Destiny kicks in

45 5 0
                                    

PHILIPPINES
Nakauwi na ang magkapatid, at kaagad na umakyat ng Baguio upang Makita ang ama. Ang kuya ni Ella na si Erol ang siyang humahalili sa ama sa hotel nila. Isang buwan din ang inilagi ni Ella sa tabi ng ama. Siya ang nag-alaga dito hanggang sa kinailangan na nila ng kuya Evo nya na bumalik s trabaho. Sya sa bagong paglilipatan nya na company,ng kuya naman niya ay babalik sa Japan, nandoon din kasi ang pamilya nito. Ngunit nangakong babalik at uuwi na pagkatapos Ng isang taon.

Gabi, tumawag ang kuya ni Ella na si Evo.

"Ella, mag report ka raw muna sa CEO doon bukas, siya magbibigay sa'yo kung saang department ka ilalagay." paalala nang kuya niya.

"Opo, kuya," sagot naman ni Ella. Pagkatapos magkumustahan ay ibinaba na rin ni Ella ang telepono. 

Maaga pa siya bukas sa bagong company na pansamantalang nilipatan niya.

Kinaumagahan
Alas siyete pa lang ng umaga ay pasakay na si Ella sa sasakyan niya. 

Dasal siya ng dasal na sana maging okay lahat. 

Hindi pa rin nya mapigilan ang kabahan kahit na dalawang taon syang naki halu-bilo sa ibang bansa.

Nandoon na siya sa company alas-otso pa lamang ng umaga. 

Tutal alas-nuebe pa naman ang oras ng pasok niya. Ibababa pa kasi nya mga gamit nya sa condo unit na titirhan niya sa loob ng isang buwan o kung kailan siya pwedeng I-release papuntang Baguio. 

Companys quarters ang condo unit na titirhan nya, sa baba lang din ito ng company kung saan siya mag tra-trabaho. 

Mas okay naman sa kaniya dahil bawas na sa gasoline, iwas pa sa traffic.

Ibinaba lang ni Ella ang mga gamit niya, inayos ang sarili at nagpasyang puntahan na ang company nila sa loob mismo ng building na iyon.

Samantala

Isang buwan na mula nang makabalik si Jung dito sa Pilipinas. Dito siya magtratrabaho sa sarili nilang company bilang bagong head. Halos apat na taon na mula nang lisanin niya ang Pilipinas at bumalik ng Korea.

Doon niya ipinagpatuloy ang kulang na unit nya sa kolehiyo para makatapos. Nagsilbi na rin sya sa army nang dalawang taon, pagkatapos na pagkatapos ng graduation niya. 

Mas gusto nga niya 'yon para hindi niya maalala si Ella. 

Si Ella na minahal niya nang higit pa sa buhay niya.

Totoong umalis siya noon ng hindi nagpaalam kay Ella dahil sa galit nya rito, dahil sa panloloko nito sa kanya na pilit ipinaniwala ni Mina.

Halos tapusin nya ang buhay niya, lunurin ang sarili sa alak. Umiyak nang umiyak gabi-gabi. 

Minahal nya si Ella, sa tatlong taon na naging sila wala siyang ginawa kung hindi ang mahalin ito kaya gano'n kasakit para sa kaniya ang mga nalaman niya mula kay Mina.

Si Mina, naghahabol pa rin ito hanggang ngayon kay Jung. Kahit walang balak si Jung na patulan sya. Marami pa rin ang nag-ooffer kay Jung na bumalik ulit sa Showbiz world.

Gumagawa sya ng ilang advertisement paminsan-minsan pero mas gusto talaga niya ang pag-develop ng software. Kaya pinili nyang bumalik sa Pilipinas para mailayo sa magulong mundo ng showbiz.

Nawala ang pagbabalik ng isip ni Jung sa nakaraan nang may kumatok sa pinto ng opisina niya.

"Excuse me sir, nandian na po 'yong bagong Computer Analyst na ipinadala ng father ninyo mula sa Japan," si Trina ang Secretary nya. 

Sa tagalog siya kinakausap ng mga empleyado niya para masanay daw ulit sya sa wika dito. Mas madali ang pakikipag-usap sa lahat ng empleyado.

"Okay, let him in" sagot naman nito.

"Sir, ito po yung mga documents niya, gusto nyo po ba munang I review? " tanong ng secretary ulit.

"It's okay Trina just let him in, iinterviewhin ko na lang sya,' sagot ni Jung haban iaabot ang ibinigay ng secretary niya.

"Sir, it's a Her sir not Him," natatawang sabi ni Trina.

