Epilogue

6.5K 223 20
                                    

Marga's POV

3 years after....

Dalawang taon narin ang nakakalipas at sa totoo lang minsan nalang kami magkita nika Venice dahil busy kami sa pagiging collage student pero kami ni Zyke palagi kaming nagkikita dahil parehas lang kami ng school na pinapasukan pero magkaiba kami ng course, gusto niya daw kasi palagi daw siyang nasa tabi ko para daw maprotektahan niya ako.Ang sweet niya talaga.

"Bye Marga!Uwi na ako" paalam sakin ng kaklase ko.Iniligpit ko na yung mga gamit ko at pumunta na sa parking lot at sakto nandun na si Zyke.

Madalas ko nalang magamit yung kotse ko dahil palagi akong hinahatid sundo ni Zyke pero atleast tipid nadin sa gas hahaha.

"How's Class?" Tanong nito at pinagbuksan ako ng pinto sa kotse niya.

"Nakaka stress" sagot ko naman at nilagay ko ang seatbealt ko "Buti nalang walang pasok ng tatlong araw" I sighed.

"Don't Worry mag rerelax tayo for two days kasama yung mga kaibigan natin" nanlaki yung mga mata ko nung sinabi niya yung 'Mga kaibigan namin'.

"Seriously?Hindi ba sila Busy?" Nae-excite kong tanong sakanya at ngumiti naman ito which is the smile that makes me fall inlove more to him.

"No hindi sila busy dahil sila pa mismo yung nag-aya na mag Reunion tayo" nang marinig ko yun hindi ko maiwasang maexcite dahil magsasama nanaman kami ng buo
"Tommorow na din yun kaya kailangan magpahinga ka ng maaga okay?" Dugtong nito at tumango lang ako.

Hinatid na niya ako sa bahay namin at pagbaba ko ng kotse nasa labas ng gate si kuya na mukhang hinihintay ako.Lagi siyang ganyan pag nauwi ako at hinahatid ako ni Zyke ewan ko ba dun overprotective talaga eh ang tanda tanda ko na.

"See you tommorow" sambit ni Zyke at hinalikan niya ako sa noo.

"See you" sagot ko at bumaba na ng kotse niya.Si Kuya ang sama nanaman ng tingin sakin pero hindi ko na siya pinansin.

Bago ako matulog chineck ko yung phone ko dahil may nagtext sakin.

From:Bubs<3
Goodnight sleepwell kita nalang ulit tayo sa panaginip ko muah!

Hindi ko maiwasang mapangiti kahit isang simpleng text lang yun importante parin sakin yun.Tatlong taon nadin kami ni Zyke at kahit na matagal na naging kami hindi parin nawawala yung spark namin sa isa't-isa ewan ko ba natamaan na talaga kami sa isat isa.

Dahil na e-excite na ako para bukas natulog agad ako para hindi ako antukin sa byahe.Ewan ko pa nga kung saan kami mag a-outing eh wala akong kaalam-alam.

"Marga!" Isang unan ang tumama sakin kaya minulat ko ang mga mata ko at unang tumambad sakin si Kuya "Nandyan si Zyke sa baba,wala namang pasok ah bakit ka niya sinusundo?"

Hindi pa nga pala alam ni Kuya na maga-outing kaming magkakaibigan gusto niya kasi alam niya kung saan ako pupunta.

"May reunion kaming magkakaibigan kuya for two days" sagot ko pero buti naman hindi na siya nagtanong pa.

Binilisan ko mg maligo at mag-ayos at nagimpake narin ako ng mga kailangan ko.Bumaba na agad ako at nagpaalam na ako kay Mama at Kuya at 2 araw akong wala dito sa bahay.

Bloody Moon University [COMPLETED]Where stories live. Discover now