Chapter 38

4.1K 130 1
                                    

Marga's POV
Nakaramdam ako ng pag galaw sa paligid ko at onti-onti kong iminulat ang aking mata nasa karwahe ako.

Gagalaw sana ako kaso nakatali yung mga kamay ko at nakamasking tape yung bibig ko.

"Kamusta?Maayos ba ang tulog mo?" Tanong nitosakin at tinanggal ang masking tape sa bibig ko.Gusto ko ng maiyak ngayon hindi ko to ineexpect yung tinuring kong kaibigan,yung pinagkatiwalaan kong tao ay isang traydor.

"P-pano mo to nagawa?Akala ko kaibigan kita akala ko mapagkakatiwalaan kita" hindi ko na kaya ng nararamdaman ko tumulo na ang mga luha ko.Ang sakit sa pakiramdam.

"Akala mo lang yun Marga,Masyado kang nagtuon ng pansin sa ibang bagay hindi mo lang naman inisip na baka mapahamak ka parin kahit na sa loob ka ng Unibersidad na yun nagtitiwala ka kaagad ang bilis makuha ng loob mo kaya eto ka ngayon" sabi sakin ni Drake at nginitian lang ako.Oo tama siya pero hindi ko parin matanggap na ginawa niya toh bakit?anong dahilan?

"Bakit mo to ginagawa?" Tanong ko habang naiyak at linapitan niya ako "Ipapaliwanag ko sayo mamaya munti kong kaibigan" sinampal niya ako ng malakas at bigla nalang akong nahilo.

***************
Nagising na ako at nasa isang kulungan na ako ngayon.Ibang lugar na to at madaming nakabantay na kawal.

"Handa kana ba sa sasabihin ko?Baka mas lalo kang masaktan." Napatingin ako sa bandang kaliwa at nandun si Drake.Hindi ko siya sinagot tinignan ko lang siya.

Mukhang nagdudugo yung labi ko dahil nalalasahan ko ito wala narin yung tali ko sa kamay kaya pinunasan ko ito.

"Una sa lahat kung nagtataka ka kung nasaan ka ngayon nasa Wolve's University ka" nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano?!Nasa Wolve's University ako ngayo?!Edi K-kalaban ka n-namin?" Sagot ka sakanya at tumawa siya like evil's laugh.

"Tumpak!At pangalawa hindi mo ba alam na mat itinatago sayo yung mga KAIBIGAN mo?" Ang diin ng pagkakasabi niya sa mga kaibigan and curiosity is killing me!

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.Ganun na ba talaga ako katanga?walang kaalam-alam?

"Hindi nila sinabi sayo na Buhay pa ang Papa at Kuya mo at alam mo bang yung papa mo ang namumuno sa Unibersidad na to?at yung munti mong kuya ay ang pinakamataas na estudyante dito?Hmmm how poor are you wala ka talagang alam."

Unti-unting gumuguho yung mundo ko dahil sa mga sinasabi niya isang salita pa niya gusto ko ng mamatay.Pano nilang nagawang maglihim sakin?P-pero totoo bang buhay yung Papa at Kuya ko?

"Pangatlo kaya ka pinadukot sakin ng papa mo dahil gagamitin ka namin para mabuo ang potion na kinukuha ng pinuno ng Bloody Moon University or let's say Madam..." Ibig sabihin hindi pa pala kumpleto yung potion?Pero bakit ako?ako lang ba yung tao dito sa Mundo?

"Kamusta Anak?" Napatingin ako sa bandang kaliwa tatlo silang lalaki "P-papa?" Binuksan niya yung lock ng kulungan at pumasok sa loob.

"Namiss mo ba ako?" Tanong nito sakin.Hindi ako makapaniwalang buhay pa siya "Panong nangyari na buhay pa kayo?" Tanong ko sakanya.

"Tinulungan ako ni France ang tatay ng namumuno sa eskwelahang pinapasukan mo." Sabi nito sakin pero bakit hindi siya bumalik samin?

"P-pero bakit hindi ka bumalik?" Tanong ko at umupo siya sa harapan ko para magpantay kami "Bakit pa ba ako babalik?Nung oras na sinilip ko kayo sa labas ng bahay ang saya niyo na ng Mama mo at kung babalik pa ako baka masira yung katuwaan niyo?" Sabi nito sakin pero hindi sapat na rason yun para gawin niya ang lahat ng to.

"Yun lang ba Pa?Yun lang yung rason mo?Nawalan ako ng papa ng ilang taon naulila ako,iniwan ako tapos ganun lang yung rason mo?Tanginang buhay to!" Hindi ko na ulit mapigilang umiyak.

Yun lang pala yung rason.Nung nawala sila ni Kuya iyak aki ng iyak buong araw halos hindi na ako kumain sa kakaisip sakanila.Nung una hindi ako naniwalang patay na sila umasa ako na babalik pa sila pero totoo nga na hindi sila patay pero hindi sila bumalik.

"Tama na ang drama aalis na kami." Sabi ni Papa at sumunod sakanila si Drake.Ganun lang ba sakanya kabilis kalimutan ang lahat?ang sakit sobra.

"

Bloody Moon University [COMPLETED]Where stories live. Discover now