"What? Dad sent a girl para maging analyst? Ok Trina just let her in," napapa iling na utos nito sa secretary niya.

Tumawag naman agad si Jung sa ama.

"Dad, you sent a girl as my analyst... why?" tanong nito sa ama.

"Oh, don't judge her that easy son. She's one of the best analyst in Japan.. she just needed to go home for her sick father," paliwanag ng ama

"don't worry son, she's not just a brain she's also a beauty," natatawang dagdag pa ng ama niya.

Naalala naman niya si Ella. Naisip niya may gaganda pa ba  a babae na  'yon?

"Damn it, Jung, she's not worth it," bulong nito sa sarili. Nang may tumikhim sa likod niya.

"Uhurmmm, excuse me sir. Our new analyst is here to meet you, Sir,"  wika ng kaniyang secretarya.

"Oh! I'm sorry.. please take your..." hindi naituloy ni Jung ang sasabihin sa gulat niya sa babaeng nasa harap niya ngayon.

Nagulat din ang babae... matagal bago ito nakapagsalita. 

But she chose to regain her composure.

"G-good morning sir! I am Miss Ysabella Aurea form your branch in Japan and I will be working here as your computer analyst, " halata ang kaba sa boses ng dalaga.

Hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa CEO niya na walang iba kung hindi si Jung, oo si Jung na dati niyang kasintahan.

Pakiramdam ni Ella, bumalik lahat ng sakit na naramdaman niya three years ago. 

Pero pinilit niya pa rin ang mgpaka hinahon at isipin na hindi niya kilala ang nasa harapan niya ngayon.

Na napagtagumpayan naman niya. 

Nawala ang kaba nya at mas naging at ease sya.


Titig na titig si Jung sa babaeng nasa harap niya na tila hindi makapaniwala.

Ang tagal niyang tinitigan si Ella, gulat na gulat sa pagbabago nang babaeng kaharap niya ngayon at nang babaeng minahal niya noon.

"Uhurmmm.. Sir, I will leave you two for the interview," pasimpleng paalala ng sekretarya niya.

Tumango lang si Jung, iminuwestra naman nito ang upuan na pinapaupo nito si Ella.

"What was your work there Miss Aurea?" tanong ni Jung sa kanya.

"I was tasked as a personal Analyst of the CEO in Japan for two years sir," sagot naman ni Ella ng malumanay.

"Personal Analyst? Meron pala no'n?" tanong ni Jung na parang nakakaloko.

"Yes sir, the CEO itself is also a software developer. Every software that he develops goes to my table for proper analysis and trials, Sir," magalang ulit na sagot nito kahit kinakabahan.

"So you worked as a personal analyst of my father?" wika nito na ikinagulat ni Ella.

"S-Sir?" gulat na tanong nito na napatingin nang diretso sa binata.

"Yes, the CEO in Japan is my father. How come you didn't know Ms. Aurea?" nakakalokong tanong nito.

"I am sorry sir, but I didn't had the chance to know all the members of his family sir except for his wife," paliwanag ulit nito.

"So you already met my mom," pang-iinis pa nito.

Hindi na kumibo si Ella, pinipigilan ang sariling emosyon.

"Okay, since you already worked for the CEO in Japan as his personal Analyst... I am going to assign you as my personal analyst starting today," seryosong sabi nito kay Ella na ikinagulat ng dalaga.

"S-Sir?" naguguluhang tanong ni Ella.

"Is there any problem, Miss Aurea?" seryosong tanong nito kay Ella.

"N-none sir, It's just that, I was hoping that you can assign me in a different department sir. anyway...thank  you, sir. " Tumayo na si Ella para lumabas ng pinto.

Nang muli itong magsalita.

"Where do you think you're going, Ms Aurea?" tanong nito sa dalaga.

"To your secretary sir," sagot nito.

"I thought you heard me right about your position in this company?" muling tanong nito.

"Yes sir, your personal analyst sir," malumanay na sagot ni Ella.

"Exactly, my personal analyst and that makes you stay inside this office" paliwanag nito.

Nagulat si Ella, dahil kahit personal analyst siya ng ama nito sa Japan nasa labas pa rin ang office niya.

Dumarating lang sa table niya iyong mga program na kailangan niyang pag-aralan. 

Once a week lang sila magkita ng dating boss niya dahil sa Korea ito naka-base. Bumibisita lang weekly sa Japan para sa mga software na kailangang I-approve.

Pinili na lang ni Ella ang manahimik, at makiramdam sa gustong laro ni Jung.


Hurting Ms. Bully (Completed) EditingWhere stories live. Discover now