Chapter 8

5.2K 108 1
                                    

INIWAN MUNA ni Mariyah ang dalawa sa opisina at nagpaalam na gagamit muna ng comfort room. Hindi na niya hinintay na magsalita ang sinuman sa dalawa at mabilis na lumabas ng opisina. Nagtanong siya sa isa sa mga nakasalubong niya kung saan ang comfort room. Pakiramdam niay ay nakahinga siya ng maluwag sa paglabas ng opisina ni Edgar. Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin.

Tama ba itong ginagawa ko? Alam kong mainit ang dugo niya sa akin pero pinagpatuloy ko ang gusto ni Katrina. Huli sa listahan niya ang ma-disappoint sa kanya ang kaibigan na nagbigay sa kanya ng bagong buhay. Ayaw niyang masira ang mga pinagpaguran nito para maabot niya kung nasaan man siya ngayon. Isa na siyang contract model ng isa sa mga sikat na publishing house na naglalabas ng fashion magazine sa bansa.

Para kay Katrina! Inayos niya ang sarili. Pagkatapos mag-retouch ay lumabas na siya ng comfort room pero laking gulat niya nang makita niyang nakasandal si Edgar sa pader na 'di kalayuan. Naglakad siya na para bang walang anumang tension na namumuo sa pagitan nila. Balak niyang lagpasana ng binata nang bigla siya nitong harangan at itungkod nito ang kamay sa pader dahilan para makulong siya sa pagitan ng pader at ng binata.

"B-Bakit?" nauutal na tanong niya.

Ngumiti ito sa kanya na ikinagulo ng Sistema niya. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng takot sa mga ngiti simula nang una niya iyong masilayan tatlong taon na ang nakakalipas.

"I just wanna greet you a warm welcome to the Belworts!" anito. "Akalain mo 'yun? Umabot ka hanggang dito."

Alam niyang inaasar lang siya nito dahil sa mapagbirong tadhana na kumokontrol sa kanila. "Para kay Katrina. Ayokong ma-disappoint siya sa akin."

"Sa tingin mo ba hindi siya madi-disappoint kapag nalaman niya ang ginawa mo tatlong taon na ang lumipas?" May naglalarong ngiti sa labi ng binata.

Marahan niya iton tinulak palayo sa kanya. "Wala akong kinuha. Wala akong ninakaw sa mansion niyo. Bakit ba hindi ka maniwala?" alam niyang anumang oras ay tutulo na ang mga namumuong luha niya sa mga mata.

"Hanggang kailan ka maninindigan sa kasinungalingan mo?"

Napanganga siya sa sinabi ni Edgar. Alam niyang kahit anong paliwanag ang gawin niya ay hindi ito maniniwala sa mga sinasabi niya. Nakalimutan niyang mananatili siyang magnanakaw sa paningin nito. "Paniwalaan moa ng gusto mong paniwalaan. Minsan lang akong pumasok sa mansion niyo pero wala akong kinuha!"

Pinalakpakan lang siya nito na mas nagpabigat sa damdamin niya.

"Magaling. Maniniwala na ba ako?"

Doon na tumulo ang luhang kanina pa niya pinipigilan. "Hindi kita pipilitin. Basta ang alam ko, malinis ang konsensya ko. Oo, pinasok ko ang mansion niyo. Nautusan ako pero wala akong bitbit na gamit paglabas ko."

Napaatras siya nang lumapit sa kanya si Edgar. Mas kumabog ang dibdib niya nang ilapit nito ang ulo sa gilid ng kanyang mukha.

"Great acting," bulong nito sa kanya. "Don't worry. I'll watch you 24/7."

At iniwan siya nitong luhaan. Nagpupuyos ang kanyang damdamin. Pakiramdam niya ay anumang gawin niyang paglimot sa madilim niyang nakaraan ay babalik at babalikan siya ng pagkakamaling ginawa niya tatlong taon na ang nakakaraan. Naipunas niya ang sariling palad sa luhang nag-uunahang bumagsak sa kanyang pisngi. Gusto na niyang magbagong-buhay pero sa tingin niya'y hindi siya pagbibigyan ni Edgar hanggat hindi niya nailalabas ang painting na nawala sa mansion nito.

Jusko naman! Nasaan ka na bang painting ka!

---------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon