Kabanata XXIV-Pakiramdam

391 23 2
                                    

Heneral POV.

"Ayra,Mahal kita!"

Muling tugon ko sa kanya bago bumuhos ang mga luha sa mata ko,sobra ako nagsisi sa lahat lahat na ginawa ko sa kanya.Di ko intensiyon na saktan siya.

Napansin kong gumalaw ang kanyang  kamay,inangat ko ang ulo ko at nakita ko siyang nakangiti kasabay ang pagpagsak ng kanyang luha sa mga mata niya.

"Heneral...nasaan ka..gusto kitang makita..."narinig ko mula sa kanyang mga labi ang mga salitang iyun.

Tinitigan ko siya ng maigi,at pinagmasdan ko sa kanyang mga mata.Hindi siya nakatingin sakin.

"Heneral!...magpakita ka!!!...gusto kitang makita..."sigaw niya kasabay ang mga luhang pumapatak galing sa kanyang mga mata.

Paanong hindi niya ako nakikita,nasa harapan niya lang ako.Narito ako sa kanyang tabi,hinahawakan ang kanyang mga kamay.

"Ayra...andito ako sa harap mo!!"sigaw ko muli sa kanya.

Unti unti nang nanginginig ang buong katawan ko,bakit hindi niya ako nakikita.Bakit niya ako hinahanap,bakit paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ko.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata,sinubukang pigilan ang kanyang pagluha.Nilapitan ko pa siya at niyakap.

"Ayra..nandito ako.."bulong ko sakanya.

Maging siya ay nanginginig sa sobrang pag-iyak.Ano bang dapat kong gawin Ayra para makita mo ko.

"Ayra!!!..."

"Heneral!!!..magpakita ka...mag usap tayo!!!..gusto kong malaman kung bakit mo ko iniwan sa kubo...gusto kong malaman kung ano ba talagang intensiyon mo sakin!!!!...Lumabas ka diyan!!...Magpakita ka!!!!!!..Kausapin mo ko!!!!!..Nagmamakaawa ako Heneral!!!!!.."pagsisigaw niya at muling bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata.

Di ko alam kung anong gagawin ko ngayon,parang tinutusok ng mga maliliit na karayom ang puso ko.Napakasakit na makita siyang nasasaktan at umiiyak.

Muli kong naalala  ang mga pangyayaring matagal ko ng kinalimutan,at ngayon naulit muli.

"Ayra...Ayra..."hinawakan ko ang kanyang nakakaawang mukha.

"Makinig ka..wala akong masamang intensyon sa'yo..hindi ko gustong masaktan ka!!!!.."pinunasan ko ang mga tumutulong luha niya.

"He—heneral Ansilmo...Alam kong andiyan ka..nararamdaman ko ang iyong presensya..!!"

"Ayra..."tangi ko lang nabanggit bago ko siya niyakap ulit.

Alam kong nararamdaman niya ako kaya ang aking pagyakap ay ang tanging kong paraan upang maiparamdam sa kanya na nandito lang ako sa kanyang tabi at nagsisi ako sa mga ginawa ko.

Ayuko siyang makita sa ganitong kalagayan.Ibang iba ang Ayra na nakilala ko noon,at ang Ayra na nasa harapan ko ngayon.

Napakasakit,parang paulit-ulit akong kinakain ng aking konsensya.

"Ayra,patawarin mo ko.."

~••••••••••~

Malalim na ang gabi ngunit andito parin ako sa labas nakatayo sa isang malawak na balkonahe habang pinagmamasdan ang malaking buwan.Kahit papaano napapagaan ko ang sarili mula sa nangyari kanina.

Patuloy paring bumabalik sa isipan ko ang pangyayari kanina.Nag aalala ako,hindi na ako maaring makita o marinig man ni Ayra.Nakakalungkot lamang at di niya narinig ang nais kong sabihin sa kanya.

Siguro mas mabuti narin yun at hindi niya ako nakikita.Mas maganda iyun upang tuluyan niya na akong malimutan.Tuluyan ng mawala ako sa kanyang isipan.Ayukong darating ang araw na labis ang kanyang mararamdaman na sakit,dahil mawawala na ako sa kanyang tabi.

He's my Historic Guy Where stories live. Discover now