Chapter 16

4.9K 108 3
                                    

NAGPAKAWALA NG buntong-hininga si Mariyah pagkapasok niya ng dressing room. hindi niya inaasahan ang kanyang nakapareha sa photoshoot kanina. Nabanggit lang sa kanya na by partner ang pagkuha pero hindi siya na-inform na si Edgar ang magiging kapareha niya.

"Nice shoot."

Napalingon siya sa nagsalita. Nginitian niya si Katrina na sumunod pala sa kanya. Sumandal ito sa mesa samantalang nakaupo siya kaya med'yo tiningala niya ito.

"Salamat," aniya.

Hinawi nito ang buhok niyang humarang sa kanyang mukha. "You need to be confident. You need to be that fierce."

Tumango-tango siya.

"Hindi sa lahat ng oras mapagtatanggol kita."

Taka namang tumingon siya dito. Hindi niya alam kung bakit siya binalot ng kaba sa sinabi nito. Sa tingin niya'y may ibang ibig sabihin si Katrina pero hindi niya magawang magtanong.

"I'll go back to Singapore next month."

Bigla siyang napatayo mula sa kanyang kinauupuan. "Ha?"

Hinawakan siya nito sa kanyang mga balikat. "Alam mo namang doon talaga ang trabaho ko, 'di ba? Nasabi ko na nasa bakasyon lang ako dito at seminars and training. Tinapos ko lang din 'yung fashion show ng branch naming dito. Pinababalik na ko ng amo ko d'on. Kailangan na daw ako ng kumpanya."

"Iiwan mo na ako?" ramdam niyang may namumuo nang mga luha sa kanyang mga mata.

Napakagat-labi si Katrina sa sinabi niya. "Kaya nga pinilit kong makapasok ka ng Belworts para kung sakaling bumalik ako ng Singapore may trabaho ka na. Makakapag-ipon ka na."

Hindi niya lubos maisip na iiwan na siya ng taong naging sandalan niya sa mga oras na gusto na niyang sumuko. Ito ang nagbigay sa kanya ng bagong buhay. Pero alam niya rin ang parteng iyon ng buhay ni Katrina; na anumang oras ay babalik ito sa naiwang trabaho sa ibang bansa.

"Huwag kang mag-alala may communication naman tayo, e."

Ngumiti siya rito. Ayaw niyang maging malungkot ang pagpapaalam nito sa kanya. "Salamat."

"Alam kong aalagaan ka ni Edgar."

Napatigil siya sa sinabi nito. Ngumiti lang siya at tumungo-tungo.

Niyakap siya nito. "My fierce eye. Mag-iingat ka palagi. Masaya ang buhay. Huwag laging iiyak. Papanget ka niyan."

Sabay pa silang nagtawanan sa biro nito sa kanya. Natutuwa siya at nakakilala siya ng isang katulad ni Katrina na hindi sumuko para makapagbagong-buhay siya at hindi niya sasayangin ang mga ituro nito sa kanya.

---------------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon