Chapter 14

753 18 9
                                    

Third Person’s POV

 

 

 

 

Dahan dahang nagising si Warren at agad nagulat sa tumambad sa harap. Mga bangkay na walang ulo ang nasa harapan niya ngayon at nakapwestong pauo katulad nya, ang pinagkaiba nga lang hindi ito nakatali. Kalat na kalat ang dugo sa paligid ng mga bangkay na nilalangaw pa dahil na rin sa masangsang na amoy nito.

Gumalaw galaw siya at naramdaman niyang nakatali siya pero hindi siya nag iisa, pag lingon niya ay nakita niyang nakatali din ang mga kasama. Pero nagtaka siya, asan si Dominic at Percy?  Siya pa lang ang nagigising sa kanilang lima.

Lahat sila ay may tela o panyong nakatali sa bibig at isang makapal na lubid ang nakatali sa kanila na mismong nagkokonekta rin sa kanilang lima. Gumalaw galaw siya para magising ang katabi niyang si Kyra. Nang successful na magising niya ito ay tinuro niya ang mga bangkay na nasa harapan nila gamit ang mga mata niya. Pagtingin dito ni Kyra ay nanlaki ang mata nito bago pumikit.

Isa isa nilang ginising ang mga katabi. Nasuka pa si Aki kahit may panyo sa kanyang bibig kaya naghalo ito sa kanyang amoy. Biglang lumitaw ang isang pigura ng tao sa harap nila. Nakasuot ito ng itim na jacket at ang nakakakilabot na maskara at may hawak itong camcorder at isang flashlight sa isa pang kamay.

Habang nakatapat ang ilaw ng flashlight kila Warren ay vini-videohan niya ito. Ito na kasi ang last part ng own horror remake nila ng kasama niya kung saan ir-reveal na nila kung sino sila. Ito yung part sa mga horror movies na sasabihin na ng mga killers ang totoo nilang mga motibo.

Tinignan ni Warren ng masama ang killer at pilit na kumakawala sa pagkakatali pero the more na gumagalaw siya ay mas lalo lang humihigpit ang tali. Napapikit na lang siya dahil sa inis nang marinig ang paghiyaw ni Kyra dahil sa pagkakahigpit ng tali.

“Kahit anong pagpumiglas gawin niyo hindi kayo makakawala. Mahigpit kaya pagkakatali ko dyan.” Proud pa na sabi ng killer sa kanila. Napairap na lang si Kyra. Nakita ito ng killer kaya dali dali niya itong nilapitan at ipinakita pa sa video kung paano niya ito hampasin ng flashlight sa ulo. Sinipa siya ni Warren kaya natumba siya at nabtawan ang camcorder.

Horror RemakeWhere stories live. Discover now