Chapter 44

4.1K 135 0
                                    

Marga's POV
"Tama na please..." Sabi ko at parang may dumaan na anghel dahil biglang tumahimik ulit.Inalalayan ako ni Zyke na umupo sa pagkakahiga ko at nakahawak siya sa likod ko incase na matumba ulit ako.

"Tama na kailangan na natin siyang madala sa hospital hindi na kinakaya ng katawan niya dahil sa nakuha sakanyang dugo kailangan na siyang masalinan ilang beses na siyang natumba at pag naulit pa mawawalan na siya ng malay." Sabi ni Zyke habang nakatingin sakin.Bilib din ako sa talino nito eh.

Lumapit sakin si Kuya at si Steven ewan ko kung anong gagawin nila "Bubuhatin kita" bulong sakin ni Steven "W-wag na" sagot ko.

"Sige na wag ka nang makulit" bubuhatin na niya sana ako kaso may pumigil sakanya.

"Pag wag,wag ok?Tsaka sino kaba?Close ba kayo?" Panimula ni Zyke.Hay nako kailan ba matatapos ang away mamatay nalang ako dito nag-aaway parin sila.

"Masama bang tumulong?" Tanong ni Steven in a sarcastic tone "Tumutulong na nga yung tao ayaw mo pa" dugtong nito.

"Hindi masamang tumulong pero pagdating sayo oo" wrong move Zyke.Nakita kong napa upo si Zyke sa Sahig dahil sa sapak ni Steven gaganti na sana siya kaso pinigilan na siya ni Migo.

"Ano ba!Hindi ba talaga kayo titigil?!Hindi pa nga natin alam kung paano tayo makakalabas sa gubat na ito at makapunta sa hospital may away na naman?!" Sigaw ko at sinamaan ko sila ng tingin.

"Tell me Marga,Boyfriend mo ba yan?" Tanong sakin ni kuya at saglit naman akong natigilan.

"Oo Boyfriend niya ako" natigilan kaming lahat sa sinabi ni Zyke ano bang pinagsasabi niya?Nahihibang naba siya?Eh hindi niya nga ako nililigawan eh.

"Tutol ako sa relasyon niyo" nagulat ako sa sinabi ni Kuya tutol siya?pero bakit?Kahit hindi talaga kami alam ko na kung anong sasabihin ni kuya kung official talaga.

Hindi yun pinansin ni Zyke bubuhatin na sana ako ni Zyke pero bigla namang nagsalita si Kuya "Subukan mong hawakan yang kapatid ko hindi ako magdadalawang isip na iputok toh" tinutok niya yung baril kay Zyke at sinenyasan ko naman si Zyke na wag na.

Tumayo ako ng mag-isa at bigla nalang din tinutok ni Zyke yung baril niya kay Kuya at hinawakan niya yung kamay ko at itinago niya ako sa likod niya.

"Hindi mo hawak ang buhay ni Marga kaya wala kang karapatang magdesisyon samin" sabi ni Zyke at mukhang nagalit si Kuya sa sinabi niya.

"Zyke tama na mas lalong magagalit si kuya sayo" bulong ko kay Zyke.

"Who cares?Tingin mo ba hindi kita kayang ipaglaban?Kaya kong makipagpatayan makuha ka lang" sagot nito at biglang nag-init ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya.Damn this boy.

"Kuya Wag please,wag mo gawin para sakin please lang kuya" pag mamakaawa ko kay kuya because i see that he is slowly pulling the trigger.

Hindi din nagpaawat si Zyke kaya ganun din ang ginawa niya.Ako yung natatakot eh hindi sila.

Kung sabihin ko narin sakanila yung nalaman ko kay papa para naman bago ako mawala mahuli na si papa at madam sa mga pinagagagawa nila.

"Teka lang!May sasabihin ako sainyo,sainyong lahat" panimula ko at napatingin naman sila sakin "Uhmm ano kase.." Dugtong ko


"Bago ako mamatay gusto ko na magtulungan kayo para mahuli si papa at si Madam niloko nila tayo." Sabi ko at kita mo sa mukha nila ang pagtataka sa mga pinagsasabi ko.

"Hindi naman kasi talaga para sa papa ni Madam yung potion kaya nilalaban nila tayo sa Wolves University.Parehas lang sila ni Papa na gustong sirain ang mundo" Mukhang di parin sila makapaniwala "Kaya nga magtulungan kayo hindi magpatayan kailangan nilang makulong" dugtong ko.

"Ang galing niyang magsinungaling ah naloko niya tayo" singit naman ni Venice.

"Tapos kana ba kating kati na ako dito gusto ko na toh iputok sa BOYFRIEND mo" sabi ni kuya habang nakatingin kay Zyke.

Lalaban na sana sila Migo kaso hindi nila magawa dahil pag gumalaw sila babarilin nila si Zyke.

"Kuya ibaba mo na yan" utos ko pero hindi siya nakikinig sakin.Hinigpitan ni Zyke ang pagkakahawak sakin at nakita kong mukhang ipuputok na ni Kuya yung baril kay Zyke.

Ayokong mawala pa si Zyke gusto ko ako naman ang tumulong sakanya.Kailangan din siya sa paghuli kay papa at Madam kaya ok lang kung ako na lang ang mamatay hindi siya dun din naman ang punta ko kahit hindi ako mabaril eh.

"Wag!" Pumiglas ako sa pagkakahawak ni Zyke at sakto sa pagharang ko kay Zyke ay pumutok din ang baril na hawak ni Kuya.

Naglalabo na ang paningin ko at naramdaman kong bumagsak na ako at tumutulo na din ang mga luha ko.

Hinawakan ko yung right chest ko dahil dun ako tinamaan.Puro dugo na mamatay na talaga ako dahil naubusan na naman ako ng dugo.

"Marga?!" Tinapik ako ni Zyke at hinawakan niya ang magkabilang pingi ko "Wag ka munang pipikit ha?Dadalhin ka pa namin sa hospital" dugtong nito at naramdaman kong may tubig na tumulo sa mukha ko.Naiyak siya.

Hinubad niya yung damit niya at inilagay niya sa dib dib ko para hindi masyadong lumabas ang dugo.

"Tulungan niyo ko!Lumabas na tayo dito!Dalhin na natin siya sa hospital!" Narinig kong sigaw ni Zyke.

"Pero Zyke hindi natin alam palabas sa gubat na toh" nag-aalalang sabi ni Venice.

"Babalik tayong University" sabi ni Zyke at ano naman ang gagawin nila dun?

"Z-Zyke?Wag mong papabayaan si Kuya at si Mama ha ikaw na ang bahala sakanila" sabi ko sakanya at hinawakan ang pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya.

"Hindi!Wag kang pipikit lumaban ka!Please!" Sigaw nito.

Pero hindi kona kaya Zyke pasensya na gusto ko pang lumaban kaso hindi kona talaga kaya.

"Salamat sa Lahat" I said.

Its Time...

Bloody Moon University [COMPLETED]Where stories live. Discover now