Heart beats

46 4 0
                                    

ELLA'S POV
Bakit sa kabila ng lahat nag pananakit nya, mahal ko pa rin sya?

BAkit natutuwa ang puso ko sa mga narinig ko 

Kaya ko na ba syang tanggapin ulit sa kabila ng lahat?

JUNG'S POV
Hindi na ulit kita pakakawalan Ella.

KAhit ligawan pa kita, bumalik ka lang sa akin.

Kinaumagahan 

Pumasok ang dalaga sa opisina. 

Nagulat siya sa nadatnan sa mesa niya.

"Sinong nagbigay nito?" nagtatakang tanong ni Ella, habang nakatingin sa bouquet ng yellow rose sa mesa niya. 

Lumabas si Ella ng opisina upang puntahan si Trina, ang sekretarya ni Jung.

"Trina, itatanong ko lang sana kung nakita mo ba kung sino nagbigay noong flowers sa mesa ko?" tanong ni Ella sa sekretarya.

"Ah... 'yong  bouquet ba? May nag-deliver n'yan kanina rito. Hindi ko lang sure kung kanino nanggaling," paliwanag ni Trina habang nakatingin kay Ella.

Bumalik si Ella sa loob ng opisina upang tingnan ang bulaklak, nang may mapansin siyang card na nakasiksik dito.

"To the most beautiful lady in my past... Edwin."  

"Si Edwin? Paano niya nalamang pumasok na ako?" tanong niya sa sarili.

Siya namang pagpasok ni Jung sa opisina. Kitang-kita niya ang pagngiti ni Ella habang naka tingin sa mga bulaklak.

Lumapit sya dito at sinilip ang hawak na card ni Ella, hindi man lang napansin ng dalaga ang pagdating ng boss niya.

"So, you two still have a communication huh?" nakakalokong tanong ni Jung. Na ikinagulat naman ni Ella.

"We're friends,"  maikling sagot ni Ella at umupo na ito sa harapan ng mesa niya.

Hindi na ikinuwento ni Ella na nag-asawa na si Edwin, at kaya siya pinadalhan ng bulaklak nito ay dahil sa pasasalamat kay Ella. Tinulungan ni Ella si Edwin na makapunta ng Japan at makapasok sa dating pinapasukan niya.

"Hayaan mo siya Ella kung ano ang gusto niyang isipin, isang Linggo na lang Ella," bulong ni Ella sa sarili niya.

Araw-araw, nagpapapansin si Jung kay Ella na hindi naman pinapansin ng dalaga.

Minsan pinapatugtog nito ang mga kanta na madalas nilang kantahin noong sila pa.

Pero hindi na makitaan ni Jung nang kahit anong ekspresyon ang mukha ni Ella.

Hindi nila namalayan ang mga araw. Huling araw na ni Ella sa trabaho at lilipat na siya ng Baguio.

Kay Trina lang siya nagsabi na huling araw niya  sa opisina nila. Hindi na siya papasok kinaumagahan . Naunawaan naman ito ng sekretarya.

Kinaumagahan

Maagang pumasok si Jung, may dala pa itong pumpon ng bulaklak. Napag pasiyahan niya na liligawan niya ang dalaga. 

Kung noon ay naging kasintahan niya ito na walang ligawan, ngyon ay paghihirapan niya ito nang matimtiman.

Alas-nueve trenta  sa relo ng opisina nang tumunog ang telepono sa harap ni Trina.

"Trina, please come to my office," boses ni Jung.

Dali-dali namang pumasok si Trina sa opisina ni Jung.

"Where is Ella?" tanong ni Jung.

"Sir? " naguguluhang balik tanong nito kay Jung.

"Sabi ko... nasaan si Ella?" tanong ulit ni Jung.

"Ay! Sir, hindi po ba last day na niya kahapon?" naguguluhang tanong ni Trina sa nakatingin pa ring binata.

"Sinong nagsabi" si Jung na naguguluhan.

"Di ba sir, one month lang ang contract niya rito sa branch natin, tapos lilipat na sya sa Baguio?" paliwanag ulit ni Trina na tila pati siya ay naguguluhan na rin.

"Where is she right now?" pigil ang galit na tanong ni Jung.

"Nasa quarters pa po siguro niya sir, nagaayos pa ng gamit," natatakot na sagot ni Trina.

"Where is her quarter, I need the room number," nagmamadaling tanong ni Jung at tuluyan na itong tumayo mula sa upuan sa harap ng mesa niya.

"S-sir... room 8 sir," natatarantang sagot ni Trina sa boss na salubong ang kilay.

Pagkasabi ni Trina ng numero ng kuarto ni Ella, nagmadali na agad si Jung na umalis. 

Lakad takbo ang ginawa ng binata. Hindi na ito gumamit ng elevator sa rami ng tao.

Daig pa ang may hinahabol na magnanakaw, halos takbuhin ang paakyat ng hagdan.

