Hurt

63 4 0
                                    

Mabilis na dumaan ang mga araw, naging smooth naman ang relasyon nilang dalawa sa loob nang dalawang taon. Kahit pa biglaan at parang biro lang ang nangyari.

Kung nasaan si Ella nandoon si Jung, hindi ito lumalayo sa kasintahan. Kung dati ay gusto lang din niya pag-tripan ang dalaga ngayon ay alam niyang seryoso na siya.

Masaya naman si Ella, hindi ito gumagawa nang kahit anong ikagagalit nang kasintahan.

Kahit na minsan nagseselos ito kapag may nakikitang nagpapa-cute kay Ella, ganoon din naman si Ella nagseselos din ito kapag nakikita niyang pinagkakaguluhan si Jung ng mga kababaihan.

Mukha kasi talaga itong artista, minsan may mga gusto pang magpa-picture sa binata. Si Jung lang ang may ayaw. Kapag nagpo-post si Ella ng picture nilang dalawa pinagkakaguluhan talaga. MInsan tinanatanong din siya kung sinong artista ang kasama niya sa pictures. 

Kahit na alam ng dalaga na medyo alanganin ang itsura niya para sa binate ay hindi na lang niya pinapansin. 

Pero pinipilit nilang mag-work ang relasyon na meron sila. 

Relasyong nagtagal ng apat na taon. 

Graduating na sila noon sa kolehiyo nang dumating ang pangyayaring hindi nila inaasahan.

Pareho pa rin ng schedule ang magkasintahan.

Pareho rin naman sila ng kursong kinuha.

Mag-isa ni Ella na pumasok sa unang araw ng huling semester nila sa kolehiyo.

Kinailangang umuwi ni Jung sa Korea dahil meron daw emergency at bukas pa ang dating nito sa Pilipinas.

Maayos naman ang buong maghapon niya, nakisabay si Edwin sa pag-uwi dahil malapit lang naman ang bahay nito sa bahay nila. Pumayag naman si Ella dahil alam naman ni Edwin na may kasintahan na siya at dahil ginabi na sila mula sa isang meeting.

Kinaumagahan

Maaga si Ella na pumunta sa hotel para daanan si Jung, pero pagdating niya doon nalaman nyang dumating ito kagabi pero lumabas din at hindi doon natulog.

Napilitang pumasok si Ella na mag-isa dahil hindi rin nito sinasagot ang mga tawag niya.

Pagdating sa eskwelahan, nadatnan niya itong nasa classroom na at may kausap na koreana.

Nag-uusap sila ng wika nila. Hindi nito napansin ang pag dating ni Ella, busy ito sa kausap. Hanggang natapos ang klase nila, hindi man lang siya nito nilapitan. 

Hindi na pumasok si Ella sa ibang klase niya dahil sa sama ng loob at dahil na rin sa sumama ang pakiramdam niya. 

Nilapitan siya ni Edwin at inalok na ihatid, pumayag naman si Ella sa kadahilanang nahihilo siya, marahil ay dahil sa kakaisip kagabi sa kasintahan kung dumating na ito.

Lalo pa syang nanghina nang hindi man lang siya pinansin nito.

Sa hotel siya nagpahatid, doon muna siya mag-stay. Meron naman silang sariling pad sa hotel na iyon. Ayaw niyang Makita ng mama nya ang pag-iyak niya.

Umalis na rin si Edwin pagka hatid sa kanya.

May nakasalubong itong koreana ng palabas na sya sa kuarto ni Ella, ngumiti pa ito sa kaniya.

"Oh, by the way, you are a friend of Ella right?" tanong nito kay Edwin

"Yes, why? Ganting tanong ni Edwin dito.

"Oh, I am Mina, a very good friend of Jung, actually his ex but we are trying to work it out," naka ngiting pakilala nito sa sarili.

Nagulat naman si Edwin sa narinig, naisip niya tuloy na kaya siguro hindi nagpansinan ang dalawa kanina dahil break na sila.

Hurting Ms. Bully (Completed) EditingWhere stories live. Discover now