Prologue

3.5K 48 7
                                    

kindly watch the trailer sa side. Class po namin ang cast sa trailer kaya napaka epic fail. hahaha anyways, enjoy reading! ♥

-----------------------------------------------------------

*Kring kring*

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinignan ang screen para malaman kung sino ang tumatawag kaso, unregistered number. “Hello sino to?” nagtataka ako kasi wala naman akong ibang pinagbibigyan ng number ko. “Sino to?” sagot sa other line.

“Sino ba tinatawagan mo?” tanong ko ulit. “Sino ba tong kausap ko?” napairap ako. “Sorry wrong number.” Agad kong pinatay ang phone saka pumunta na sa sala kung nasaan nakabukakang nakaupo ang bestfriend kong si Jenna. “Sino yun?”

 

 

 

 

“Aba malay ko. nang p-prank siguro.” Pairap kong sagot saka naupo sa tabi niya. “Nakapili ka na ba ng papanoorin natin?” tanong ko sa kanya. Tumango siya at ipinakita sa akin ang dvd na hawak niya. Agad akong napairap. “Yan nanaman?”

 

 

 

 

 

“Bakit? Anong masama sa scream 4?” painosente niyang tanong. “Ilang milyong beses na natin yang pinanood Jenna. Hindi ka pa ba nauumay dyan?” naiirita kong tanong sa kanya. Sa tuwing nag s-sleep over kami yan na lang palagi pinapanood namin tapos ngayon yan nanaman?!

“Hindi kaya nakakaumay. Maganda kasi tsaka hindi ka pa na c-coolan kung paano umatake si ghostface sa mga victims niya?” umirap lang ako saka tumayo na para kunin sana ang pop corn sa kusina ng mag ring nanaman ang phone ko. deretso ko na itong sinagot. “hello?”

 

 

 

 

 

“Sino to?” napairap ako ng marinig ko ang same voice ng tumawag din kani-kanina lang. “Sino ka ba? Tsaka sino bang tinatawagan mo?” naiinis kong sabi. “Sorry pero hindi mo naman kailangang magpaka bitch.” Napairap ako saka tinignan ang screen ng phone ko.

“Oh yeah? Bite me.” Pipindutin ko na sana ang ‘call end’ ng marinig ko siyang magsalita. “Subukan mong patayin ang tawag gigilitan kita sa leeg hanggang sa maubos ang dugo mo sa buong katawan!” kinabahan ako bigla kaya napatingin ako sa phone ko. saktong pumasok si Jenna ng kusina.

Horror RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon