Kabanata XXIX-Ang Hamon

378 22 4
                                    


Ayra POV.

Naging mahirap sakin ang pagdesisyunan na patawarin ang taong malaki ang naging kasalan sakin.Ngunit,kung patuloy ko pang paiiralin ang galit ko sa kanya baka madamay pa sina Anyeras.Ayukong masaktan sila lalo na't malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil sa pag-aalaga nila sakin.

Naalimpungatan ako nang masilayan ko ang liwanag na galing sa labas,agad akong napabangon galing sa pagkakahiga ko.

Ngayon sana ang araw ng aking pag-alis ngunit naisipan kong di ko muna itutuloy iyun dahil may kailangan pa akong tapusin dito sa mansion.

Ngunit bago ko muna gawin iyun,kailangan ko munang maghanap ng makakain.Kumikirot narin kasi ang tiyan ko,kahapon pa ako walang kain.Kaya medyo nahihilo pa ako.

Pinilit kong tumayo upang dayuhin ang kusina,umaasang may makikita akong pagkain doon.
Habang naglalakad ako ay inaayos ko muna ang pagkakatali ng buhok ko.

Iniinisip ko parin kasi kung papaano ako hihingi tawad kay Adonis,gusto ko rin kasing sabihin sa kanya ang naging disesyun ko na hindi muna aalis ng mansion.

Pagkarating ko sa kusina ay ang tangi kong naabotan ang payapang paligid,pinasok ko ito at sinubukang maghanap ng makakain.

Kitang kita parin ang maaliwalas na paligid ng kusina,hindi mo maipagkakaila na luma na ito.Umaantig rin ang kagandahan ng mga antique na mga gamit nito.

Ilang sandali na akong naghahanap ngunit wala akong makita kahit mga tira tira lang.Sinubukan ko pang maghanap baka may makitang kahit prutas lang,ngunit ilang saglit na akong nagpalibot libot sa paligid ngunit wala parin.

Gusto ko ng sumuko kaso ramdam ko parin ang kirot ng sikmura ko,miminsan ko ring naririnig ang kumukulo kong tiyan.

Napaupo nalang ako sa harap ng mesa habang iniisip kung saan ako makakakuha ng makakain ngayon.Ilang saglit pa ay bigla akong nabuhay nang may maamoy ako.

Agad akong napatayo at hinanap kung saan nanggaling ngayon.Desperado na akong makakain,kanina pa sumisigaw ang bituka ko.

Nakapikit kong sinundan ang amoy,at ilang sandali pa ay dinala ako ng mga paa ko sa bintana,tumigil ako at binuksan ko ang mga mata ko.

"Heneral!Ayos na po ba ito??"

"Siguro mas maganda kung lagyan mo pa ng isang hiwa ng karne.."

"Naku,naku..mag-ingat ka sa pagtutusok Adonis baka masugatan ka.."

Napalunok ako ng laway nang makita ko ang mga masasarap na barbecue na kanilang pinapaypayan.Mukhang masarap ata yun,abala si Adonis sa pagtutusok ng mga karne,nakikita ko mula sa hindi kalayuan si Anyeras,mukhang kagagaling pa ata niya.At abala naman si Heneral at Victor sa pagpapaypay ng barbecue.

Na-miss ko ang lasa niyan,mahilig din kasi kami noon ni Daddy na magluto sa labas ng bahay.Inaabangan ko kasi yung timpla na hinahalo ni Daddy sa barbecue upang mas lalong sumarap ito.

Siguro ang kapal naman ng mukha ko kapag basta basta lang susugod sa kanila,pero hindi ko na kasi matiis ang kirot tiyan ko e.

Ilang saglit pa ay may naisip akong paraan.Kailangan ko na talaga tong gawin kung hindi matutuluyan na talaga ako.

Inayos ko muna ang sarili ko.

"Ehem...eh..ehem..."

Tiningnan ko sila ngunit di parin nila ako napapansin.

"Na..na..nananana..."pasimple kong awit.

Ngunit di parin nila ako nakikita ..

"Eheeeemm.."

He's my Historic Guy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon