Chapter 2

1.4K 27 11
                                    

Twaylem’s POV

 

 

 

Inilock ko na ang pinto ng tinitirhan kong bahay saka nakangiting naglakad papalapit sa sasakyan nina Percy. Nandoon na ang iba pa naming kasama para sa project na ito. Dadaanan na lang namin mamaya si Kyra.Ipinasok na ni Warren ang bag ko sa likod saka lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. “Good morning.”Nakangiti nitong bati.

6:45 pa lang ng umaga at dahil malayo kami sa city ay kinailangan naming umalis ng maaga. Pumasok na rin ako sa van kasunod si Warren. Nagsi hiyawan pa kaming lahat bago nagsimulang magmaneho ang driver nina Percy.

Kwentuhan dito, kwentuhan doon. Naisipan kong ipikit na lang muna ang mga mata ko para kahit saglit maka idlip man lang ako. For sure, nakakapagod na byahe to. Nagising na lang ako ng maramdaman kong niyuyugyog na ako ng katabi ko. dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at inirapan si Andrea, ang salarin sa pagyugyog sa akin.

“Aba kanina ka namin ginigising dahil hindi namin alam kung saan dadaanan si ate Kyra.” Mataray na sabi niya sa akin. Si Andrea lang talaga nag kina aayawan ko sa naging members namin. Bukod sa napaka arte niya minsan ay may pagka bitch pa ito pagdating sa akin.

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa at dinial ang number ni Kyra. “Wag niyo na akong daanan. Nandito na ako sa Batanes. Magtanong kayo kung asan ang port papunta sa isla.” Deretsong sabi ni Kyra sabay patay na ng tawag. Sinabi ko na sa kanila ang location ni Kyra. Sinubukan ko ulitng umidlip kaso wa epek na kaya no choice ako kundi makinig sa kanila.

Iilan lang pala ang gising dahil ang iba ay umidlip tulad ko. napaka hinayupak talaga ni Andrea. Pag ako napuno babalatan ko to ng buhay eh. Naisipan kong hiramin na lang ang phone ng boyfriend ko dahil hindi tulad ng akin, maraming games ang sa kanya. Akin kasi puro pang selfie apps lang eh.

Masaya akong naglalaro ng biglang magpreno ang driver nila Percy kaya nabitawan ko ang phone. Nagising din ang iba at nagtaka sa nangyari. Pagka pulot ko ng phone ay napatingin ako sa kinaroroonan namin. Ang creepy naman dito. Walang masyadong sasakyan.

“Manong anong problema?” tanong ni Percy. “May bigla kasing tumawid na itim na pusa buti na lang naagapan ko ang preno.” Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ni manong. Itim na pusa? Diba bad luck yan?

Horror RemakeWhere stories live. Discover now