Chapter 7

893 16 4
                                    

Twaylem’s POV

 

 

 

 

Sina Percy, Warren at Drake ang nagbuhat sa walang malay na katawan ni ate Ky samantalang si Joseph, Tyron at Nicko naman ang nagbitbit ng walang buhay na katawan ni Lorenz. Nahirapan pa kami kanina dahil naka kadena ang dalawa niyang kamay sa isang upuan.

Sino ang gumawa nito sa kanya?

Yan ang tanong na kanina pa paikot ikot sa isipan ko. Hindi ko na nagawang makasigaw dahil sa mga nangyari. Kanina pa nawala si Lorenz at ngayon lang namin siya ulit nakita, wala nang buhay. Kinabahan ako dahil tama nga si Kyra. Nagkakatotoo na ang shino-shoot namin.

Kaya ba ayaw niyang pumunta kami dito dahil alam niyang may mangyayaring masama? Naramdaman kong may yumakap sa akin at nakahinga ako ng maluwag nang malamang si Ayriene to. “best kinakabahan na ako. Paano kung may serial killer pala sa islang to?” bakas sa pananalita niya ang takot.

“hindi ko hahayaang masaktan ka niya best.” Paninigurado ko sa kanya. Niyakap ko din siya pabalik ska naglakad na kami kasabay sina Nicko na nahihirapan na siguro sa katawan ni Lorenz dahil sa rigor mortis. Pagkababa ay dumeretso kaming lahat sa classroom na tinutuluyan namin.

Teka, asan si Dominic?

“Best asan si Dominic?” biglang napahiwalay sa pagkakayakap sa akin si Ayriene. “H-hindi ko a-alam best. Kanina habang hinahanap namin si ate Ky bigla na lang siyang nawala.”bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ni Ayriene.Wala naman sigurong may kumuha kay Dominic diba?

Ibinaba na nila ang katawan ni Kyra at hinayaan itong magpahinga. Siguro hindi na niya kinaya ang stress at bumigay na ang katawan niya ng makita sang bangkay ni Lorenz. Napapikit na lang ako at nagdasal saglit para sa kaluluwa ni Lorenz.

Horror RemakeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang