Loving you

46 4 0
                                    

Hayaan na natin ang nakaraan, ang importante nahanapan niyo ulit ang isa't-isa at hindi na uulitin pa kung ano man iyong nakasakit sa inyo. Alam naman namin na naghirap ka rin," sabi ni Aling Liza kay Jung.

Halos maluha naman ang binata sa ginawang pagtanggap sa kaniya ng pamilya  ni Ella.

Pinapasok sila sa bahay ni Aling Liza nang magsalita ulit si Jung.

"Actually po I came here to tell you something," si Jung.

Gulat na napatingin ulit sa kaniya ang pamilya ni Ella. 

Kumakain sila noon ng almusal at sinusubuan ni Jung si Ella.

Nakabalot kasi ang buong braso nito sa kanan kasama na pati mga daliri. 

Muling nagsalita si Jung pagkatapos ng ilang minuto.

"Gusto ko na po sanang hingin ang blessings ninyo, I really want to marry your daughter, Sir," kinakabahang sabi ni Jung Suk na tumingin sa ama ni Ella

Matagal na napatingin si Ella sa kanya at naluluha na ito.

"I don't want to go back in Manila without her, and I want to stay where she is. I want to lay where she lays, eat where she eats. We've been separated for almost four years and I was in deep pain, I felt like I was buried alive. I am begging for your blessing, Sir and Ma'am," naiiyak na sabi ni Jung na yumuko pa.

Nakatingin lang ang mag-asawa sa kaniya.

Hindi rin makapag salita si Ella sa narinig, naiyak na lang sya sa mga sinabi ni Jung.

"Anong masasabi mo Ella?" ang ama niya.

"Po?" gulat naman na  sagot nito.

Napatingin tuloy silang lahat sa kaniya.

"Gusto mo pa ba sya? Mahal mo pa ba? Gusto mo ba magpakasal sa kanya?" tanong ni Aling Liza sa anak

Yumuko si Ella at sumagot.

"Opo," sabi nito na nahihiya. 

Natuwa si Jung sa narinig, nayakap tuloy nito ang dalaga.

Si Aling Liza naman pigil na pigil ang kilig habang naluluha, na napansin ng ama ni Ella.

Hinila na ng ama ni Ella si Aling Liza at iniwan nila ang dalawa.

"Thank you,"'bulong ni Jung sa kayakap na si Ella.

Hurting Ms. Bully (Completed) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon