Chapter 20

81.2K 2.1K 277
                                    

Chapter 20

Hindi ko sineryoso ang sinabing iyon ni Zadriel bago kami umalis ng Cebu. Lalo pa at pagkatapos niyang sabihin iyon ay may nangyari rin naman sa amin. Marupok ako, kaya kahit nagmamadali ako dahil ilang oras lang ang natitirang oras sa akin para makarating sa Mactan Airport, nakipag-jerjer pa rin ako. For sure, he was just too horny to say all those crazy things.

Ganoon naman talaga ang mga lalaki. They will say how beautiful you are, how much they like you and praise you like there's no tomorrow when they want to get in between your thighs.

I'm not that gullible to believe him.

"Napakaintrimitida talaga ng kliyente ko na 'yon. Hindi naman kasalanan ng supplier namin kung medyo pumalya 'yung furnitures na inilagay sa bahay niya. Supplier lang sila! Iyong manufacturer dapat ang sisihin!" ungot ko habang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe sa Edsa.

It's been hours since we left Cebu. Nagulat pa si Tita Cheska nang magpaalam kami ni Zadriel na uuwi muna. When she heard the emergency regarding my business, she instantly agreed. Nakakahiya lang talaga na kasama pa si Zadriel. He should have stayed here and let me go home alone.

Dami kasi alam ng isang ito. Kunyari pa na gusto sumama sa akin. If I know, mamimiss niya 'yung bago niyang biktima roon.

"Maybe you have to change your furniture manufacturer the next time you make a deal. Which one are you into as of now?" he asked while smoothly maneuvering the steering wheel with his right hand.

"Manila Manufacturer. I don't know. I've been dealing with them for years and this is the first time I got a complaint from a client." baliwalang saad ko saka itinuon ang atensyon sa madilim na kalsada sa labas.

"Try mine..."

Napalingon ako sa gawi ni Zadriel. "Huh?"

He shot me a quick glance. "We're also manufacturing furnitures. I can assure you the quality of our products. Hindi ka madidismaya."

Napaayos ako ng pagkakaupo at hinarap siya. Bahagya siyang napatingin sa akin sa naging reaksyon ko na 'yon ngunit agad rin naman itinuon sa daan ang mga mata.

"Hala, oo nga pala! Your family is running a furniture business. Bakit hindi ko naisip iyon? Thank you sa pagse-sales talk! Dati ka bang nagtatrabaho sa SM?"

He chuckled. "Silly. Why deal with someone else when you already have me?"

"Wow, huh? Kung makapagsalita ka naman ay akala mong matagal na tayong magkakilala. E, mahigit isang buwan pa nga lang."

The corners of his lips twitched sexily. "Sa akin ka na lang."

"Uy, double meaning!" Humagalpak ako. "Paanong sa'yo na lang ako? Personal ba o sa kumpanya mo na lang ako makipag-deal?"

He shot me a quick glance, the devilish smirk was still creeping on his lips.

"Whichever you want to think of it is fine. But I like the first one more."

"Patay na patay ka talaga sa akin, ano? Masiyado kang obvious!" pagsakay ko sa kalokohan niya na sinagot niya lang ng ngisi.

His eyes shined and teased. They were such an attractive shade that popped against his dark and thick eyelashes. His aristocatic features—dark eyes, strong jaw and high cheekbones was undeniably masculine. Intriguing and very fuckable.

Pero kahit ata anong gwapo niya gawin niyang pangbobola sa akin ay hindi ko magagawang sakyan lalo pa at alam ko kung paano siya makipaglaro. Mabuti na lang rin at hindi ako ang tipo ng babaeng madaling maniwala at pasakayin. He will need to take thousand times of attempt just to convince me that he's really falling for me. We met each other because of lust. Definitely not love.

Monasterio Series #3: One More Night Donde viven las historias. Descúbrelo ahora