Chapter 27

4.6K 153 2
                                    

Zyke's POV
Lumabas ako ng Head Quarters para sundan sila Venice na hindi ko naman alam kung saan sila pumunta.

Nandito ako ngayon sa 3rd floor na puro Dorms "Psst!" Napalingon ako nang may sumitsit sakin.

"Come here" tawag niya sakin at pumasok naman ako sa loob ng dorm niya "Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sakanila.

"Wag ka nang magtanong,ano nasabi mo na ba kay Marga?" Ang hirap sabihin sakanya.

"Are you stupid Migo?Syempre hindi ganun kadali yun" gustong gusto ko nang sabihin sakanya kaso hindi ako makahanap ng tiyempo.

"Kurt i need your help" tumingin ako kay Kurt nandito lahat ng Top 10 sa dorm ni Migo except kay Marga na nag-aayos pa ng mga papeles sa Head Quarters.

"What can i do for you...?" Mahabang sambit niya,Kupal talaga
"I want you to know some information about Marga's Family" utos ko sakanya.

"Yes Sir!Masusunod po" sabi niya tsaka nag-bow sakin at sila naman ay nagsisitawa.Lumabas na kami ng Dorm ni Migo at nagiba-iba na kami ng direksyon na pupuntahan.

Kurt's POV
"La lalalalala la, La lalala la!" Nasa daan ako papuntang head quarters.Tumakbo ako palapit sa kanya. Sisimulan ko na. Usisero mode on. "Hi Marga! Ano? Gulat ka no?"

"Oo akala ko kasi kung sino eh ahahaha! Ang lakas nang boses mo!" Syempre ganun talaga pag legendary "Syempre! May lakas kaya ako ng sampung kamay!" Natawa sya sa sinabi ko? Bakit mukha ba akong katawa-tawa? Huhuhu! "Ano ka? Breeze at Tide? Charot ahahaha! By the way, Ano nga palang ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?"

"Uhmm. Meron kasi akong kaibigan na akala nya patay na yung Tatay nya at kapatid nya pero hindi naman pala at hindi nya pa alam ang totoo. May maipapayo ka ba?" She looked up at me and she sigh.

"Alam mo parehas kami. Pero ang pagkakaiba namin ay buhay pa ang daddy at kuya nya. Ako kasi wala na talaga sila." Batid ko ang lungkot sa mga mata nya.

"Bakit? I mean panong wala na?" Umupo sya sa desk at huminga ng malalim. "Patay na sila. Namatay sila dahil sa car accident. Noong 14 years old ako pumunta ang Papa at Kuya ko sa bar. Nag excel kasi ang kuya ko sa school nila eh. Pero sabi nila pagkatapos daw nilang maginom ay umuwi na daw sila. Lasing na daw talaga sila noon. Wala kaming kaalam alam-alam ni Mama nun. Nagluluto non si Mama habang ako naman nagaayos ng bahay. Sabi nila nawalan daw ng preno yung kotse na sinasakyan nila Papa kaya daw sila naaksidente. Nalaman na lang namin na naaksidente na pala sila nung may tumawag na pulis sa amin. Sobrang nakakapanlumo. Napakabait ng Papa ko pero bakit kailangang sila pa yung maaksidente?" Nagsimula nang tumulo ang mga luha nya kaya sinubukan ko na syang patahanin. Seryoso ako ngayon ah!

"Okay lang yan Marga. Malay mo nandyan lang pala sila sa tabi-tabi at nabubuhay pa ng masaya" Tumingin sya sa akin at pinunasan nya ang luha nya. "Kung buhay pa sila, bakit hindi pa sila nagpapakita sa amin ni Mama?"

"Malay mo may ginagawa lang sila. Tahan na. Papangit ka nyan sige ka." Tumawa sya sa sinabi ko. Hayst. Buti naman. "Salamat sa oras mo Monggi. May kailangan ka pa ba?"

"Uhmm wala na. Sige salamat ha." Lumabas na ako sa Head Quarters para makausap si Zyke.

Ilang minuto ko narin hinahanap si Zyke pero syempre pogi ako nahanap ko din siya.Nandito siya ngayon sa Garden at nakaupo sa isang bench na mukhang malalim ang iniisip.

"Ehem Ehem!" Pagkunwaring ubo ko kaya napalingon si Zyke sakin "Confirmed" dugtong ko na ikinatayo niya.

"Anong nangyari kanina?" Tanong niya sakin "Maayos naman pero nung pinagusapan namin ang papa niya at kuya niya sobrang nasasaktan siya ansakit lang tignan na nasasaktan siya." Sagot ko at tumalikod baka maluha pa ako.

"Salamat" rinig kong sambit niya "Kailan mo pa sasabihin sakanya,siguro na mas maiging sabihin mo na nang maaga dahil pag pinatagal mo pa yang sikreto na yan mas lalo siyang masasaktan at baka malay mo na siya pa mismo ang makatuklas sa sikreto na itinatago natin sakanya."

Iniwan kona siya sa Garden at pumunta sa dorm ko.Pabagsak akong humiga sa kama.

Pag nasabi na ni Zyke kay Marga hindi parin malulutas tong problema namin dahil may isa pa.

Ayaw naming mawala siya dito ang gusto namin dito lang siya pano kung sumama siya?

Pumunta ulit ako ng garden at buti nalang ay may nabalikan pa ako "Zyke" napatingin siya sakin at ganun parin siya na malalim ang iniisip "Why?" Tanong naman nito sakin

Bloody Moon University [COMPLETED]Where stories live. Discover now