Chapter 35

4.5K 137 3
                                    

Marga's POV
Kakagising ko lang at medyo masakit yung katawan ko dahil din siguro sa training.

Habang nakahiga pa ako dito sa kama at pinagmamasdan ang kisame na alala ko nanaman yung sinabi sakin ni Colt kahapon.

"What if isa sa mga kaibigan mo ang makakalaban mo sa huli?"

Hindi naman siguro mangyayari yun.Tsaka pano niya nasabi yun?may alam ba siya na hindi ko alam?

Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo napatingin ako sa pintuan at may nakita akong letter sa sahig.

Dali-dali akong pumunta sa pintuan at kinuha ang letter.

"Hi,I want to invite you in the upcoming 'Night Ball' on Monday 7:00 pm at the Gymnasium.You only have one day to choose a partner.I hope you can go and this will be the best memories here in hell have some fun! Thank you." Basa ko sa letter.

Omg may Ball i only have one day to prepare Saturday kasi ngayon.Lumabas ako ng dorm at pinuntahan si Venice magkatapat lang kasi yung dorm namin.

Knock!!Knock!!Knock!!

Kumatok ako at binuksan naman ito.Bagong gising lang si Venice may muta pa eh hahahaha.

"Alam mo na ba?!" Panimula ko at mukhang hindi niya nakita yung letter na inaapakan niya.

"Ayun oh!" Tinuro ko yung letter at kinuha niya naman ito para basahin "OMG!The Night Ball?!This is the most special ocasion dito sa University.Maligo ka na at mamaya maghahanap tayo ng gown" sabi nito at bigla akong na excite.

Bumalik ako sa dorm ko para maligo mamaya kasi maghahanap kami ng gown sa The Clothe's Shop sa fourth floor.

Natagawa ko na lahat ng gagawin ko at may kumatok naman sa pinto.I opened the door and it was Venice.

"Tara na?" Sabi nito ng nakangisi.Hindi naman po siyang halatang excited.

Hinila niya ko para daw wala pang masyadong tao sa The Clothe's Shop kase mamaya madami ng estudyante na pupunta dun.

Nandito na kami and totally lahat ng color ng gown dito is puro pastel colors.I love pastel pero may hinahanap talaga ako eh.Pumunta ako sa pinaka dulo ng shop and i just saw a Matte Red Ball Gown and sakto nag-iisa lang siya kaya kinuha ko na.

Napili naman ni Venice is Blue Pastel A-Line Gown which is bagay sakanya.Ewan ko nga kung bagay tong napili ko sakin eh.Mamili pa kaya ako ng iba?

"Tara na okay na yan" hinila na ako ni Venice palabas okay na daw pero hindi pa nga niya nakikita.Walang bayad tong gown na to pero dapat isasauli mo after one day.

Since hinila na ako ni Venice hindi na ako nakapili pa ng iba.Feel ko kasi ako lang yung naiiba eh nakakahiya kaya yun.

One day After..
Pinagmamasdan ko yung gown na napili ko hindi ko alam kung ano yung magiging itsura ko pag-sinuot ko yun.

Oo maputi ako at favorite ko din ang red pero feel ko talaga magmu-mukha akong ewan sa gown na yun.Never pa akong nakapag-suot ng isang Ball Gown na ganyan.

Knock!Knock!Knock! May kumatok sa pinto ko at binuksan ko naman ito "May partner kana ba para bukas?" Yan yung tanong niya na ikinagulat ko.

Shit sa kakaisip ko dun sa gown nakalimutan ko na maghahanap pala ako ng partner ngayon bukas na kasi yung Night Ball.

"Oh ano natameme kana diyan" sabi sakin ni Venice,bawal bang mag-isip? "Ah wala pa eh" sagot ko naman.

"May napili kana ba?" Tanong ko sakanya at mukhang meron naman na "Ah oo inaya ako ni Colt" wow ang haba ng hairlalu ni ate.

"Buti kapa ikaw yung inaaya eh ako wala man lang nag-aaya" pag-dadrama ko naman na ikinatawa niya.

"Teh mas maganda kasakin Wait mo lang baka mamaya madami ng kumatok sa pinto mo pero kung wala no choice ka maghahanap ka talaga" sabi naman nito sakin.Ako maganda?Sakto lang hahahaha.

"Sige una na ako ah" dugtong niya at nagba-bye naman ako.

I'll Challenge myself pag wala pang nag-aya sakin in 10 minutes ako na talaga mismo yung maghahanap ng partner ko.

Isang minuto na ang lumipas at may kumatok na sa pinto ko.Hindi ko siya kilala pero feeling ko sa section 3 or 4 siya.

"Hi!Can You be my partner tommorow?" Tanong nito ng nakangisi.Masyado siyang jolly.

"S-Sorry Nextime nalang" sabi ko.Hala self lagot ka nalungkot yung tao.Nagsorry ulit ako nung naglakad na siya paalis.

Sasarado ko na sana yung pinto pero may humarang "Ughm H-Hi..P-pwede bang ikaw yung makapartner ko B-bukas?" Tanong nito.

May itsura naman siya pero mahiyain.Hayss ang arte mo self ano ba kasi yung kailangan mo sa isang partner?

"N-Next time nalang" sagot ko at napakamot naman siya sa ulo "Ay Okay hehe" sagot naman nito.

Bago ko isara yung pinto tumingin muna ako sa paligid baka may kumatok nanaman at wala na namang tao kaya sinara ko na ulit yung pinto.

After 5 minutes may kumatok nanaman "Hi can i be your partner" tanong nito.Wala siyang emosyon masyadong bored kung siya yung makakapartner ko.

"Sorry nextime nalang" sagot ko at umalis na siya.Hayss Three down.

Ilang beses ng may kumatok at wala parin akong napipili sakanila ni isa.Gusto ko yung magiging komportable ako.

May kumatok nanaman haysss sana eto na "Hi Marga!Can i be your partner?" Nagbow ito sakin.Grabe ha nakakarindi yung sigaw niya.

"Hoy Kurt dinaig mo pa yung babae sa sigaw mo" sabi ko "Ay sorry.." Napakamot siya sa uli niya at mukhang nahiya siya.

"Next time nalang may partner na ako eh" pagpapalusot ko sakanya mema ka nanaman Marga.

"Sino?!" Excited niyang tanong

"Its none of your business" sagot ko.Sino nga ba ang makakapartner ko?Hay nako..Bahala na si batman.

Itutuloy...

Bloody Moon University [COMPLETED]Where stories live. Discover now