Kabanata X:Pakikipaglaban

653 33 2
                                    

Ilang araw narin ang nakalipas ngunit ni anino ni Ayra hindi nila natagpuan. Nanghingi narin sila ng tulong sa mga karatig bayan, at pati narin sa mga pulisya.Hanggang ngayon ay umaasa parin ang ama ni Ayra na matatagpuan nito ang anak na buhay pa.

Araw araw hindi matahimik ang konsyensya niya, minsan napapaisip narin siya,san nga ba siya nagkulang?
Hanggang dumating ang punto na gusto na niyang sumuko, pero dahil mahal niya ang kanyang anak,pipilitin niyang isakripisyo ang sarili.

Ang tanging kaagapay lamang ni Mamerto  ngayon ay ang kanyang magulang.

"Halika Mamerto, ipinagluto kita ng paborito mong ulam"nakangiting pag-aanyaya ng ina nito.

Kalungkutan at depresion ang araw araw na dinaramdam ni Mamerto,wala siyang ganang kumain, iniisip niya parati ang kanyang nawawalang anak na si Ayra.Higit pa sa kanyang buhay ang pagmamahal nito sa kanyang tanging anak.

Umupo siya sa mesa at nakatulalang tinititigan ang hapag kainan.Malaki rin ang ipinagbago nito sa katawan, pamamayat at pagkulobot ng balat  dahilan nang minsan ay nalilipasan siya ng gutom.

"Mamerto, isipin mo naman ang kapakanan ng sarili mo..."mahinahong tugon ng ama.

"Aanhin ko naman ang sarili ko pa, kung wala sa tabi ko ang anak ko."walang emosyong tugon nito.

Tumayo siya at muling umakyat sa itaas. Walang magagawa ang mga magulang ni Mamerto kundi pabayaan ito.

{••••••••••••••••}

Ayra POV.

"Why me!!"malakas na sambit ko.

"Ayra, ikaw lamang ang maaring gumamit ng sandatang iyan."

Ever since in my life, hindi ko nasubukang gumamit ng sandata lalong lalo na sa isang Espada. Ni hindi ko nga alam kung paano humawak niyan e'.

Sa lahat ng disesyon ni Anyeras ito pa ang naisip niya. Ilang ulit ko nang sinabi kay Anyeras na hindi ko kayang gumamit niyan.

"Sige na Ayra, alang alang naman ito sa kaligtasan natin."pagmamakawang tugon ni Adonis, napatingin ako sa kanya.Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.Isa pa to e',kung di ka lang sana cute kanina pa kita iniwan.

"But, hindi ko talaga kaya!!"pag-inarte ko,dapat lang ako ang bida rito e'.

"Maniwala ka sa sarili mo Ayra, kaya mo"pagpapatag loob niya sakin.

Ewan ko ba, naawa rin ako sa kanila. Wala na akong ibang choice, alang alang rin to' sa kaligtasan namin.

Ayra, you can do it.!!

Nilapitan ko ang Espada, kumikinang pa ito at umaapaw rin ang ganda ng kulay nitong ginto. Nanginginig ang kamay ko ng hinawakan ko ang Espada, may parang isang enerhiyang pumasok sa katawan ko ng mahawakan ko ito,syempre charot lang.

Medyo mabigat ito, pero kabutihang palad kaya ko pa naman itong buhatin.Humarap ako sa kanila, at ipinakita ko ang hawak hawak kong Espada.

"Ouh, diba kayang kayang mo alAyra. Ngayun, tara na... Kailangan na nating matulungan sina Juancho.."agad na siyang tumalikod at naglakad.

Ayan,sana'y na akong iniiwan.Bahala kayo..

"Huy, saglit..."nagpagewang-gewang akong sumunod sa kanila.Mabigat kaya to', hindi bet ng beauty ko.

He's my Historic Guy Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