Vengeance from the past

252 8 1
                                    


Babala: Ang pangongopya ng gawa ng iba ay isang krimen.
Plagiarism is a crime.

Ang kwentong ito ay nagmula sa kathang isip lamang ng manunulat. Anumang pagkakatulad sa pangalan, lugar at mga pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng may akda.

Title: Hurting Ms. Bully
Author: ForestNymph1420
Genre: Romance

Credit: Book Cover by Sweet16_Violet

TAONG 2016
Manila

Alas sais ng umaga nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Lee Jung galing Korea.

Pagkalipas ng mahigit tatlong taon. Babalik sya rito para hanapin ang isang tao na nanakit sa kanya. 

Isang taong kailanman ay hindi niya nakalimutan at binalak na balikan at siya naman ang paiiyakin. Kagaya nang pananakit nito sa kaniya.

Taong 2009

Siya si Lee Jung isang koreano, labing walong taong gulang.

Dito sa Pilipinas ang napili ng magulang niya para makapag tapos siya ng pag-aaral sa kolehiyo, para mailayo siya sa pag-aartista katulad ng kuya niya na isang sikat na artista sa Korea.

Dahil sa pangarap niyang maging isang programmer ay napapayag siya ng mga ito na lumayo muna sa kinalakhang lugar.

Dahil sa itsura niya at may tangkad na 6 feet, paulit-ulit siyang kinukulit na tuluyang mag-artista tulad ng kuya niya. 

Ang kuya nyang si Lee Joon ay mahilig sa sosyalan, magaling sumayaw at kumanta.

Bagay rito ang pag-aartista, na siya namang kabaliktaran niya.

Kahit pa dati rin siyang modelo ng mga designer shoes, bags, gadgets at clothings na panlalake.
Wala siyang hilig makipag sosyalan.

Dahil sa isang insidente sa buhay niya kaya pinili niya ang iwan ang lahat ng nakasanayan sa loob ng limang taon.

Gitara at laptop lang niya ang gusto nyang kasama. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit napapayag siya ng mga magulang na dito sa Pilipinas mag-aral. 

Sa lugar kung saaan hindi siya kilala at walang mangingialam sa kaniya. \\

8u

\\7

"Ella!" tawag ng nanay ng dalaga habang kinakalampag ang pintuan ng kuarto ni Ella.

"Ella, gumising ka na ngang bata ka, hindi ka pa ba mag-eenroll?" Sigaw ng nanayni Ella sa labas ng kuarto niya.

"Mag-eenroll po ako ma, wait lang po," sagot nang naalimpungatang si Ela.

Laking gulat nito nang tumingin sa maliit na relo sa side table niya.

Alas otso na pala ng umaga at may usapan sila ng kaibigan nyang si Leny na sabay sila magpapa enroll ngayong araw na ito. Last day na ng enrolment at kailangan na nilang tapusin lahat sa araw na iyon.

Siya si Ella, Ysabella Aurea. 16 years old at laking Baguio City. Masayahin at maganda si Ella kahit hindi masyadong katangkaran sa height nitong 5'2. Hindi masyadong pansin ang angking kagandahan dahil sa kilos nito.

Si Ella ang bunso sa tatlong magkakapatid at nag-iisang babae.

Lumaki si Ella na puro mga lalaki ang kalaro. Dalawa lang sila sa mga magpipinsan na babae, ang isa ay nasa Korea at doon nakapag asawa. Kaya naman naiwan siya rito sa akamay ng mga kalalakihan niyang kapatid at mga pinsan.

Kabaliktaran ng bestfriend niyang si Leny na palaayos at palaging naka sunod sa uso. Exact opposite kung tawagin sila ng iba noong nasa high school pa. Kung si Leny ay dalaga na kumilos, itong si Ella naman ay parang bata. Palaging pinag tri-tripan ang mga kaklase niyang lalake kaya walang maglakas loob na manligaw.

May kaya ang pamilya ni Ella, may sarili silang building na pinapaupahan bilang commercial building sa ibaba at condo units naman sa tatlong palapag sa itaas. May sarili silang bahay sa tabi nito, para madali lang ang umuwi para sa mga magulang nila. Ang panganay nila na si Evo ay nasa Japan at isang magaling na game developer, ang kuya naman nyang si Erol ay katatapos lang ng kursong Electrical and communication Engineering at naghahanda nang mag review sa Manila.

Maririnig na malakas na busina ng sasakyan nila Ella. Halatang inip na ang nasa manibela sa sunod-sunod na busina na ginawa nito.

"Ella, hinihitay ka ng kuya mo," ang nanay nila Ella.

Nagmamadali si Ella na lumabas ng kuarto, humalik sa ina at lumabas na nang bahay papunta sa sasakyan nilang nakaparada sa harap ng pinto nila.

"Grabe! Ang bagal ha," Biro ng kuya Erol niya.

"Si Mama kasi kuya, late ako ginising," natatawang sagot ni Ella.

"Ah... si Mama talaga, tsk! Hindi ginising nang maaga ang mahal na prinsesa," si Erol na nanunukso.

Nagtawanan silang magkapatid. Nang magtanong si Erol.

"Ano ba kukunin mong kurso at bakit sobrang aga mo naman ata mag enrol?" tanong ng naka ngiting si Erol sa kapatid.

" Eh kasi kuya si Leny, kakauwi lang nya galing US doon kasi sya ng buong summer. Kahapon lang siya dumating, kaya 'yan tuloy late kami magpapa-enrol," sagot ni Ella sa kuya niya na naintindiha ang pagpaparinig nito.

"Eh goodluck na lang kung may makuha pa kayong matinong class card niyan," sagot ng kuya Erol niya habang nakatingin sa kalsada na nagmamaneho.

Nakaisip naman siya ng ipang-aasar dito.

"Eh kaya mo namang brasuhin 'yong mga 'yon di ba kuya?" natatawang biro ni Ella.

Alam naman niya ang magiging reaksiyon nito sa biro niya pero sa kadahilanang malapit na nga itong umalis papunta ng Maynila kaya palagi na niya itong inaasar. 


Hurting Ms. Bully (Completed) EditingWhere stories live. Discover now