Chapter 4

1K 21 2
                                    

Aki’s POV

 

 

“Twaylem! Percy! Kyra! Asan ba kayo!” kanina pa ako sigaw ng sigaw simula nang magkanda hiwa-hiwalay kami nang biglaang mag black out kasabay ng isang malakas na kidlat.. Para na kaming nasa isang real life horror movie kami. Tila nagkatotoo ang ginagawa naming horror movie remake. Ang pinagkaiba nga lang, kami na talaga ang bida.

Nanginginig na ang kamay ko dahil sa kaba pero patuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng lumang school na ito pero kailangan ko silang mahanap. Nakaramdam ako ng persensiya sa likod at dahil may dugong takot ako ay napatakbo na lang ako kahit hindi ko alam kung sino o ano ba ang nasa likod ko.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may maumpog ako kaya napaupo ako sa sahig. “A-Aki?” inangat ko ang kamay kong may hawak ng flashlight at nakahinga ako ng maluwag ng makitang si Drake pala ito. Tinulungan niya akong makatayo. “bakit ka tumatakbo?"

“Kasi...kala ko may multo sa likod ko.” Kabado kong sabi. Aba duwag na kung duwag basta takot ako sa multo. Ngumisi lang siya sa akin at inakbayan na ako. “Parang multo lang eh. Matakot ka sa buhay, wag sa patay. Dahil ang buhay, kaya kang patayin.Ramdam kong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Drake pero nag shrug lang ako saka sumama na sa kanya.

“Ikaw na lang hinahanap namin, nandun na ang iba sa classroom.” Dere-deretsong sabi ni Drake. “Nandun na rin si Lorenz?” tanong ko. “Wala pero siguro pabalik na yon. Ang lakas ng ulan sa labas parang may bagyo yata tapos nag black out pa.”

 

Bumuntong hininga na lang ako saka pumasok na sa classroom. Natigilan kami ng biglang sumigaw si Kyra. “Sinasabi ko na nga ba eh! Ayaw niyo kasing maniwala! Nangyayari nanaman! Nagkakatotoo na!” nagkatinginan kami ni Drake saka nilapitan ito.

“Kyra anong problema?” tanong ko sa kanya. “Wala naman! Mamamatay lang naman tayong lahat dito!” nap-paranoid niyang sabi. nagtaka ako bigla. Ano bang pinagsasabi niyang mamamatay kami dito eh umuulan lang naman ng malakas tsaka wala lang kuryente. “Ano bang pinagsasabi mo?!” iritang tanong sa kanya ni Andrea saka lumapit.

Horror RemakeWhere stories live. Discover now