Kabanata 14

516K 22.8K 10.9K
                                    

Kabanata 14

Happy


Hindi ko maintindihan.

While Soren discourages me to befriend people who are not as rich as us, he also courted Chantal Castanier.

Hindi ko minamaliit ang kahit na sino. I just wonder how he liked her when in the first place, he was so judgemental.

"Siguro gusto niya lang talaga si Chantal. Kaya kahit na mahirap lang at... hindi ba ayaw niya sa mahihirap? Niligawan niya pa rin," si Ella sa tabi ko.

Nanonood kami ngayon ng unang araw ng try out para sa varsity team. Hindi lang si Alonzo ang titingin. May dalawa pang mas matandang coach nila noon ang titingin sa magtatry out.

Nasa pinakataas kaming bleachers. Sina Chantal, kasama sina Anais at iba pang grupo nila ay nasa mababa, malapit sa barandilya. Tumayo si Soren galing sa pagkakaupo sa bench at may inabot siyang jacket sa barandilya. Nakita kong lumapit si Chantal at tinanggap iyon.

"Uyy!"

"Yieeh! Inspired na niyan si Osorio!"

Naghiyawan ang mga players at pati na rin ang mga kaibigan ni Chantal. My friends looked at me. Some of those who knew us also looked at me. Sinubukan kong umayos kaya lang tuwing nakikita ko ang mga kaibigan kong malungkot para sa akin, parang nahahabag din ako.

Yumuko ako at pinalipas muna ang hiyawan. The cheering died down so I looked at the court. Nahanap ko ang titig ni Alonzo na agad ding iniwas sa akin.

Natigilan ako. I watched him watch the try out. Nagkakasalubong ang kilay at masyadong seryoso.

I stayed that way for a while until everyone cheered again. My eyes went to the court and saw how they cheered for Soren. Nagkagulo sa hiyawan ang lahat.

"Nakita n'yo 'yon? Ang galing niya!" si Margaux.

Napalinga-linga ako, hindi naiintindihan ang nangyari.

"Ang galing ng play ni Soren. Kailan niya natutunan 'yon?" sabi ng kaklase kong lalaki na manghang-mangha rin.

My wide eyes looked at the court again. Si Soren lang na panay ang high five sa mga kasama at muling bumabalik sa laro. Sa pagiging abala kong titigan si Alonzo, ni hindi ko napansin ang ginawa niya.

"Galing!" Margaux clapped.

Muling nakapasok ang bola galing sa isang simpleng shoot kay Soren. Nagpalakpakan ang lahat. I clapped, too. I glanced at the benches and saw Alonzo. Naupo siya at tahimik na lang na nanood.

The game lasted for only a few minutes with most of the shots from Soren. Everyone clapped. Ako rin naman. I feel good watching him finally get this.

Kaya lang, nang sumobra na ang hiyawan at nakita kong natawa na si Soren sa court, he pointed at Chantal Castanier and winked at her. Mas lalong naghiyawan ang lahat. May iilang bumaling sa akin.

I honestly don't know how to react. Bago sa kaalaman ko na may gusto siya kay Chantal Castanier kaya hindi ko masabayan ang hiyawan. I would cheer for people who liked someone but maybe it's too fresh for me. Bukod pa roon, ilang taon kong crush si Soren. I liked him for me but now I don't know. I just think it is inappropriate for me to cheer him for her. It's still all new.

"For Chantal ba 'yan, Soren?" someone from their crowd screamed.

"Uy... baka umiyak na naman si Sancha!"

"Baka magalit 'yan kay Chantal! Kawawa naman si Chantal!"

Napalinga-linga ako, nagulat sa narinig na bulung-bulungan. Mas lalo lang akong kinabahan nang ang pati sa mas mababang bleachers ay nagsitayuan para lang tingnan ang reaksiyon ko. My heart raced so fast. Nanuyo ang lalamunan ko at hinanap ang puwedeng gawin kay Ella at Margaux.

Getting To You (Azucarera Series #2)Where stories live. Discover now