Chapter 47

4.3K 139 5
                                    

Zyke's POV

Tapos na yung test ng doctor at pwede na siyang umuwi after 2 days.Nasa labas ako ngayon ng kwarto ni Marga dahil nandun pa si Tita Dane at Miguel nakakahiya naman kung nandun ako.

Lumabas si Miguel at si Tita sa kwarto at agad naman akong tumayo sa inuupuan ko "Salamat" sabi ni Miguel sakin at tanging ngiti lamang ang ginawa ko.

"Pumasok kana" sabi sakin ni Tita Dane at sinunod ko naman ito.Ewan ko nakaramdam ako ng nerbyos ngayon.

Pagpasok ko agad namang may tumama sa mukha ko "Hoy ang sama mo bakit mo akong tinawag na panget!?Ha?!" Yan agad ang sumalubong sakin diba ang lupet.

"Hindi ba totoo?" Tanong ko at lumapit sakanya "Ikaw may kasalanan ka pa sakin" dugtong ko.

"Ano yun?" Tanong naman nito tumalikod ako sakanya at pumunta sa binta.Damn naiiyak na naman ako.

"Sabi ko naman sayo wag kang pumikit nun diba?Ang tagal mo kaming pinaghintay" sagot ko at narining ko ang mahinang pagtawa niya.

Agad kong pinunasan yung mga luha ko at hinarap siya "What's Funny?" Tanong ko.

"Wala I just remember that you cry in that day,Omg marunong palang umiyak ang isang Zyke Raige" shit naalala niya pa yun?nakakahiya!grr.

Marga's POV

"I only cry when a person is special to me,and you are special to me" sagot nito.Lag lag panga ang ateh mo.

Naramdaman kong naginit ang pisngi ko kaya yumuko ako dahil baka sabihin niya kinikilig ako.Pero kinikilig talaga ako hihihi.

"H-Huh?Anong pinagsasabi mo diyan?" Sige mag patay malisya tayo.

"Nevermind,Akala ko hindi ka pa gigising eh" sagot nito at lumapit sakin "Wag mo ng gagawin yung ginawa mo ha?" Dugtong nito at tumango tango lang ako.

"Ano ng nangyari sa University?Sila Venice asan sila?" Tanong ko.Wala pa kasi akong alam tungkol dun sa nangyari ang naalala ko lang yung araw na nabaril ako.

"Okay na ang lahat,You're Dad is in the Jail now and wala na yung dalawang University giniba na and lahat ng estudyante nakauwi na" hindi ko maiwasang manghinayang kay papa kung hindi niya sana ginawa yun edi buo na ulit kaming pamilya.

"Nag-kaayos na pala kayo ni Kuya,and oo nga pala bakit mo sinabing Boyfriend kita ha?!Nakakainis ka" tumawa lang siya sa sinabi ko,anong nakakatawa dun?

"Parang hindi ka naman umangal nung araw na yun" pabiro nitong sabi at tumawa.

"Sinabayan lang kita sa kalokohan mo noh!" Sigaw ko sakanya at tuloy parin siya sa pag tawa "Sila Venice kamusta?" Dugtong ko.

"Papunta na sila di-" naputol yung sasabihin ni Zyke ng biglang bumukas ang pinto.

"OMG!!Marga!!" Speaking of the devil nandito na nga sila.Agad akong niyakap nila Venice,Heiris at Francesca.

Nakita ko naman sila Kurt,Migo at Colt na papalapit sakin.May inabot sakin si Kurt na flowers at dapat bebeso siya sakin pero may pumigil.

"Subukan mo" mahinahong sabi ni Zyke pero nanlilisik ang mga mata "Opps Mahigpit pala tong Boyfriend mo" sagot naman ni Kurt na ikinatawa nila.

"Boyfriend hindi ko pa siya Boyfriend" sagot ko sakanila at tumahimik naman sila " 'HINDI PA'? so magiging palang?" Tanong ni Francesca at hindi naman ako nakapagsalita.

"Tumigil na kayo,Kamusta ka na Marga?" Pagputol ni Migo hays thank you Migo you saved me.

"Oo okay nako teka pano niyo nga pala ako nadala dito sa hospital?" Tanong ko sakanila im curious kung pano kami nakalabas.

"Becauase of Zyke,Pinaamin ni Zyke si Madam at binaril niya toh pagkatapos and paglabas namin sa gate may sasakyan na dun and sayo yun" nagulat ako sa sinabi ni Venice but at the same time natutuwa dahil buhay pa pala ang sasakyan ko.

"Where's my car?" Nae-excite kong sabi at agad naman silang tumawa "Nasa bahay niyo na" sagot naman ni Zyke.

"Nasira yung kotse ko nung papasok na ako sa university pano yun gumana inayos niyo ba?" nagtataka kong tanong "No,hindi siya sira nung pinaandar ko siya" sagot ni Zyke.

Then sino nag-ayos nun?

Wala kaming ginawa ngayon kung hindi ang magkwentuhan sa mga nangyari at talagang maayos na ang lahat.

Si Kuya Miguel at si Zyke maayos na si Kurt at ang kuya niyang si Ken ay magkaayos narin.

"Ayy oo nga pala me and Migo are in a relationship" nagulat ako sa sinabi ni Francesca.Oo maganda si Francesca may pagka loka loka nga lang.

"Wow realquick ha?" Natatawa kong sabi "Parang nung kailan lang nasa laban pa tayo ah" sabi ko na ikinatawa nila.

"Girl 4 weeks ka na kayang walang malay diyan kaya eto..." seriously?4 weeks bakit hindi naman sakin sinabi sakin nila mama?

"Huy!Okay ka lang?" Tanong ni Kurt at hindi ko maiwasang mapangiti namiss ko kasi tong monggi na toh eh "Oh baka matunaw ako sa pagtitig mo" dugtong nito.

"Tarantado!" Rinig kong sabi ni Zyke at binatukan siya.

"Wala namiss lang kita Monggi,namiss ko kayong lahat" sabi ko sakanila at niyakap nila ulit ako except kay Zyke.

"Sige sa labas muna kami mukhang kailangan niyo pang mag-usap eh" pagsasalita ni Colt at ang lapad ng ngiti.Problema nun?

Naiwan ulit kaming dalawa dito ni Zyke at hindi ako umiimik dahil gusto ko siya yung maunang magsalita.

"Sila sinabihan mo ng 'Miss ko na kayo' pero ako wala?" Sabi ni Zyke at natawa naman ako mukha kasi siyang bata na inagawan ng Ice Cream.

"Tss..Bakit?Sino kaba para sabihan ko ng 'I miss you'?" Pagbibiro ko at hindi siya nagsasalita.

Anong problema nito ni Mr.Sungit bakit hindi nasagot?Baka nagalit?Omg wag naman sana.

"Sino ako?Manliligaw mo na ako simula ngayong araw and Im willing to wait for your answer kahit na abutin pa ng isang taon yang pagsagot mo sakin maghihintay parin ako because I LOVE YOU"

Nakakalag lag panga girl!OMG!!Zyke Raige?Nanliligaw sakin?I CANT BELIEVE!

Hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya nakakainis tong lalaking toh tinamaan na talaga ako.

I love you tooo..

Bloody Moon University [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat