Chapter 10

5.7K 120 7
                                    

HALOS ABALA ang lahat sa gaganaping photoshoot pero si Mariyah ay abalang palakasin ang loob. Nasa studio na siya ng Belworts pero si Katrina ay wala pa. Mukhang na-late pa ang huli. Naghahanda na ang ibang modelo at mga tauhan ng Belworts. Busy-ing-busy ang lahat. Nakuntento na lamang siyang nakatingin sa kanyang repleskyon sa harap ng salamin.

Kaya mo 'yan, Mariyah!

"You look like a goddess."

Napapitlag siya nang biglang may magsalita sa kanyang likuran. Ngumiti naman siya rito bilang tugon sa papering natanggap niya.

"I'm Randy. The fashion editor of Belworts," pakilala nito sa kanya.

Tinanggap niya ang alok nitong pagkikipagkamay. "Iyah."

"Iyah, nice name," anito.

"Mariyah," pagbubuo niya sa tunay niyang pangalan. "Si Katrina ang nagbigay sa akin ng 'Iyah'."

Tumango-tango ito. "Magaling talaga si Katrina mag-discover ng new models."

"Thank you."

"Papaayusan na kita sa make-up artist para ready ka na kung sakaling dumating na si Edgar," anito.

"Sige."

"Med'yo istrikto kasi 'yun. Gusto laging on time."

Napatungo-tungo na lamang siya sa sinabi nito. Wala siya sa mood makipag-usap tungkol sa lalaki.

Tinawag na nito ang make-up artist at sinumalang ayusin ang kanyang mukha. Bigla namang dumating si Katrina sa studio na pinasalamat niya dahil nauna itong dumating kaysa kay Edgar. Lumapit ito sa kanyaat pinagmasdan ang ginagawa sa kanyang mukha ng make-up artist.

"Make it just a little bit lighter," suhestyon nito. "Maganda na siya. Baka sumobra na kapag kinapalan mo pa."

"Okay po, Ms. Katrina," nakangiting sabi ng make-up artist.

"How's your night?" pangangamusta nito sa kanya.

Ngumiti siya. "Okay na. Salamat."

"Don't be afraid. I'm just here."

Tumango-tango siya.

"Kukunin ko lang ang susuotin mong damit," paalam nito sa kanya.

Hindi naman niya alam kung bakit parang pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang mapansin sa repleskyon ng salamin ang isang malaking bulto ng lalaking pinakaiiwas-iwasan niya. Nakasandal ito sa pintuan at mataman na nakatingin sa kanya. Hindi niya lumingon sa kanyang likuran at baka mag-assume pa si Edgar na naagawa nito ang atensyon niya. Iniba na lamang niya ang direksyon ng mga mata habang tinatapos ng make-up artist ang kanyang mukha. Alam niyang hiyang nakatingin pa rin ito sa kanya dahil sa imahe nitong nakikita niya sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi siya komportable sa ginagawa sa kanya ng binata. Mukhang seryoso nga ito sa sinabi nito sa kanya kahapon na babantayan siya nito 24/7 pero not in romantic way kundi sa paningin na siya'y isang magnanakaw. Napabuga na lamang siya ng isang malalim na paghinga.

"It's done!"

Napatingin naman siya sa kanyang repleksyon sa salamin sa sinabing iyon ng kanyang make-up artist. Napangiti siya sa naging resulta. Sinunod nito ang gusto ni Katrina. Hindi masyadog makapal ang make-up niya na mas nagpalabas sa kanya ng tunay niyang ganda.

"It makes you prettier when you smile," komento ng make-up artist.

Mas lumawak ang ngiti niya. "Thank you."

"Mas lalabas pa ang ganda mo kapag sinuot mo na ang dress na gagamitin sa photoshoot."

Inaya siya nito hanggang sa may dressing room. Hindi siya nag-abalang tapunan ng tingin si Edgar na alam niyang habol ang tingin sa kanya. Naiilang siya sa mga tingin nitong parang iniimbestigahan ang bawat kilos niya. Kailangan niyang lakasan ang loob. Walang magagawa ang pag-iyak niya rito dahil kasing tigas rin ng bato ang puso nito para magpatawad sa isang pagkakamali lang.

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon