Kabanata XIII-Alis

527 23 0
                                    

Panandaliang tumigil ang mundo ko nang masilayan ko ang kanyang mukha.
Iba ang pakiramdam ko habang tinititigan ang kanyang mga mata.
Ngayon ko lang naranasan makadama ng ganito kabilis na tibok ng puso.


"Araayy..."bigla akong napahawak sa baywang ko nang maramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig.

Hindi ko inasahan na bigla niya akong bibitawan,agad akong napipikit sa sakit.

Bweset talaga to'.

"Bakit mo naman ako binitawan ..."reklamo ko,habang hinihimas ang bahagi na tumama sa sahig.

"Sinuswerte ka?.Tumayo ka diyan, may pupuntahan tayo.."tumalikod na siya at naglakad.

Anong nakain niya,akala ko ba galit yun sakin,akala ko ba gusto niya akong paalisin.Pero bakit nagyaya yun na sumama ako sa kanya.

Hindi agad ako nakatayo,nagtitimpi pa ako sa kirot ko sa baywang ko.Kakagaling ko pa lang sa pagiging lampa ko ngayon baywang ko naman ang naapektuhan,bakit ba ang dami kong injuries sa mansiong ito.

"Saglit....araaay..."sinubukan ko siyang habulin,hawak hawak ang baywang ko.

Ilang metro lang ang layo namin sa isa't isa,kanina pa kami naglalakad ,hindi ko parin alam ngayon kong san niya ako dadalhin.

Iniisip ko parin ang nangyari kanina,paulit ulit paring pumapasok sa isipan ko ang pagsalo niya sakin.Bakit niya yun ginawa sakin,ang alam ko may galit siya sakin.Pero ang kanyang mukha,ang kanyang mga kumikislap na mata at ang kanyang matipunong mukha,parang may ibig sabihin.

Erase...erase...ayra ...

Ilang minuto ang lumipas ay napatigil ako sa paglalakad ko.

Hindi maari,ayuko pa.

Nagkatotoo nga ang hula ko,alam kong dito niya ako ihahatid.Pero hindi pa ito ang tamang panahon.

Tutulungan ko pa sina Anyeras at Juancho.Hindi maaring aalis ako,na hindi pa ako nakakapagpaalam sakanila.

Alam kong ako lang tanging paraan upang matahimik ang kanilang kaluluwa.


"Siguro,hindi ko na kailangan magsalita pa."saad niya.

Yumuko ako at pilit pinipigilan ang mga luha sa mga mata ko.

Nagmamakaawa ako Heneral ayuko pang umalis.

Please kung maari...

Pero walang mga salita ang lumabas sa bibig ko,inihakbang ko ang mga paa ko at mahinang naglakad.Lumagpas ako sa kanyang kinatatayuan,at pilit inihahakbang ang paa ko.

Gusto ko nang makita ang mga magulang ko pero bakit parang may pumipigil sakin na wag umalis.Bakit may parang humihila sakin.Ewan ko,pero ang sakit sakit sa pakiramdam na umalis na lang ako bigla bigla na hindi nagpapalam sa kanila.

Huminto ako nang hindi ko napigilan ang patuloy na pagbuhos ng luha ko.

"Matigas rin pala ang ulo ng mga kabataan ngayon,kaya lumalaki kayong walang respeto sa mga magulang niyo,dahil sa mga ugali niyo!!"panunumbat niya sakin.

Hindi ko alam pero,tagos na tagos iyun sa puso ko.Napapikit ako at dinamdam ang kanyang masakit salita

"Ano pang hinihintay mo,alis!!!"sigaw niya sakin.

Pinilit ko ang sarili ko na humarap sa kanya kahit patuloy ang pagbuhos ng mga luha ko,gusto kong magmakaawa na kung maaari ay wag niya muna akong paalisin.Gusto ko pang makita sina Adonis,Juancho at Anyeras.

He's my Historic Guy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon