Chapter 30 - Last Chapter

6.3K 112 9
                                    

"BAKIT PARANG natataranta ata kayo?"

Pagkatapos ng isa linggo pang pahinga niya ay bumalik na siya ng Belworts. Masaya na ang pakiramdam niya ngayon. Makakabalik na ulit sa trabaho. Alam niyang magiging ngarag ang pagbabalik niya dahil sa mga naiwan niyang commitment. Naabutan niya ang ibang staff na abala sa pag-aayos ng studio.

"Welcome back, Iyah!" sabay yakap sa kanya ni Haley. "Na-miss kitang babae ka!"

"Na-miss ko din kayo," aniya habang nakayakap sa kanya.

"Saang lupalop ka naman pumunta at dinala mo pa si Sir Edgar!" ani Randy sa kanya. Niyakap rin siya nito pagkabitaw sa kanya ni Haley.

Halos binate siya ng lahat ng staff ng Belworts sa kanyang pagbabalik. Tuwang-tuwa naman siya sa mainit na pag-welcome back sa kanya ng mga ito.

"Hindi na ako aalis ng walang paalam," aniya.

"Dapat lang! Nalulungkot si Sir! Nawawala sa ulirat!" si Haley.

Natawa naman siya sa mga ibinabalita ng mga ito sa kanya habang wala siya.

"O, s'ya, s'ya! Kilos na at may trabaho pa tayong gagawin!" sigaw ni Randy sabay kilos ng mga staff. Hindi naman niya maintindihan ang pagkataranta ng mga ito.

Nagulat siya ng bigla siyang hilahin ni Haley sa loob ng dressing room.

"Alam mo, girl, bentang-benta ang mukha mo sa magazine! Ikaw ang gustong-gusto nilang makita," sabi ni Haley habang nilalagyan ng make-up ang mukha niya.

"Talaga?"

"Bakit kasi nawala ka bigla? Alam mo this will be your biggest come back in fashion magazine!" sabay hawi ng sarili nitong buhok na parang nagmomodelo.

Natawa na lang siya habang inaayusan siya nito.

"O, buhok na naman," sabay hawak sa buhok niya.

Pagkatapos ayusin ni Haley ang buhok niya ay kinuha nito ang susuotin niya raw na gown. Laking-gulat naman niya nang makita ang sinasabi nitong gown. Nagawa niya pang titigan si Haley na parang nagtatanong kung seryoso ito.

"Ano pang hinihintay mo? Suotin mo na!" sigaw sa kanya ni Haley.

"Sigurado ka ba dito?" takang tanong niya.

"Mukha ba akong nagbibiro?" sabay titig sa kanya sa seryosong mukha. "Bilis!"

"Okay, fine! Fine!" sabay kuha ng dress at pumasok sa isang k'warto para magbihis. Paglabas niya ay tinulungan siya ni Haley na i-zipper ang likod. Hindi niya lubos maisip na halos sukat niya ang dress na parang ginawa para lang talaga sa kanya.

"Ang ganda mo!" manghang sabi ni Haley.

Napangiti naman siya. "Salamat."

"Kapag maganda ang bride, dapat g'wapo ang groom!"

Nagtaka siya sa sinabi nito. She's wearing a white elegant silk gown. Kung titingnan maigi ay mukha nga talagang wedding gown ang suot niya pero hindi na lang niya pinansin ang mga sinabi nito. Iginiya na siya nito sa labas. Laking-gulat naman niya nang makita ang design ng studio kung saan magaganap ang photoshoot. Naningkit ang mga mata niya sa white roses na nakapalibot sa buong studio. Pansin niya rin na siya lang ang nakasuot ng dress na puti sa lahat ng modelo. Ang iba ay puro naka-ocean blue dress. Pakiramdam niya tuloy ay nasa isang pre-nuptial wedding siya.

"Lakad na roon sa gitna," utos naman sa kanya ni Mrs. Ramona Esqueta na malawak ang ngiti na binigay sa kanya.

"Sige na," kulang na lang ipagtulakan siay ni Haley sa gitna.

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon