Kabanata XI-Misyon

677 31 3
                                    

Ayra POV:

Hanggang ngayon ay hindi parin ako mapakali kung ano nang nangyari kay Juancho,nag-alala ako na baka hindi na siya mabuo muli.Gusto ko siyang puntahan at kamustahin kung anong kalagayan niya.Simula rin kase kagabi nung inihatid ako ni Anyeras,ay ni isa sa kanila ni Adonis ay hindi na ako binalikan pa .

Kaya magtatyaga akong puntahan ngayon kung nasaan ang silid ng Heneral.Sinubukan kong lumabas ng kwarto ko,at naglakad papalabas.Lumingon ako sa paligid at hinanap kung nasaan ang daan patungo roon,umakyat ako sa malawak na hagdanan at tinungo ang bandang kaliwa.Masyadong malaki at masyado ring tahimik ang buong paligid .

Hindi mo aakalain na dati itong tirahan ng mga naging bayani sa lugar na ito,at tahanan rin ng isang "Hambog na Heneral".

Ewan ko sa kanya, basta ayaw ko sa kanya,siya rin kasi ang naging dahilan kung bakit napahamak si Juancho,kung sana tinulungan niya kami noong humingi kami ng tulong sa kanya, edi sana hindi nangyari 'to.

Masyadong malawak ang paligid na dinadaanan ko,at umantig saking paningin ang mga nagsisigandahan na mga painting sa pader.

Magkano kaya ang halaga  ng mga painting na ito ,mukhang mamahalin at dikalidad ang mga guhit nito.Pumukaw saking atensyon ang isang kulay pink na dahon ng mga puno,kung hindi ako nagkakamali ,i think it was Sakura Three..

Hindi ko maintindihan kung bakit may kakaiba akong kutob sa painting na ito,iba ang nararamdaman ko habang tinititigan ko ito.Kaya't nilapitan ko ito at hinawakan.

Hanggang may biglang isang imahenasyon na lumitaw sa aking isipan.

May dalawang taong masayang naglalakad sa isang harden,napapalibutan ito ng mga nagtataasan ng puno ng Sakura.

Mukhang pinag-uuspan nila ang kanilang papalapit na kasal na mangyayari mismo sa lugar na iyun .

Ngunit bigla kong narinig ang isang putok na umalingawngaw sa paligid at ang natamaan nito ay ang babae.

"Anastasya!!!!!!"

At bigla akong bumalik sa reyalidad,sino ang dalawang taong iyun.

"Sino sila?,bakit pinatay ang babae,sino si Anastasya?!"

"Ayra?"

Napalingon ako sa gilid ko ay nakita ko si Adonis hawak hawak ang kanyang baston.

"Adonis..."

"Anong ginawa mo dito?"walang emosyong sabi niya.

"Ah..eh..nagpapahangin lang.."pagsisinungaling ko aa kanya.

"Halika,sumunod ka sakin.May ipapakita kami ni Anyeras sa'yo"tugon niya sakin.

Tumango ako sa kanya,at sinundan siya.Ilang sandaling paglalakad namin ay nakarating kami sa isang balkonahe kung saan matatanaw mula rito ang malawak Harden at mga iba't ibang puno sa ibaba.

Napansin ko si Anyeras,nakatayo at tahimik na pinagmamasdan ang malawak na bahagi ng kagubatan.Parang malalim ata ang kanyang iniisip,alam kong labis ang kanilang pag alala ngayon lalo na't nasa hindi mabuting kalagayan ngayon si Juancho.

Lumapit kami sa kanya at lumingon siya sakin at ngumiti.

"Mabuti na ba ang pakiramdadam mo Ayra?,hindi ka ba nasaktan kagabi?"pagtatanong niya sakin.

"Hindi naman,kunting galos lang."

"Ilang araw ka narin dito sa mansion Ayra,at alam kong labis na ngayong nag-aalala ang iyong mga magulang"seryusong sabi niya.

Bigla kong naalala ang Daddy,sigurado akong labis na ang kanilang pag-aalala ngayon.Hindi hahayaan ni Daddy na mawala ang kanyang 'the only daughter',pati ako di na ako makapaghintay na makauwi at muling mayakap si Daddy.

He's my Historic Guy Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin