Hurting Ms. Bully

41 3 0
                                    

"Room 18 po, Sir," kinikilig na sabi ng receptionist habang inaabot ang susi sa binata.

"T-Thank you," tanging nasabi ni Jung na kinuha ang susi.

Halos takbuhin nito na sumakay ulit ng elevator papuntang second floor. Dasal ng dasal na sa na kausapin sya ni Ella. Halos takbuhin na rin niya papuntang kuarto ni Ella.

Nang nasa tapat na siya ng pinto nito, matagal muna bago sya kumatok. Humugot muna ng ilang malalalim na hininga.

Hanggang maglakas loob na nga siyang kumatok.

Walang sumasagot mula sa kabilang pinto.

Napilitan tuloy si Jung na gamitin ang susi na binigay ng receptionist.

"Ella," mahinang tawag nito sa pangalan ng dalaga. Napako siya sa kinatatayuan nang makita nito ang dalaga na nakatulog sa kama nito. 

Matagal niyang tinitigan ang mukha ng dalaga, napayuko ang binata nang Makita ang bakas ng luha sa mukha ng dalaga. Basa rin ng luha ang unan nitong hinihigaan.

"I'm sorry... I'm sorry for being a jerk, Ella," bulong nito habang nakasubsob sa kama ni Ella.

Nagising si Ella... nagulat pa siya nang makitang wala siya sa kuarto niya. Saka pa lang niya naalala na nasa hotel nga pala siya.

Tumingin sya sa relo niya at nakita niyang ala-una na pala ng madaling araw. 

Ramdam na rin niya ang pagkalam ng sikmura. 

Pero agad ding nawalan ng gana ng maalala ang nangyari.

Ramdam niya ulit ang pag-iyak.

Isinubsob niya ang mga kamay sa mukha at muling umiyak. 

Nang maramdaman niyang may humawak sa kamay niya.

"J-Jung... anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok? gulat na tanong ni Ella na humarap sa binata.

Nakatingin lang si Jung sa kaniya... hinila ang kamay niya at niyakap siya nang mahigpit.

Pinilit kumakawala ni Ella.

"Bitawan mo ako,Jung. Bumalik ka na roon sa koreana mo," naiinis na sabi ni Ella habang umiiyak.

"Ella, please.." pakiusap ni Jung na pilit pa ring niyayakap si Ella.

"Tama na, Jung." Yumuko si Ella pagkatapos itong sabihin.

"Wala akong Koreana, Ella. I only have a Filipina," sagot nito kay Ella.

Niyakap na siya ni Jung pahiga sa kama.

"Ask me everything you want to know. I am going to answer it for you.  Jusst don't let yourself overthinking... it's creepy Ella. I am already afraid," bulong nito nang nakayakap pa rin sa likod ng dalaga.

Matagal na hindi naka sagot si Ella, iniisip kung ano unang itatanong.

"Hindi ko pinapunta rito si Mina, I let my door opene because I was expecting you. Not her," sagot ni Jung sa tanong na hindi masabi ni Ella.

Lalo pang ipinaikot ang braso sa baywang ng dalaga, pagkatapos ay hinila ito palapit sa kaniya.

Ipinatong ang pisngi niya sa ulo ng dalaga at maingat na kinintalan ng halik ang pisngi nito.

"Obviously I was not aware of the consequences that somebody might get in there aside from you. I really want to have a shower since morning and I was waiting for you for about an hour already," maingat na paliwanang niya sa binata.

"Mina is not in my room already, I asked the receptionist to take her out because she doesn't want to," sabi ulit nito na inamoy ang buhok ng dalaga.

Jung misses the scent of her. He dreamed of it every night of everyday.

He hated her but he cannot denied the fact that he misses her girl, Ella.

Hindi na makapag alita si Ella. Nasagot na lahat ni Jung ang lahat ng katanungan sa isip niya.

"Why are you hurting me,Jung?" mahinang tanong ni Ella pagkalipas ng ilang sandal.

"I was a jerk. I believed everything that Mina told me," mahinang sagot ni Jung na hinigpitan ang yakap sa dalaga.

"I am sorry for hurting you. God knows how I missed you," bulong ulit nito. 

Lalo pang hinigpitan ang yakap sa dalaga at saka hinalikang muli ang buhok nito.

Pinabayaan ni Ella na yakapin siya ni Jung magdamag. 

Ella knows how he misses the man he is with tonight.

Ramdam din niya ang paghihirap nito kagaya ng paghihirap niya.

Pinabayaan na lang niya na tadhana na ang mag desisyon sa relasyon nila ni Jung. 

Basta isa lang ang alam niya ngayon. 

Mahal na mahal pa rin niya ang binata at walang nabago roon.

Kinaumagahan 

Nagising ang dalawa sa malakas na katok sa pinto. 

Naunang bumangon si Jung para buksan ito.

"Where is that stupid girl?" pasigaw na sabi ni Mina. 

Galit na galit ito at pinipilit si Jung na papasukin siya. 

Narinig naman ni Ella ang boses nito kaya napilitan siyang bumangon.

"Let her in," sabi ni Ella kay Jung habang pinipigilan si Mina.

Sa gulat ni Jung ay napatingin siya kay Ella, nakawala naman si Mina sa hawak niya. 

Dire-diretso ito kay Ella habang sumisigaw.

Inihanda naman ni Ella ang sarili sa pasugod na si Mina.

Nagulat si Jung ng may bigla na lang lumagabog sa lapag... tumakbo agad siya papasok sa kuarto ni Ella.

Nakita naman niya si Mina na nakaupo sa lapag, hawak ang dumudugong ilong. 

Sinuntok pala ito ni Ella.

Natakot si Jung at nilapitan si Ella na hawak ang kanang kamay.

"Ouch! Ang sakit!" sabi ni Ella habang hawak ang kamay galit na nakatingin kay Mina.

Sinuntok pala ng dalaga si Mina, sargo ang dugo sa ilong nito.

Agad namang tumawag sa information si Jung, para sila na ang bahala kay Mina.

 Binuhat naman ni Jung si Ella palabas ng kuwarto at upang dalhin sa pinaka malapit na clinic o hospital.

Mabuti na lang at may Clinic sa baba ng hotel nila Ella.

Clinic ito ng pinsan niyang si Zaldy. Isa itong Doctor sa Internal Medicine.

"Oh! Anong nangyari sa'yo?" gulat na tanong niya nang makitang buhat-buhat ito ni Jung, namimilipit sa sakit ng braso.

"Nanuntok kuya," nag-aalalang sagot ni Jung.

Agad naman na nilapatan ito ng lunas.

"MAbuti na lang at minor lang iyang naging pilay sa daliri mo," natatawang sabi ni Zaldy sa dalagang nakayuko.

"Sino ba sinuntok nito? Ikaw ba Jung?" natatawang tanong ni Zaldy kay Jung.

"N-No, hindi po ako kuya,"  gulat na sagot ni Jung na tumingin sa doctor.

"Ah.. parang alam ko na.." natatawang sabi nito na napatingin kay Ella.

Alam ng mga ito ang kwento ni Jung at Ella. Isa ito sa mga itinuturing ni Mina na kaibigan sa mga pinsan niya. Kilala rin naman ng mga ito si Jung mula pa noong kolehiyo.

"Hurting Ms. Bully ha." sabi pa nito habang tawa nang tawa

"Ha! Ha! Ha!" hindi na rin napigilan ni Jung ang kanina pa pinipigilang tawa.

Tahimik lang si Ella, ayaw sumagot sa pambubuska ng pinsan niya. Mas nararamdaman niya kasi ang tuwa. Kahit masakit ang daliri niya. Nag-uumapaw pa rin ang tuwang nararamdaman niya.

"Ipakilala niyo nga sa akin iyang Mina na 'yan, baka naman kasi ako ang destiny niya?" sabi nito ng tumatawa pa rin.

"Oh, okay na. Iuwi mo na 'yan Jung," utos nito kay Jung nang natatawa pa rin.

"Iuwi mo na 'yan sa Korea para mabawasan mga bully dito sa pamilya.. haha! Ako na lang matira," sabi ulit nito pagkatapos ay tawa na nang tawa.

"Kaya siguro kayo magkasundo, kuya," natatawang sabi ni Jung kay Zaldy.

"Eh, ako Idol niyan eh.. haha!" si Zaldy.

Tuluyan nang nagpaalan at umalis ang dalawa.

Dinala na rin ni  Jung si Ella sa bahay nila. Nais din niya kasing maka usap ang pamilya nito.

Natuwa naman ang magulang ni Ella nang makita ang dalawa. 

Naitawag na ni Jung sa magulang ni Ella ang nangyari.

"Hay! Ang batang ito." Niyakap ni Aling Liza kay Ella.

"Sorry po ma," mahinang sabi ni Ella.

"Anak ang importante naiparating mo sa kaniya ang gusto mo, siguro naman matatakot na 'yon na sugurin ka ulit," sagot ni Aling Liza habang inaayos ang buhok ng dalaga.

"Salamat Jung at hindi mo binitawan si Ella," si Aling Liza na tumingin pa sa binata.

"It's okay tita, everything is my fault po," sagot ni Jung na yumuko pa.

Hurting Ms. Bully (Completed) EditingWhere stories live. Discover now