Agad naman niyang nahanapan ang room 8, ang kuarto ni Ella.

Napatigil sya ng malapit na sya rito.  Saka lang niya naalala na room 7 ang kuarto niya. 

Kung ganoon magkatabi lang ang kuarto nilang dalawa.

Bigla niyang naalala ang babaeng gabi-gabing umiiyak sa katabing kuarto niya. Doon mismo sa kuarto ni Ella.

"Si Ella iyong umiiyak gabi-gabi?" naiiyak na bulong niya sa sarili. 

Dahan-dahan siyang kumatok sa pintuan ng kuarto ni Ella nang makalapit ditto.

Agad namang nagbukas ang dalaga... nagulat sa taong pinagbuksan niya. 

"S-Sir, a-ano pong kailangan nyo?" gulat na tanong ni Ella

Kitang-kita naman ni Jung nag namamagang mata ng dalaga.

Wala siyang magawa kung hindi ang itikom at bibig at umigting ang mga panga sa galit sa sarili.

Pigil na pigil na huwag ipakita ang emosyon sa babaeng nag-iisang idinambana.

"Saan ka pupunta?" anong ni Jung na nakatingin sa bagahe ni Ella na nasa malapit sa pinto.

"S-sir last day ko na po kasi kahapon sa one month na contract ko rto, paliwanag ni Ella na akmang babalik sa loob ng pad.

"Says who?" balik tanong ni Jung na salubong pa rin ang kilay.

"S-sir, iyon po kasi ang napag-usapan namin ni Sir Lee sa Japan," malumanay na paliwanag ulit ni Ella habang inaayos ang mga bagahe.

"You are not going anywhere without my permission," mabigat ang salita na sabi ni Jung saka lumabas ng kuarto ni Ella .

"Sir please," pakiusap ni Ella na humabol sa binatang palabas ng pinto.

"No, Ella. You are not going anywhere," sagot ulit ni Jung na hini man lang tinapunan ng tingin ang dalaga.

"Sir, I need to go home," mahinang paliwanag ni Ella.

"Paano ako?" hindi na napigilan ni Jung na mapalakas ang boses nang harapin ang dalaga.

"Sir, babalik naman na po si Agelo," pambabalewala ni Ella sa tanong ni Jung. Sinadya talaga niyang hindi ito sagutin ng direkta sa tanong nito.

"Paano ako, Ella? Ganoon na lang 'yon? Aalis ka na lang nang wala tayong maayos na usapan? You've been trying hard to avoid me since the day I took you inside my room!" galit na tanong ni Jung sa dalaga.

"Paano ka? Have you ever think of that four years ago Mr. Lee Jung?" naiiyak na tanong ni Ella na hindi pa rin makatingin sa binata.

Hindi nakapagsalita agad si Jung sa tanong na iyon ni Ella.

"Ano ba ini-expect mo? Na kapag bumalik ka magtatatalon at magsisigaw ako sa tuwa? Pagkatapos nang apat na taon, halos apat na taon na iniisip ko kung ano naging kasalanan ko sa 'yo? Pinatay mo na rin lang ako, bakit hindi mo na lang tuluyang ibaon?" nanggigil na tanong ni Ella habang pinipigilan ang paglandas ng luha sa mga mata. 

"Tigilan na natin ito nakakapagod na, wala rin namang pupuntahan," pabulong na sabi ni Ella na tuluyan nang napa-upo sa sama ng loob.

"Hindi ka aalis, if I had to tie you down, I will do it." Tumingin na si Jung sa dalaga habang sinasabi ito.

"Do it! Ang tagal," mabilis na sagot ni Ella sa babala ng binata.

Hindi kaagad nakahuma si Jung sa bilis ng sagot ng dalaga.

"Ella, please," pakiusap ni Jung na aktong lalapit sa dalaga.

"Kailangan ko nang umuwi, hinihintay na nila ako sa Bahay." Tumayo na si Ella at aktong hahawakan ang mga bagahe niya.

"I'll come with you!" mabilis na sagot ni Jung na bumalik sa loob.

Binuhat na ang bagahe ni Ella bago pa man makasagot ang dalaga. 

Tuluyan na itong bumaba ng building habang hila sa isang kamay si Ella.

Inilagay ang bagahe ni Ella sa likurang upuan ng kotse niya, pinapasok ang dalaga sumakay at pinaharurot ang kotse niya pauwi ng Baguio.

"What are you doing, Sir?" naguguluhang tanong ni Ella sa binata na tiningnan niya habang nagmamaneho.

"We're going home," maikling sagot nito

"And stop calling me sir, we're not in the office anymore," seryosong sagot ng binata na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

Nanahimik na lang si Ella kahit nagngingitngit, nagugulat sa bilis ng mga pangyayari.

Hurting Ms. Bully (Completed) EditingWhere stories live. Discover now