Kabanata 20

626K 26.1K 12.7K
                                    

Kabanata 20

Feelings


Sa Christmas party ng azucarera, nagkita ulit kami ni Alonzo. Pero dahil naroon ang mga kaibigan niya, hindi ako masyadong nakalapit. I only greeted them politely and went back to my seat.

Naroon si Almira dahil dito yata sa amin nagtatrabaho ang isa sa mga kapatid niya. Kasama siya sa grupo nina Alonzo. Naglakbay tuloy ang isipan ko kung isa rin kaya siya sa nabigyan ng offer sa ibang bansa? I'm not sure if she graduated with honors back in Senior High but I've got a weird hunch.

Ako ang nag-abot sa mga nanalo ng raffle. Iyon ang tulong ko lalo na't abala si Ate Peppa kay Ramon. Kaya naman naroon pa rin ako kahit na gabi na. Last year, maaga akong umalis at malungkot ako. Ngayon, kahit na may suliranin, ayos pa rin naman.

Paminsan-minsan kong tinatanaw si Alonzo. Naalala ko kasi na maaga siyang umuwi noong nakaraang taon at inisip kong ganoon din ngayon pero naroon pa siya kahit noong nag alas otso na.

I couldn't ignore him because when I look their way, I see catch him watching me. Nag-iiwas ng tingin kaya kapag may kausap ako at ibinalik ko ulit ang tingin sa kanya, muli kong mapapansin ang balik ng tingin niya.

Nagtatawanan at nagsasayawan na ang mga empleyado. May kaunti pang parlor games na natitira dahil marami pang prizes pero mukhang iraraffle na lang din para makapagpatuloy na sa sayawan at inuman.

"Hindi ka pa magpapahinga, Sancha? Umalis na ang Kuya Ramon at Ate Peppa mo..." si Ate Soling.

Umiling ako. "Ayos pa naman ako, Ate."

She didn't even hear my response because she's now busy with her friends. Mga kapitbahay nilang tauhan sa azucarera, naroon din. Hinayaan ko siya. Kung sa bagay ay ito lang ang pagkakataon nilang mag party.

"Tatapusin mo ba ang party?"

Napatalon ako at nagulat na nakalapit na si Alonzo. Napatingin ako sa grupo niya sa malayo. Nagtatawanan sila at nag-iinuman. Medyo maingay dahil mga kaklase at kaibigan niya ang naroon.

"Uh, hindi naman. Mamaya, magpapahinga na ako," sabi ko sabay harap sa kanya.

Tumango siya at ngumiti.

"Ikaw?"

"Uuwi na rin mamaya. Nagkakatuwaan pa si Mama at Papa kaya hinihintay ko. Pero puwede na ring mauna na ako. Dala ko naman ang motor ko."

Nagtilian ang mga kaibigan niya sa kanilang lamesa dahilan kung bakit napatingin kami sa banda roon. Narinig ko ang pagbabanggit nila sa mga wish nila para sa pasko. I'm not sure who I heard but someone said... "Sana matanggap ang application ko!"

"Sana makapasa ako sa board!"

Ngumiti ako habang tinitingnan sila. Napabaling si Alonzo sa akin.

"Hindi ka sasali sa inuman nila?"

"Mamaya, Sancha. Ikaw? May gagawin ka pa ba? Mamimigay ka ng mga... give aways?" sabay baling niya sa lamesang medyo puno pa ng mga regalo.

Umiling ako. "Ipaparaffle na lang yata, e. 'Tsaka... mabigat na ang mga 'yan. Sila na ang bahala."

Tumango siya. "Tutulungan nga sana kita dahil nakita kong... malalaki na ang natitira."

I chuckled. "Hindi na. Sila na ang bahala riyan."

"Napagod ka ba?"

"Hindi naman. 'Tsaka masaya ako sa mga nagawa ko ngayon kumpara last year. Ang aga kong umuwi no'n. Ang aga kong... napagod."

Getting To You (Azucarera Series #2)Where stories live. Discover now