Kabanata 4

636K 26.7K 24.3K
                                    

Kabanata 4

Guilt


"Are you alright, Sancha? I'm sorry. I didn't know you were allergic to nuts!" nag-aalalang tono ni Soren sa isang tawag.

Hindi ako pumasok kinabukasan. Maayos na naman ako pero dahil sa pag-aalala ni Mommy at Daddy, pansamantala akong lumiban para magpahinga.

"I'm fine since yesterday, Soren."

"P-Pero bakit hindi ka pumasok? Nag-alala ako."

"Si Mommy at Daddy lang. Mas mapapanatag sila kapag magpahinga muna ako kaya pumayag na akong lumiban."

"Shit! I'm really sorry! I should've known! Pinilit pa kitang kainin ang donut na 'yon! Sorry!"

"Don't worry about it. Hindi ko rin naman alam na pati sa almonds ay allergic ako. Ang alam ko'y peanuts lang. At least now I've done tests, malalaman na ang lahat ng allergies ko at iiwasan ko na 'yon ngayon."

"Sige, sabihin mo sa akin ang resulta ng tests kung nariyan na. S-Sinabi mo ba sa kuya mo na ako ang... nagbigay ng donut? Nakakahiya. Badshot na ako sa pamilya mo kung sakali."

"Ah. Hindi naman."

"Buti na lang! Kinabahan ako roon! Hindi ko naman kasi sinasadya 'yon. Kailan ka papasok?"

"Papasok na rin naman ako bukas-"

"That's good. Anyway, I gotta go. Dumating na ang teacher namin. Tatawag na lang ako mamaya pagkatapos ng klase."

Binaba ko ang cellphone ko. Nasa patio ako ng bahay namin at tanaw na sa malayo ang malawak na azucarera. Sina Mommy at Daddy abala sa loob ng bahay dahil may darating silang bisita mamayang hapon.

Nilapag ni Ate Soling ang hiningi kong juice dahil naiinitan ako sa tanghaling iyon. Gusto ko sanang manatili sa kuwarto pero ayaw kong isipin ng mga magulang ko na nanghihina pa ako kaya nandito ako ngayon sa baba.

"Heto na ang juice mo, Sancha."

"Thank you, Ate Soling."

Ilang sandali siyang tumayo sa gilid ko bago nagpasyang maupo sa isang upuan sa malapit.

"Kaya hindi kita pinapakain ng mga ganoon kasi alam kong allergy ka," si Ate Soling.

Si Ate Soling ay pamangkin ng mayordoma namin. Mas matanda lang siya ng kaunti kay Kuya Manolo at namulatan niya na ang pagsisilbi sa amin. Bata pa siya noong kalaro ko siya ng bahaybahayan at kung ano-ano pa. Noong nag eighteen lang siya tuluyan nang nagsimulang maging full time kasambahay namin. Kaya naman hindi na iba ang tungo ko sa kanya.

"Naisip ko rin naman 'yon kaso naalala kong sa mani 'yong allergies ko."

"Iyon din ang alam ko pero inisip ko na lahat ng klase na ang hindi ko ipapakain sa'yo. Sino ba kasi ang nagbigay ng donut? Si Alonzo ba?"

Napa angat ako ng tingin, nagulat sa sinabi ni Ate Soling.

"Hindi, Ate."

"Kung ganoon, bakit siya ang unang nakakita sa'yo na hinihika? Siya rin ang nagdala sa'yo sa sasakyan, hindi ba?"

Umiling ako. "Na... kita niya lang ako at agad na tinulungan pero hindi sa kanya galing ang donut."

"Akala ko kasi dahil siya ang huli mong kasama."

"Kay Soren galing. Huwag mo na lang sabihin kay Kuya Manolo at Ate Peppa. Hindi na naman nila ako inusisa pagkalabas ko ng ospital."

Umiling si Ate Soling. "Alam kong nagagalit ang mga kapatid mo sa pakikipagkaibigan mo riyan kay Soren pero hindi naman siya masama sa'yo kaya... sige. Nagkataon lang siguro na binigyan ka niya ng ganoon at hindi natin alam na allergy ka roon."

Getting To You (Azucarera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon