Kabanata VI:Pagtatagpo

873 33 2
                                    

Ayra POV.

Maghapon akong nakahiga rito,halos buong araw din akong walang magawa dahil sa pamamaga ng tuhod ko.

Hindi parin mawala-wala sa isipan ko ang nangyaring bangungot sakin kagabi.Pilit ko paring iniisip kung ano at sino ang nilalang nayun,mabuti't buhay at ligtas parin ako matapos akong atakehin sa puso dahil sa takot.

Hindi ko narin sinabi kay Juancho at Anyeras ang nangyri sakin kagabi.Baka isipin nilang nagsisinungaling lang ako,talaga namang hindi kapani paniwala ang mga bagay nayun.

Hindi ko na matiis ang inip rito sa loob ng silid,sawa na ako sa kakatanaw ko sa kisame,kulang nalang mabaliw na ako sa pagkabagot dito.Mas mabuti pa kayang maglakad ako sa labas, baka may madiscover a new things dun.

Oo nga pala,di ko naisip ang binti ko.

Bwiset!,inip na inip na talaga ko dito.

Namamaga parin ang nakabendang binti ko.Im so blessed na hindi ito naapektuhan sa pagbagsak ko sa sahig kagabi.

Sinubukan kong ilapat ang paa ko sa mga sahig, at unti unting pinwersa ang buong lakas ko upang tumayo.Napangiti ako nang maayos kong naitayo ang sarili kong binti. Sawakas nagawa ko, may kunting kirot pero nakakalakad na ako.

Ilang hakbang kong inapak ang paa ko,patungo sa doorknob ng pinto.

"This is it, kaya mo 'to Ayra!"pabulong ko sa sarili ko.

Unti unti kong itinulak ang pinto at bumungad sa akin ang maaliwalas na sala. Kumikinang ito sa ganda at linis ng paligid.Inilibot ko ang mata ko sa buong paligid,di ko maitatanggi ang ganda nito.

Feel na feel ko na nasa ibang panahon ako.

But wait,tama na ang pag-iilusyon

"Kailangan kong makatakas!!.. Hahanap ako ng daan,palabas!"sabi ko habang pilit na inihahakbang ang mga paa ko.

Natigilan ako nang may makita akong pinto sa hindi kalayuan sa silid ko,kulay puti ito at mukhang may nakikita akong ilaw galing sa loob.

Dahil sa matindi kong kuryosidad,mariin akong naglakad patungo roon.

Di naman sa pagiging chismosa ko,ano..Pero gusto ko munang malaman kong anong nasa loob niyon.Baka may madiskubre pa akong kayamanan dito,ang swerte ko naman pag nagkataon.

Nang makalapit na ako sa pinto,inilapat ko ang tenga ko sa roon.Wala naman akong naririnig galing sa loob.Mukhang wala nga sigurong tao sa loob.

Baka may makakita pa sakin,kaya kailangan bilisan ko ang kilos ko.

Agad kong binuksan ang pinto,sa kabutihang palad.Hindi nakalock yung pinto kaya agad akong nakapasok sa loob.

Tiningnan ko ang paligid,may ilaw nga gilid,at may mga cubicle akong nakikita.Napaka-creepy ng paligid.Medyo kinakalawang na yung sahig at tsaka medyo giba narin yung mga kisame.

"Mukha atang lumang palikuran to.Wala ata akong mapapala rito,mas mabuti pang umalis na ako,baka maabutan pa ako ng mga nagsasalitang bagay."sabay talikod ko upang buksan ang pinto.

Muli akong natigilan ng may marinig akong pag-flash ng inidoro.Unti unti akong lumingon upang hanapin kung saan iyun nanggaling.

Ramdam ko  na nagsitayo ang mga balahibo sa katawan ko.
Alam kong may hindi magandang nangyayari rito.

Kinakabahan na ako baka may multo dito,pag nagkataon hihiwalay talaga ang kaluluwa ko sa takot.

Pinulot ko ang isang matigas na bagay sa gilid ko at mahigpit kong hinawakan.

He's my Historic Guy Where stories live. Discover now