Kabanata II:Mansion

1.3K 54 3
                                    

Third Person POV.

Sa isang madilim na bahagi ng mansion may isang silid kung saan ay pinili ng isang kaluluwa na ikulong ang sarili sa masalimuot at malungkot na paligid.

"Magandang hapon po,Heneral"wika ng isang nagsasalitang radio.

"Anong sadya mo! "wika ng isang boses na naggaling sa isang madilim na sulok.

"Ito po heneral may handog po akong pagkain sa inyo.Baka gusto niyo pong kumain"pag-aanyaya ng radio.

"Iwan mo na dyan"giit ng isang malaking boses. Marahang inilagay ng radio ang adobo sa maliit na mesa nito.

"Kung may ipag-uutos pa po kayo Heneral,tawagin niyo lang ho kami."tugon niya bago tumalikod at umalis.

Agad niyang isinara ang pinto nang makalabas na ang radio. Agad syang hinarap ng isang libro.

"Oh, Juancho. Kamusta ang Heneral"pagtatanong ng libro.

"Ayun,ganon parin.Wala parin siyang pinagbago"nalulungkot na saad ni Juancho.

Sila ang mga bagay na nagsasalita,kinatatakutan at nilalayuan bukod sa kanilang kakaibang mga galaw.Hindi rin normal sa mga mata ng tao ang makakita ng mga gumagalaw at nagsasalita na mga bagay.

Paraan nila ito upang mapanatili ang kanilang mga kaluluwa na buhay parin sa mundong ito kahit na matagal na silang namatay.

Habang ang kanilang pinuno naman ay hindi na bago para sa kanila ang pakikitungo nito sa kanila.Noon paman simula nang mamatay ito, hindi na ito muling lumabas sa kanyang silid kailanman.
Pero umaasa parin ang mga bagay na ito, na muling maibabalik ang kasiyahan ng kanilang heneral.

Sa tulong ng isang babae,umaasa silang may maligaw sa gubat at nanaisin na tulungan ang kanilang heneral upang muling mapayapa ang kaluluwa nito.

....

AYRA POV.

"Daddy.. Huhuhu.. Help me!"naluluhang saad ko.

Para akong nagyeyelo sa lamig dito sa labas,di ko naman magawang pumasok sa loob dahil sa babala ni lola sakin.

Baka masabunutan pa ako ni lola pag nagkataon, but why.
Bakit bawal pumasok sa loob, mukha namang may ilaw sa loob ah.

Medyo scary nga lang ang bahay, bukod kase sa kulay itim nitong pintura. Umaapaw rin ang kagandahan nito, parang isang mansion o di kayay haunted house.

Marahil, matagal ng panahon simula nung maipatayo ito,siguro panahon pa ata ng kastila sa pagkakakilala ko sa bahay.

Hindi na ako makatiis,kaya't agad akong tumayo at pinapag ang puwetan ko.
Nilapitan ko ang malawak na gate at hinanap yung doorbell.

And i found a bell??.

Oo,kampanilya in tagalog. Ang luma luma naman nang doorbell nato. Hindi ata nakabili nang latest doorbell ngayun, wala bang shopee dito. Or else wala ngang cignal dito. Napalingon ako sa paligid at napansin ko ang dalawang halimaw na nakabukas ang mga bibig, nakaupo ito na parang isang aso.

Ano ba ang nakain nila,at nagpalagay pa sila nang statuwa nang halimaw rito.

Sinubukan kong hawakan ang lubid at pina-ikot ikot ito.

Hinintay ko na may lumabas na tao sa loob, kaso nakailang ikot na ako sa lubid wala pa ring lumabas.

He's my Historic Guy Where stories live. Discover now