siya puwedeng magkamali sa nabasang tag sa gitna ng mesa kung saan nakaupo ang lalaking pinakaiiwas-iwasan niya. Inalala niya ang seryosong mga mata ng lalaking nakatitigan niya kanina. Nakilala niya kaya ako? Bigla ay napatingin siya sa pinto ng backstage kung saan ang daan palabas ng hall na iyon kung saan ginaganap ang fashion show ni Katrina.

Maglalakad n asana siya palapit sa pinto nang bigla siyang yakapin ni Katrina. "I'm so proud of you!" Humarap ito sa kanya at hinawakan ang mga balikat niya. "I'm sure Edgar will like you! Sisiguraduhin kong kukunin ka niya para maging model niya!"

Wala sa sinasabi ni Katrina ang utak niya kundi ang makaalis sa lugar na iyon. Ngumiti siya ng alanganin. "Magsi-CR lang ako." Hindi na niya inantay na magsalita ito at iniwan na niya ito. Jusko, Katrina! Patawarin mo ako. Pumasok muna siya sa dressing room at hinanap ang kanyang damit. Nagpalit muna siya at iniwan ang dress ni Katrina sa lagayan nito. Mabilis na tinungo niya ang exit door ng hall.

Laking pasalamat niya ng makalabas siya ng hotel nang walang nakakakilala sa kanya. Naisipan niyang i-text na lang si Katrina na nauna na siya at hindi na niya nahintay ang reception. Itinaas niya ang kamay para magpara ng taxi. Kumakabog ang dibdib niya habang hinihintay ang taxi na makahinto sa harap niya. Isang segundo na lang sana para mabuksan niya ang pinto ng taxi ng may biglang humablot ng braso niya.

"At sa tingin mo talaga matatakasan mo 'ko?"

------------------------------

Dahil natuwa ako sa Metro Magazine June 2018 issue :D

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon