Chapter 43

4.1K 135 0
                                    

Marga's POV
Inalalayan nila ako sa paglalakad dahil nga alam nilang nanghihina ako "Kailangan na nating makaalis dito." Salita ni Zyke.

Papayag na sana akong makaalis kami dito agad kaso naisip ko si Kuya hindi ko siya pwedeng iwan dito,sila ng mga kaibigan niya.

"Hindi,Hindi ako aalis dito ng hindi ko kasama si kuya" pagsalita ko at napahinto sila sa sinabi ko "Tinulungan ako ni Kuya na makatakas sa labaratory kaya hindi ko siya iiwan dito." Dugtong ko.

Alam kong hindi sila agad maniniwala sa sinabi ko dahil ang alam nila na kalaban sila kuya pero hindi,dahil katulad lang nila kami na gustong makatakas sa impyernong pinapasukan namin at isa pa tinulungan nila ako at mababait sila.

"Nahihibang ka na ba?Kalaban natin sila hindi natin sila kakampi kaya tara na." Sagot sakin ni Colt at naglakad na sila ulit pero ako nakatayo parin dito kasama si Zyke.

"Oh bakit?Hindi ka sasama sakanila?" Tanong ko sakanya at nagulat nalang ako na niyakap niya ako bigla "Im not that stupid para iwan ka dito na nanghihina at paniniwalaan kita kasi kilala kita." Sagot nito kaya napayakap nadin ako sakanya.Marupok.

Humiwalay ako sa pagkayakap namin at naramdaman kong natumba nanaman ako dahil sa panghihina "Marga?!" Nag-aalalang Tawag sakin ni Zyke ngumiti nalang ako para sabihin na ok lang ako kahit hindi naman talaga.

"Bestfriend ayos kalang?!" Narinig kong sigaw ni Kurt at lumuhod sa harap ko mabatukan nga "Aray!Para saan naman yun?" Sabi nito.

"O-Oo monggi ayos lang ako" sagot ko at ngumiti.Hindi,Hindi ako ayos.Medyo ok na ulit ako kaya tumayo na ako sa pagkakahiga at inalalayan naman nila ako.

Inaalalayan ako ni Zyke at Colt at si Migo at Kurt naman na nasa likod at nakadepensa kila Venice,Francesca at Heiris dahil baka mamaya may sumugod samin.

May mga kawal na lumapit samin at agad naman nila itong nilabanan.Gusto ko tumulong kaso hindi ko magawa dahil sa dugong nawala sakin.

Kung wala sila siguro patay na ako pero dun din naman siguro ang abot ko dahil malayo kami sa pinanggalingan namin.Nasa isang gubat ang eskwelahan na ito at imposibleng magamot nila ako.

Tumuloy kami sa paglalakad at sa hindi kalayuan nakita ko sila Kuya dun sa gate na tinuro niya sakin palabas.

Hindi parin sila pumapayag na isama ko sila kuya sa paglabas pero gagawin ko ang lahat makalabas lang kaming lahat dito ayokong may maiwan sa impyernong ito.

Siguro kailangan kona ding sabihin sakinila na kailangan nilang mahuli si Papa at si Madam para matapos na ang lahat ng toh.Alam ko namang kaya nila may tiwala ako sakanila kung magtutulungan yung mga estudyante ng Wolve's University at Bloody Moon University hindi yung puro laban at patayan.

Unti unti kaming lumapit kila kuya at tumingin naman ito samin pati yung mga iba pa niyang kaibigan.Nagulat nalang ako ng tinutukan nila kami ng baril.

"Ibigay mo sakin ang kapatid ko." Diretsong sabi ni kuya pero tinutukan din sila nila Zyke ng baril "Bibitawan mo siya oh ipuputok namin yung mga baril namin?" Dugtong ni kuya.

Ewan ko hindi ako makagalaw at makapagsalita dahil sa nangyayari hindi pwede toh.

"Sige iputok niyo lahat tayo mamatay dito,may baril din kami" chill lang yung boses ni Zyke pero mararamdaman mo na natatakot at kinakabahan siya.

Napatingin ako sa gilid ko dahil sa pag baba ni Kurt ng baril niya.Anong problema?suko naba siya?ayaw na ba niya ng laban?makikipagbati na kaya siya?

Nakita ko nalang na may tumutulo ng luha sa mata niya bakit siya naiyak? "K-Kurt?Anong problema?" Tanong ko kahit na nanghihina na ako.

Hindi niya ako sinagot at nakatingin parin siya kay--.Teka,Wag niyang sabihin na siya yung tinutukoy niyang kuya?OMG tama nga ba talaga ang hinala ko?Magkamukha sila tapos yung ugali parehas may pagka monggoloid tsaka ramdam ko talaga eh.

"K-Kuya?" Mahinang sabi ni Kurt pero rinig parin namin.Tama nga ako magkapatid nga yung dalawa.Ewan ko kung anong gagawin nila alam kong gustong gustong lapitan ni Kurt yung kuya niya kaso parang hindi siya makagalaw sa mga nangyayari.

"Teka teka...Magkapatid kayo?Ano toh?Tagpuan ng mga nawawalang kapatid?" Pangbabasag ni Steven sa katahimikan.Bigla din kasing tumahimik dahil sa mga nangyayari.

"Kuya Ken bakit andito ka?" Finally nagsalita narin si Kurt.Ramdam ko yung gulat,Lungkot at sakit sa boses niya pero hindi siya pinansin ni Ken at umiwas nalang ito ng tingin.

"Kuya!Sagot!" Nagulat nalang kami ng napasigaw na si Kurt.Lumapit ako sakanya para damayan siya dahil ganito rin ang nangyari sakin.

"Tangina wonderful question!Bakit ako nandito?Kasi pinalayas nga ako ng magaling mong nanay diba?Tsaka wala narin kayong pakielam sakin 'ni hindi niyo nga ako hinahanap,kung kamusta na ba ako kung buhay pa ba ako kaya bakit kapa nagtatanong diyan ha?!" Hindi ko mapigilang magalit sa sinabi ni Ken.Nagkakamali siya!

"Kuya Hindi totoo ya-" hindi natapos ang sasabihin ni Kurt dahil sa pagputol ni Ken "Hindi totoo?Bakit andito ako ngayon kung hindi totoo ha?!" Sagot ni Ken na ikinagalit ko na talaga at hindi ko na napigilan.

Alam kong mahina si Kurt pagdating sa ganito kaya ipaglalaban ko yung kaibigan ko kahit na minsan may saltik.

"Ken hindi ka nila pinabayaan!Hindi mo ba alam na nag-aalala parin sayo yung kapatid mo hanggang ngayon kahit na ang tagal na nung araw na pinalayas ka?!Hindi naman kasalanan ng nanay niyo na palayasin ka dahil at the first place ikaw ang may kasalanan." Mukhang nagulat sila dahil sa pagsalita ko at napatingin naman sila sakin.

"Tumigil ka wala kang alam dit-" naputol yung sasabihin ni Ken dahil kay kuya Miguel "Pre wag mong pagsalitaan yung kapatid ko" singit ni kuya.

Bigla nalang ulit akong napabagsak sa sahig dahil sa panghihina ayoko na mas lalo pang gumugulo yung sitwasyon.

"Tama na please..." Mahina kong sabi.

Bloody Moon University [COMPLETED]Where stories live. Discover now