Chapter 4

6.1K 129 2
                                    

"NASAAN ANG Dystopia?"

Hindi alam ni Mariyah ang gagawin nang walang pakundangan siyang hilahin ng huling lalaking gusto niyang makita sa buong buhay niya. Nakita na niya ang sarili na nasa loob ng elevator at mukhang dadalhin siya nito pabalik sa hall kung saan ginanap ang fashion show ni Katrina.

Kunot ang noong napatingin siya dito. "Anong Dystopia?"

Nakita niyang nagtangis ang bagang nito sa sinabi niya. "Nagmamaang-maangan ka pa talaga? 'Yung ninakaw mong paintingsa mansion naming sa Tagaytay!"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Ha?"

"Magsasalita ka ba o hindi? Baka gusto mong ideretso kita sa presinto?"

Bigla siyang napaatras sa sinabi nito. Mabuti na lang at silang dalawa lang ang nasa loob ng elevator kung hindi ay kung ano nang kahihiyaan ang nasaksihan ng ibang tao.

"Ginamit mo pa talaga si Katrina. May ninakaw ka rin ba sa kanya?"

Doon na namuo ang inis niya sa lalaki. Kung siya ay puwede nitong insultuhin dahil sa nagawa niya tatlong taon nang nakakalipas, huwag lang ang pagiging mabait ni Katrina sa kanya.

"Excuse me," pauna niya rito. "Wala akong ninanakaw sa bahay mo. Hindi mob a natatandaan? 'Di ba tinakbuhan kita? Alam kong nakita mo ring tumalon ako sa bintana mula sa ikalawang palapag ng bahay niyo. Bakit hinahanap mo sa akin ang painting?"

Nagulat siya nang duruin siya ng lalaki. "Alam kong may kasabwat ka. Pagbalik ko, wala na ang Dystopia sa puwesto nito. Kinuha mo ang atensyon ko para makapasok ang mga kasama mo at magkaroon sila ng pagkakataong makuha ang painting."

Napanganga siya at napailing sa sinabi nito. "Wala akong kasama!"

"Bakit nawala ang painting?!"

"Hindi ko alam!"

"Sinungaling!" ramdam niya ang galit ng binata sa kanya. Ito na ng aba ang kinakatakutan niya. Ang mahuli siya ng lalaki na tanging nakakita sa kanya nang gabing iyon. "Kinuha iyon ng mga kasama mo!" Napapitlag siya nang biglang hablutin nito ang mga braso niya. Ramdam niya sa pagkakahawak nito sa kanya ang galit sa pagkawala ng painting. "Kapag hindi mo nilabas ang Dystopia, ipapakulong kita!"

Mabilis na binawi niya ang mga braso mula sa pagkakahawak ng lalaki. "Wala akong kinukuha! Wala akong mga kasama ng gabing iyo! Maniwala ka!"

Hahawakan pa sana siya ng lalaki nang biglang bumukas ang pinto ng elevator at sabay silang napatingin sa nag-aabang sa labas.

"Iyah? Edgar?" si Katrina na halatang nagulat nang makita silang dalawa.

Mabilis na inakbayan siya ng lalaki na tinawag na 'Edgar' ni Katrina. "Oh, Katrina. I'm so happy that I met your main dress. You know what? Why don't we talk about her contract for the Belworts?"

Hindi niya alam ang gagawin nang hilahin siya ni Edgar palabas ng elevator. Nakita naman niya ang pagliwanag ng mukha ni Katrina sa sinabi ni Edgar. Alam niyang iyon ang pangarap sa kanya ni Katrina, ang maging model ng Belworts Publishing pero parang hindi na niya gusto ang pangarap na iyon.

"It's good to hear that!" bakas ang tuwa sa boses ni Katrina. "Sabi ko sa'yo magugustuhan mo siya. Isa siya sa pinakamagaling kong modelo. I was the one who discovered her potential."

Nakarating mismo sila sa reception hall ng fashion show ni Katrina. Habang abala ang dalawa niyang kasama na pag-usapan ang contract niya sa Belworts ay abala naman ang isip niya kung paano siya makakatakas sa lugar na iyon.

"You know what?" kinabahan siya sa muling pagtuon sa kanya ng tingin ni Edgar. "She looks familiar. Saan nga ba tayo unang nagkita?"

Gustong biglang maglaho na lang sa harapan ng dalawa nang tanungin siya ni Edgar. Kitang-kita niya ang pang-aasar sa kanya ng lalaki. B'wiset talaga. Pinilit naman niyang ngumiti.

"Talaga?" si Katrina. "Nagkita na kayo dati?"

"Oo!" si Edgar. "Nagkita na kami dati. Saan nga ba tayo nagkita? Sa Tagaytay?"

Gusto na lang niyang malusaw sa ginagawa ni Edgar sa kanya. Mukhang ibubuko pa nito ang ginawa niya sa mansion nito. Napalunok siya sa titig ng dalawa na halatang naghihintay ng sagot niya.

"'Di ba nandoon sa Tagaytay ang mansion niyo?"

Mas lalong kumabog ang dibdib niya sa tanong na iyon ni Katrina. Wala na ata siyang lusot. Lumalabas na ang lahat ng bagay na may kinalaman sa nakaraan niya.

Tumango-tango si Edgar. "Oo na nga, no? Nasa Tagaytay ang mansion namin? 'Di ba, Iyah?"

"Doon ba kayo nagkita?" usisa ni Katrina.

Umiling-iling siya. Sa wakas ay nakapag-react na siya sa usapan ng dalawa. "Hindi ko maalala na nagkita na kami."

"Imposible."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Edgar. Mukhang may balak nga itong ibunyag ang ginagawa niya sa mansion nito sa Tagaytay. Bumilis ang tibok ng puso niya nang tumingin ito ng seryoso sa kanya.

"Sa g'wapo kong 'to?" ani Edgar. "Hinding-hindi mo makakakalimutan kung paano nagtama ang mga mata natin."

Napanganga siya sa sinabi ng huli. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan na lang siya nito dahil sa ginawa niya at pagbabayarin siya sa pagkawala ng painting.

"So!" agaw ni Katrina. "May nakaraan pala ang dalawa kong kaibigan."

Umiling siya. "Hindi. Wala."

Humalukipkip si Edgar. "See you in the office next week." At tinalikuran na sila ng lalaki at naglakad palayo sa kanila.

"Did you hear that?!" lingon sa kanya ni Katrina. "You made it! Contract signing na sa Belworts!"

Ngumiti na lang siya kaysa masira niya ang sayang nakikita niya sa mukha ng kaibigan. Hindi niya kayang sirain ang pinangarap nito para sa kanya. Pero mukhang nakikita na rin niyang hindi magiging maganda ang patutunguhan niya sa Belworts gayong ang lalaking nakahuli pala sa kanya ang may-ari ng kumpanyang iyon.

"Kapag hindi mo nilabas ang Dystopia, ipapakulong kita!"

Napabuntong-hininga na lamang siya nang maalala ang sinabi ni Edgar sa kanya kanina sa loob ng elevator. Sino bang kumuha n'un? Bakit nawala din ang painting nang gabing iyon? Iisa lang pumasok sa isip niya nang mga sandaling iyon.

Sinundan talaga nila ako?

----------------------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon