Chapter 7

97.9K 2.4K 217
                                    

Chapter 7

Pilit kong kinukuskos ng yelo ang gilid ng leeg ko habang busangot na nakatitig sa aking repleksyon sa salamin. Nang makitang wala pa rin nagbabago ay inis kong ibinalik ang yelo sa mangkok.

"Bakit ayaw mong mawala!" asik ko, iritado sa itsura ng leeg.

Kinamot ko ang ulo at padabog na hinablot ang cellphone. Gritting my teeth, I searched for his number and typed a message.

Me:

Why did you leave a fucking hickey on my neck? My boyfriend will see this!

Padabog kong ibinalik ang cellphone sa ibabaw ng table at muling tiningnan ang leeg ko. Mas lalo lang itong namula, kitang kita dahil sa kaputian ko. Sa dami ng puwedeng paglagyan ng marka, bakit doon pa sa puwedeng makita?

My phone beeped. Salubong ang kilay ko itong dinampot at nakita ang isang text mula sa kanya. 

Zadriel:

Tell him you have been bitten by a vampire.

Me:

Zadriel!!!

Zadriel:

Just kidding, baby. Just wear something that will cover your neck. It will be gone in a few days.

Hindi na ako sumagot at ibinalik na lang ang cellphone sa ibabaw. For some reason, I don't mind having sex with Zadriel. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay normal lang na gawin namin iyon. I don't have something in him. Hindi ko siya gusto o ano pa man. Kumportable lang talaga akong  kasama siya na tila ba matagal na kaming magkakilala. Ayos lang kahit ilang beses naming gawin iyon dahil iyon rin naman ang gusto ko pero ang mag-iwan siya ng marka sa balat ko ay ibang usapan na. 

Paano kung makita ni Cade? Nila Mommy at ng pamilya ko? My parents would think that Cade did this. Ayos lang. Paano kung si Cade na mismo ang makakita? He never leave hickeys all throughout our relationship. Kapag nakita niya ito ay siguradong bistado na ako. Ihahatid pa naman niya ako sa trabaho ngayon!

I am already planning to break up with him. Naghahanap lang ako ng magandang tiyempo.

Anong klaseng tiyempo, Tate? Iyong siya mismo ang makahuli sa inyo ni Zadriel na may ginagawang kababalaghan? Hanggang kailan ka ba kasi makikipaglaro ng apoy sa kanya? May girlfriend rin siya, baka nakakalimutan mo.

I don't know. There's really something in him that made me want to continue playing the damn fire with him.

Magkakasunod na katok mula sa labas ang pumukaw sa pagiisip ko. Napalingon ako roon.

"Tate?"

Sunod-sunod ang naging pagkalabog ng puso ko nang maulinigan ang boses ni Mommy. Dali-dali akong tumayo, iniikot ang paningin at naghanap ng bagay na puwede itakip sa leeg ko. I am just wearing my underwear and Mommy can't see my hickey!

"Open the door, Tate. I have something important to tell you." si Mommy ulit.

"Mommy, itext mo na lang po!" sigaw ko pabalik, abala pa rin sa paghahagilap ng kahit anong puwedeng itakip.

"Stop fooling around, Tatiana!"

Napanguso ako. Nakahinga ako ng maluwag nang makakita ako ng floral scarf at agad itong ipinulupot sa leeg ko. Ilang katok pa ang narinig ko, malalakas at tila naiinip na. Mabilis akong tumakbo patungong pinto at agad na pinihit ang seradura. Mommy's strict face greeted me. 

Agad nagsalubong ang kilay niya nang hagurin niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Her sharp eyes stayed longer on my neck, probably on my scarf.

Monasterio Series #3: One More Night Where stories live. Discover now