Died

48 5 0
                                    

"Mi-an-hae," sabi ni Ella nang makalapit kay Jung.

"For what? For lying to me? For making me look stupid? For not telling me everything?"sunod-sunod na tanong ni Jung kay Ella na naguluhan lalo.

"Hindi, nagso-sorry ako dahil hindi kita napansin agad na nandito ka sa labas." paliwanag ni Ella.

"Oh, I guess you didn't read my message," walang ganang sagot ni Jung.

Saka pa lang naalala ni Ella na naiwan nya ang cellphone nya sa kama nya. Napahawak na lang sya sa ulo.

"Jung, let's talk. I want to know what happened to us," naiiyak na sabi ni Ella. 

Matagal siyang tinitigan ni Jung bago ito nagsalita.

"Us, there's no us anymore Ella, you lost it," naiiyak na sagot ni Jung.

"W-what are you saying?" naguguluhang tanong ni Ella.

"Umalis ka iniwan ako na mag-isa sa loob ng isang buwan... tapos babalik ka sasabihin mo sa akin na wala nang tayo?" naiiyak na sagot ni Ella.

"Sana man lang kahit kaunting explanation 'di ba? Ganoon lang 'yon,Jung? Tatlong taon mahigit, ganoon lang 'yon? Umuwi ka lang ng Korea pagbalik mo may kasama ka nang ibang babae tapos sasabihin mo sa akin na wala nang tayo?" naiiyak sa tanong ni Ella.

"You lost it Ella, everything was a lie, everything was planned," galit na sagot ni Jung.

"Plano? Kanino? Sinong nagplano?" naguguluhang tanong ni Ella.

"Stop it Ella, you knew it from the start that I was a celebrity, the brother of Lee Joon," si Jung.

"W-What ? What? Anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Ella sa binata.

"Stop it Ella, I don't want to hear anything from you." Umiiyak sa galit na na sabi ni Jung  at umalis na ito palabas ng hotel.

Naiwan si Ella na naguguluhan. 

Bumalik si Ella sa pad niya na umiiyak pa n. Naguguluhan siya. Sinusubukan niyang tawagan si Jung pero hindi ito sumasagot,

Kinaumagahan, nakita nya si Jung pumasok sa deans office. 

Hinintay niya itong lumabas para kausapin.

Paglabas nito nakita niyang kasama nito si Mina, mukha itong haggard, gusto niya sana itong yakapin pero nakita niyang humawak si Mina sa kamay nito.

Hinawakan rin naman ito ni Jung nang nakatingin sa kaniya. 

Hindi napigilan ni Ella ang pagbagsak ng luha niya sa harap nila. 

Nagulat naman si Jung pero hindi ito tuminag sa kinatatayuan niya.

JUNG'S POV
"You deserve it Ella, babalikan kita ako naman mananakit sa'yo," pangako ni Jung sa sarili.

Hindi pumasok si Ella sa lahat ng klase niya nang araw na 'yon, umuwi siya sa bahay nila at nagkulong sa kuarto niya.

Naintindihan naman ni aling Liza ang nagyayari kaya't pinabayaan muna ang anak.

Ikatlong araw mula nung huli niyang nakita si Jung, pumasok na si Ella.

Hindi niya nakita si Jung o kahit na si Mina.

Lumapit sa kaniya ang kaklase nilang si Ariana

"Ella, hindi ka nagsasabi dati palang commercial model at artista si Jung pati iyong Mina na bago niya,"

"Kaya pala parang nakita ko na sa korea novela iyong babaeng 'yon."

"Hindi ka pumasok kahapon, nagpaalam na si Jung sa klase natin, babalik na raw siya sa Korea kasama si Mina," kuwento nito kay Ella na sobrang ikinagulat ng dalaga.

Lumabas si Ella at nagpunta sa CR ng babae at doon umiyak.

"Gano'n lang 'yon Jung? Ni hindi ako naliwanagan sa mga sinabi mo, sana sinabi mo na lang na ayaw mo na at may iba ka na. Hindi mo na sana pinalabas na sinungaling ako," humahagulgol na sabi ni Ella sa sarili.

Ano pa nga ba ang magagawa niya kung hindi ang tangggapin na wala na ito at iniwan na siya.

======

Mabilis na lumipas ang araw hanggang sa naging buwan, may mga araw na bigla na lang siyang umiiyak. Umuuwi nang lasing, tapos iiyak ulit sa gabi.

Gabi-gabi siyang umiiyak sa loob ng halos isang taon. 

Hindi man buo ang pagkatao ni Ella, marami man siyang katanungan. Pinilit pa rin niyang makapag tapos ng pag-aaral.

Hanggang sa napagpasyahan ng mga magulang niya na ipadala siya sa Japan, sa kuya Evo niya tutal Computer Science naman ang tinapos niya.

Pumayag na rin si Ella para makawala siya sa nakaraan.

Pumunta nang Japan si Ella, pinagbuti ang trabaho bilang Computer Analyst sa kumpanya kung saan nagtratrabaho ang kuya Evo niya bilang Computer animator at programmer.

Nakalimutan na niya ang nakaraan, marami nang nabago sa kaniya sa loob ng dalawang taon. 

Iba na ang buhok niya, pananamit at mas lalo syang gumanda. Iba na rin ang ayos niya, mukha na siya ngayong babae hindi na kagaya noong kolehiyo na astang lalake.

Marami ang nagpapakita nang paghanga sa kaniya sa kompanya nila pero hindi na siya tinatamaan ng kilig.

Dalawang taon ang mabilis na lumipas, naka dalawang taon na siya sa Japan.

Tatlong taon na siyang graduate sa kurso niya. Tatlong taon mahigit na mula nang iniwan siya ni Jung nang walang malinaw na dahilan. Malaki ang naging trauma nito sa kaniya. 

Hindi na ulit siya sumubok na ma-inlove kahit kanino.

Isang gabi, tumawag ang ina nila at pinapauwi silang magkapatid, na ospital daw ang kanilang ama at nais silang Makita.

Nagpasiya ang magkapatid na umuwi, hiniling ni Ella sa kompanya nila kung maari syang ilipat sa branch nila sa Pilipinas na agad namang napagbigyan dahil sa kakulangan nila dito nang Analyst.

Mabuti na lang at may bagong company na ipinatayo sa kanila sa Baguio, pero kailangan muna niyang I-supervise ang Manila ng isang buwan.

Kaagad naming pumayag si Ella para makauwi na at mabantayan ang magulang. 

Si Evo naman ay humingi lang ng bakasyon. Hindi siya pinayagan na ilipat dahil na rin sa galling nito pagdating sa pagiging isang animator.

Maghintay daw muna siya ng isang taon hanggang ma-train niya ang mga tao sa kumpanyang pinapasukan nilang magkapatid.

----salamat po sa pag basa. See you sa next chapter.----

Hurting Ms. Bully (Completed) EditingOnde as histórias ganham vida. Descobre agora