Kabanata 19

517K 25.5K 9.9K
                                    

Kabanata 19

Inspire


I honestly expected him to call immediately. I mean, when it's night, my phone will just suddenly ring for his call. Hindi ko inasahan na magti-text muna siya.

Alonzo:

Good evening, Sancha! How was your exam.

Ako:

Mabuti naman. Nakasagot dahil nakapagstudy. Ikaw? Kumusta ang application?

Alonzo:

Okay din. May ginagawa ka ba?

Buong semestral break, gabi-gabi tumawag si Alonzo. We talked about random stuff. Umiiksi lang kapag may gagawin siya o may gagawin ako. Mostly, what I do at night is to entertain guests of my parents or Ate Peppa's family. Masaya naman ako at hindi na nagrereklamo dahil natutuwa ako kay Ramon, ang anak nila.

"How was it?" Alonzo asked.

I sighed. "Hindi siya nagreply, e."

Sa ilang araw na pag-aalala niya tungkol sa amin ni Margaux, nagkaroon ako ng bagong desisyon. Hindi na kami nagkikita dahil sa break kaya t-in-ext ko na lang ang lahat ng gusto kong sabihin.

Ako:

Hi Margaux! I don't really expect you to reply to this message but I do hope you will. I just want you to know that I miss you. I can't believe it's been months since I last talked to you. Para sa akin, nagsimula mo akong hindi kausapin nang nalaman o nakita mong willing pa rin akong makipag-ayos kay Soren. Gusto kong makipag-ayos hindi dahil crush ko siya, kundi dahil kaibigan ko siya kahit paano. You think he's being an ass to me so you're mad because I gave him a chance. I want to be at peace with him so I did that. I'm sorry if it hurt you. I hope you'd forgive me.

Ako:

Niligawan ako ni Soren pero narealize ko na hindi ko siya gusto sa ganoong paraan. I made it clear to him, reason why he's cold to me these days. I don't regret any of it because I did my best to keep my friendship with him. And I did my best to stay true to myself. You're right, he's an ass but he's also our friend. I think this is the best thing I can give to him so far. I hope you realize my reasons and I hope you'd talk to me if I missed something in your perspective.

Sa haba ng mga mensahe ko, wala ni isang tuldok na reply si Margaux. I just hope she read it. At kung sana, may pagkakamali man ako sa mga nagawa ko, sabihin niya sa akin.

"Hindi pa rin siya nagrereply, e."

"I'm sorry. Siguro bigyan mo na lang ng panahon."

I sighed. "Wala rin naman akong magagawa kundi bigyan nga siya ng panahon."

It's been six months, but do I really have a choice when Margaux just won't reply.

"Kumusta nga pala ang recommendation ni Mayor?" I asked.

Alam ko kasi na bumisita sila ng pamilya niya kagabi kina Mayor para roon. Maiksi lang ang tawag namin dahil may gagawin sila kagabi.

"Kukunin na lang next week. Dadaanan ko sa hall," he said.

I smiled and hugged my pillow. "Kailan ba malalaman kung tanggap ba?"

"Siguro pagkatapos ng graduation."

"Bakit? Aalis ba kaagad pagkatapos ng graduation n'yo?"

"Hindi ko pa alam, Sancha. Pero siguro... hindi naman. Kasi ipo-process pa ang mga documents."

I chuckled nervously. "Iniisip ko 'yong birthday mo. Baka sa ibang bansa ka mag birthday kung diretso nga ang alis n'yo."

And that's my debut. Mommy wants a grand debut for me, gaya kay Ate Peppa noon, o higit pa. Ngayon pa lang, nagpaplano na at bumibisita na ang mga gagawa ng gown ko, at ang event stylist.

Getting To You (Azucarera Series #2)Where stories live. Discover now