Chapter 6

752 19 5
                                    

Leslie’s POV

 

 

“KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!”

 

 

 

Saglit kaming natahimk dahil sa narinig naming sigaw. Nagkatinginan kaming lahat saka nagsilabasan. Hindi na talaga tama to. May mali sa mga nangyayari. Si ate Kyra ang sumigaw. Nagsi akyatan kami upang hanapin siya. Naisipan naming mag hiwa-hiwalay para mas mabilis mahanap si ate Ky.

Si Nicko ang kasama kong maghanap.  Kung wala lang talaga kami sa ganitong sitwasyon na may mga kakaiba nang nangyayari, kikiligin pa ako eh. Buti na lang talaga naisipan kong yayain si Tanya na sumali sa grupo nila Percy para palitan sina Hailey at Jenna. Atleast makakasama ko si Nicko.

Unang una talaga, napag planuhan ko nang sumalisa  grupo nila since nabigay ang groupings. Boring kasi ang mga kasama ko tsaka puro romance chu chu ang mga gagawin nilang movies. Tapos napag alaman kong nasa group nila Percy si Nicko kaya naisipan kong takutin sina Hailey.

Ayaw na ayaw ko kasi kay hailey. Bukod sa malandi na nga, inaagaw niya pa sa akin si Nicko. Bigla kong naalala na nasa grupo din pala nila Percy si Drake na crush ng bruhang si Tanya kaya sinabihan ko siya ng plano ko na takutin si Hailey. Pumayag siya at si Jenna naman daw ang tatakutin niya.

Plano namin ay takutin sila using fake threats para mag quit sila sa grupo nila. Pero nagulantang ako ng mabalitang may punatay kila Hailey at Jenna. Nakaramdam ako ng awa pero natuwa din ako dahil atleast hindi na sila namin kailangang takutin para kami ang pumalit sa mga pwesto nila.

Nakaka ilang minuto na kami ng paghahanap kay ate Ky pero hindi pa rin siya namin nakikila. Madilim na sa labas at kung minamalas ka nga naman, walang ni isa ang nakadala sa amin ng flashlight.

“Nicko dala mo ba cellphone mo? Ang dilim k-kasi.” Pasimple kong tanong sa kanya sabay cling sa braso niya. Hindi ako nagpapanggap na natatakot dahil totoong takot ako sa dilim. “Shit. Wala Les eh.” Singhal ni Nicko. Napangiti na lang ako at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa braso niya.

Horror RemakeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt