Chapter 15

5.4K 120 4
                                    

"TELL ME you're just joking, right?"

Tinitigan niya ang mukha nina Katrina at Randy na ginulo siya sa kanyang pagbabasa sa monthly sales report noong July nang bigla itong pumasok sa kanyang opisina. Guso niyang umasa na nagbibiro lang ang mga ito nang sabihin sa kanya ang kailangan nila pero wala siyang nakitang bakas ng pagbibiro.

"Seriously?!" paninigurado niya sa sinabi ng mga ito.

Tumango-tango si Randy. "Our theme for the month of August is 'partnership' but we lack of male models. Ang halay naman kung dalawa or tatlo ang magiging partner ng bawat male models natin, Sir. Baka hindi na 'partnership' ang amging tema natin kundi 'infidelity'."

"And else, you are perfect with my designs," panggagatong ni Katrina para mapapayag siya. "Bagay na bagay iyon sa'yo."

Umismid siya sa mga sinabi nito. Pinaparating niya na hindi niya gusto ang ideya ng mga ito.

"For the company?" nakangiting pamimilit ni Katrina.

"Hindi na natin kayang i-postpone ito, Sir. Nasa kalagitnaan na tayo ng July baka hindi na tayo umabot ng August kapag naghanap pa tayo," paliwanag naman ni Randy.

"Okay, fine, fine," mukhang wala na siyang choice. "I'll do it! Pero ngayon lang. Siguraduhin, Randy, sa September ayos na 'yan."

"Yes!" halos sabay pa ang dalawa na sumigaw sa galak.

"Pumunta ka na sa dressing room para magbihis. Tapos konting paayos lang kay Haley," parang nag-uutos na sabi ni Katrina.

Wala siyang nagawa kundi sumunod sa mga pinagawa sa kanya. Hindi naman sa labag sa puso niya, kung para naman sa kumpanya bakit hindi ang kaso lang mapa-publish ang itsura niya sa magazine na hindi niya nakasanayang gawin kahit pa kilala ang pangalan niya sa publishing industry.

"Sabi ko naman sa'yo bagay 'yang design ko sa'yo," pagmo-motivate pa sa kanya ni Katrina paglabas niya ng dressing room

"Oo na," pero halatang napipilitan siya. "Tapusin na natin ito agad."

"Okay, okay, maghanda na nag lahat!" sigaw naman ni Randy.

"Saan ako pupuwesto?" tanong niya kay Randy.

"Sa unahan, Sir," anito. "Ikaw na po muna ang kuhanan para matapos na po kayo agad."

Tumango-tango siya. Pumunta na siya sa unahan. Med'yo nasilaw pa siya sa mga ilaw na nakatutok sa kanya. Tumingin siya kina Katrina wari'y may inaantay pa ang mga ito. Tumingin siya sa mga modelong nasa gilid niya. Ngumiti siya sa mga ito nang kumaway ang mga babaeng modelo. Hindi naman siya snobber like boss. Wala ang kumpanya niya kung wala ang mga ito.

"Ayan na! Ayan na!"

Napatingin naman siya sa tinuturo ni Haley na umagaw ng atensyon ng lahat ng tao sa studio. Maging siya ay hindi naiwasang mapatitig sa babaeng nakasuot ng black knee-leveled fitted dress with brown cotton coat. Naalala niya kung paano niya nagawang i-comfort ang dalaga matapos nitong maglabas ng bigat na dinadala sa mahabang panahon noong nag-celebrate sila sa kanyang bahay noong isang linggo.

Nagtama ang mga mata nila nang ilang sandali pero ito rin ang agad na bumawi. Tumingin si Mariyah kay Katrina na parang nagtatanong pero tinuro lang ng huli ang kanyang puwesto. Kagat-labi pang naglakad sa kanyang kinatatayuan si Mariyah. Hindi ito tumitingin sa kanya pero siya ay halos sa dalaga nakatutok ang mga mata.

"Partnership!" sigaw ni Randy.

"Let's start!" si Katrina naman.

Inabot naman ng isang crew ang isang upuan. "Sir, gamitin niyo raw po ito." Sabay alis sa gitna.

