Chapter 5

920 24 3
                                    

Third Person’s POV

 

 

 

 

Hindi magkanda ugaga ang mga magkakasama matapos ikwento nina Andrea ang kanilang nakita sa basement. Hindi na rin magkanda ugaga si Kyra na kanina pa palakad palakad. Alam niyang may mali sa mga nangyari. Hindi lang basta nawawala si Lorenz, sigurado siya na may kumuha dito.

“K-kyra, ganito ba ang mga nangyari dati sa survivors ng Slaughter High?” napapikit si Kyra ng mariin. “Oo.”Tipid niyang sagot. Nanlaki ang mata ni Twaylem. Agad siyang hinawakan ni Warren sa braso at niyakap. “So, ibig mong sabihin, nangyayari ulit?” kabadong tanong ni Warren.

“Hindi ko masasabing nangyayari ulit dahil pa namang may pinapatay. Tsaka hindi naman talaga sure, baka kasi na p-paranoid lang talaga ako.” Buntong hininga nito saka tumayo. Nagkatinginan lang si Warren at Twaylem bago rin napabuntong hininga at naisipang magpahinga na muna.

“Ano na ang gagawin natin?” natatakot na tanong ni Aki kay Percy matapos marinig ang napag usapan nina Kyra, Twaylem at Warren. “Hindi ko alam Aki! Hindi ko alam kung totoo ba yung dugo! Hindi ko alam kung sa hayop lang ba yon o kung ano na!” napasabunot si Percy sa kanyang buhok. Lumabas ito ng classroom na tinutuluyan nila hawak ang isang pakete ng sigarilyo. Pumunta siya sa may sira sirang pinto ng lumang paaralan at doon nanigarilyo.

Alam niya sa sarili niya na natatakot na rin siya sa mga nangyayari. Hindi pa nakakabalik si Lorenz mula kahapon, nagblack out at malakas ang ulan, may mga nanira ng gamit nila at yung dugo. Pilit niyang iniiwasang isipin na may nagbabalak ng masama sa kanila at ang mas pinaka iniiwasan niyang isipin, na baka ang nagbabalak na yon ay isa lang sa mga kasama nya.

Nakaramdam siya ng presensiya niya sa likod kaya napalingon siya. Nagtaka siya ng makita si Kyrang tila kabadong naglalakad paakyat sa second floor. Balak niya na sana itong sundan kung hindi lang siya tinawag ni Aki.

“Percy, natatakot na ako. Hindi pa rin bumabalik si Lorenz. Paano kung, kung, yung sinasabi ni Kyra ay totoo nga? Paano kung tama ang kutob niya? Paano kung may mangyaring masama sa atin dito?! Hindi ko kering mamatay Percy!” natatarantang sabi ni Aki. Ipinatong ni Percy ang kamay niya sa balikat ni Aki para pakalmahin ng hindi sinasadya ay nakita ito ni Drake, ex in Aki. Naiyukom nito ang mga kamay at inis na bumalik sa classroom.

Horror RemakeWhere stories live. Discover now