Prologue

188 26 3
                                    

***


"Hey! Stop kev! Wait for me!" Sigaw ko kay kev habang hinahabol siya dito sa itaas ng Bundok Mayumi o kilala bilang pinakamataas na bundok sa pilipinas.

Kung sino kasi ang mauna sa pinakataas ay makukuha ang dalawang napakalaking teddy bear na baymax at stitch na galing mismo sa butler niya. Feeling ko naman sa kaniya din ang pera na ginastos doon.

"You're too slow Ada!" He shouted.

"I'm not! You're just too fast!" I shouted him back.

Hindi ko na sya narinig pa dahil binibilisan ko na rin ang pagtakbo ko. Kev is my bestfriend. He was just a 10 years old now and I was a 9 years old. One year lang ang gap naming dalawa.

Kahit na alam kong bata pa kami ay nakakaramdam na 'ko ng kakaiba para sa kaniya. I don't know if this is a puppy love they called, I have a crush on him. Hindi ko alam kung normal sa mga bata ang maka-feel nito? Pero itinago ko lang ang nararamdaman ko para sa kaniya dahil bata pa kami para dyan.

Binilisan ko pa ang pag akyat sa kabila ng pangangalay ng tuhod at mga paa. Hindi ko na kasi nakikita si Kevron. Baka nasa taas na?! No! Akin lang ang stitch ko!

Nang makarating ako sa tuktok ng bundok ay wala akong naabutang kahit ano maski si kev.

"Kev?" Ako habang hinahanap ko sya, inikot ko ang paningin para lang matagpuan siya.

Tahimik at tanging hampas lang ng malakas na hangin ang nararamdaman ko. Naka akyat naba sya? Oh baka naman ako ang nauna maka-akyat?

"Ada!" Rinig ko mula sa baba. Mabilis akong tumingin kung saan nanggaling ang sigaw na yon. And there! I saw him still climbing towards my direction! That means I won!

"Hahaha! Sabi ko na nga ba at ako nanaman ang mananalo at makakakuha dyan kay stitch at baymax!" Pang-aasar ko sa kaniya habang umaakyat patungo sa akin.

Kita ko ang asar sa mukha niya.

"Tss."

Napatalon na naman ako sa tuwa.

"Akin na naman si stitch! Si baymax! Ako na naman ang nanalo! Akin—Kev!!" Halos hindi ko na naisambit ang mga huling sinasabi ko ng biglang may natapakan akong bato dahilan para matumba ako at magpa-gulong gulong sa kung saan.

"Ada!" Rinig kong sigaw ni kev. Gumulong ako pababa dahilan para mahilo ako.

Hindi ko alam kung hanggang saan ang hangganan nito dahil kanina pa ako pagulong gulong.

Awts! gusto kong isigaw yon dahil bawat magugulungan ko ay may mga bato at kahoy na tumatama sa mukha ko. Ngunit wala akong magawa.

Habang gumugulong ako pababa ay may nasanggi akong nakatayong kahoy dahilan para makahawak at humingi ng suporta ang isa kong kamay.

"K-kev.!" Sigaw ko ngunit mahina lang ang tanging lumabas mula sa labi ko. Kita ko ang kamay kong puro sugat!

Sinikap kong hanapin siya ng mga mata ko pero kahit anino nito'y hindi man lang mahanap ng paningin ko. Natatakot ako..

"Ada! Wait! Hintayin mo ko! Wag kang bibitaw dyan!" Rinig kong sigaw ni kev ng sa wakas ay makita ko sya hindi kalayuan. Napatingin ako sa kahoy na kinakapitan ko dahil tumutunog na ito. Mukhang mababali na!

"H-Help.. k-kev.." Mahina kong utas habang nakatingin sa kahoy na malapit ng maputol. Shit!

Pakibilisan kev.. please. Ayoko pang iwan si mommy. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko at unti unting pagpatak ng ulan. Napatingin ako sa kahoy na isang tunog nalang alam kong mapuputol na.

"Ada?! Hold on please!" palakas ng palakas ang bawat sigaw niya dahil na rin sa papalapit na siya ng papalapit sa akin.

Hanggang sa napatingin ako sa kahoy ng maputol ito.

"K-Kev..!!" pinilit kong lakasan ang sigaw na iyon.

Muli nanaman akong gumulong at mas masakit pa ngayon ang inabot ko dahil sa mga putik na bumabalot sa mukha at buong katawan ko. Nalalasahan ko na nga ang iba.

Kasabay ng paghinto ko ay ang pagtama ng kung ano sa ulo ko.

Nakaramdam ako agad ng hilo at pilit pumipikit ng mata ko kahit ayaw ko pa.

"Ada!" Isang sigaw na narinig ko bago ako mawalan ng ulirat, at alam ko na hindi boses ni Kev yon.


***

Author's note: Hello po! This story is just light teen fiction po, don't expect too much. 💋

The Heart Remembers (On-Going)Where stories live. Discover now