"Fierce eye, Iyah!" paalala ni Katrina sa kasama niya.

Alam niyang hindi komportable si Mariyah na kasama siya sa isang photoshoot. Halos hindi siya nito hawakan. Hindi rin ito tumitingin sa kanya.

"Magdikit naman kayo!" sigaw ni katrina.

Nahalata niya ang pagkataranta ni Mariyah. Hindi ito mapakali at halatang nginig ang katawan habang nasa tabi niya at hindi alam kung saan ipupwesto ang mga kamay. Umupo siya ng maayos habang nakatapak ang isa niyang paa sa sahig. Mabilis na kinabig niya ang bewang ni Mariyah na ikinagulat nito at hindi sinadayang napahawak sa mga balikat niya. Doon na nagkaroon ng pagkatataong magtama ang mga mata nila. Nakita niya ang gulat sa mga mata nito pero nginitian niya lang.

"Don't be so nervous. We can do it," aniya bilang pagbibigay lakas-loob dito.

Naputol lang ang tingin nila sa isa't isa nang may biglang kumislap sa harapan nila.

"Ayan! Kaya naman pala, e!" sigaw ulit ni Katrina. "Fierce eye, Iyah!"

"Tingin ka d'on," bulong niya kay Mariyah.

Mabilis naman itong tumingin sa harap ng camera. Sinunod nito ang utos ni Katrina. Inikot niya si Mariyah para humarap sa camera. Iginiya niya ang mga kamay nito kung saan siya hahawakan dahil nararamdaman pa rin niya ang pagkailang nito sa kanya. Kinuha niya ang kanang kamay nito at pinatong sa kanyang balikat samantalang ang kaliwa ay pinahawak niya sa kanyang kamay na nakahawak sa bewang nito. Siya naman ang tumalikod. Nanatiling nakahawak ang mga kamay niya sa bewang nito. Tumingin siya sa gilid na wari'y malayo ang tingin. Sunod-sunod na kumislap ang ilaw ng camera sa kanilang harapan.

"Last shot!" sigaw ni Katrina.

Pareho silang napatingin sa huli na may nagtatanong na mga mukha. Hindi niya nagustuhan ang makahulugang ngiti nito.

"Kiss."

"What?" hindi niya sinsadyang matanong sa sinabi ni Katrina.

Pero tinawanan lang siya nito. "I mean magkaharap sa isa't isa! Ginandahan niyo na ayaw niyo pang itodo."

Nakita niya ang ngiti ng mga kasamahan nila na halatang namangha sa mga kuha nila.

"Ayusin mo 'yan, katrina!" sigaw niya rito.

"Bilis na!"

Kinabig niya si Mariyah na wala pa ring imik hanggang ngayon. Pinulupot niya ang kamay sa bweang nito. Kinuha niya ang mga kaay nito at dinala sa bewang niya. Naramdaman niya ang panginginig nito. Hindi rin ito makatingin sa kanya ng diretso. Alam niyang pinipigilan nito ang mailing pero hindi lang maiwasan.

"Look at me," bulong niya rito.

Kasabay ng pagtama ng mga mata nila ang pagkislap ng ilaw ng camera.

"Great shot!" sigaw ni Katrina kasabay ng palakpakan ng mga kasama nila sa loob ng studio. "Ipangko-cover natin 'yon."

Mabilis na binitawan siya ni Mariyah at nakita niyang tumuloy ito sa loob ng dressing room. Sakto namang lapit sa kanya ni Haley.

"Sir, ito na po 'yung uniform niyo. Thank you po."

Tumango-tango siya. Dinala niya ang kanyang uniform at sa office na siya magbibihis. Habang sakay ng elevator ay hindi mawala-wala sa kanyang isip ang naging huling kuha nila. Ang pagtama ulit ng kanilang mga mata ni Mariyah. Ang bilugan at itim na mga mata nito na gumugulo sa kanya sa kanyang panaginip dati. Hindi niya namalayan ang sarili na nakangiti kundi niya pa makikita ang repleksyon sa salaming pader ng elevator.

Anong nangyayari sa akin?

----------------------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon