Chapter 19

83.7K 2.3K 419
                                    

Chapter 19

Tanaw ang malawak na kapatagan, isinasayaw ko ang aking mga paa habang nakaupo sa teresa. Pagkatapos mag-almusal ay niyakag kami ni Dashiel na mamasyal sa isang talon na malapit dito. Nga lang, wala akong dalang swim suit dahil hindi ko naman alam na ganitong klase ng lugar ang pupuntahan namin. Kung maliligo ako, ano ang isusuot ko?

Hindi bali na. Terno naman ang suot kong underwear. That will do.

"Are you sure you already know the way there, anak? Baka maligaw kayo." si Tita Cheska habang papalabas ng main door kasunod si Dashiel, sa kamay nito ay ilang Tupperware ng pagkain.

Ilang araw ba kami sa pupuntahan namin at para bang pang isang linggo na 'yung mga pagkain?

"I've been there once, Mama. Saulo ko na ang lugar na 'yon."

"Isang beses pa lang, Dashiel. Matagal na rin iyon at ilang taon na ang nakakalipas."

Lihim akong napangisi sa interaksyon ng mag ina. Halatang hanggang ngayon ay bata pa rin ang turing ni Tita Cheska kay Daniel. It makes me wonder though... Is Dashiel an only child?

Itatanong ko kay Zadriel mamaya. Siyempre tsismosa ako, e. Mana ako kay Mommy.

Speaking of Zadriel, I saw him walking towards me, a wooden basket was on his left hand. Nag angat ako ng kilay dahil siguradong pagkain pa rin ang laman nito. He locked his gaze with me. Kung may isang bagay akong napapansin sa kanya nitong mga nakaraang araw, iyon ay ang lagi niyang pakikipagtitigan sa akin. It's new to me since we never really had a longer eye contact.

Baka gandang-ganda lang talaga sa akin.

He sat beside me, eyes were already drilling into my face.

"Bored?" he asked.

"Hindi. Bakit naman ako mababagot?"

Itinuon niya ang tingin sa harapan, may bahagyang ngisi sa mapupulang labi.

"Dahil wala ako sa tabi mo."

Natawa ako. "Seriously, Zad? Didn't know you were that conceited."

He chuckled raspily and then glanced at me.

"Just kidding, baby. We'll be leaving in a few."

I shook my head slowy, couldn't be able to wipe the smile out of my face. Maybe, this is also the reason why I enjoyed being with Zadriel all the time. He has this kind of humor that mix with a little bit of his playfulness that no woman could evee resist. Even me.

"Ah, magandang umaga po."

Sabay-sabay kaming napatingin sa entrada ng teresa matapos marinig ang pagbati na 'yon. Isang babae na halos ka-edaran lang namin ang naroon, nakasuot ng puting long sleeve at kupas na pantalon na hapit sa katawan nito. She's even wearing a farmer's hat so I guess she's a farmer?

Sa kamay nito ay isang basket. May kasama siyang babae at kagaya niya ay ganoon rin ang klase ng pananamit.

"Good morning. What can we do for you?" si Tita Cheska sa malambing na tono.

Napakurap-kurap ang babaeng may dala ng basket, tila ba nahihiya.

"Nagpadala po si Aling Josie ng mga kakanin para po sa pamamasyal niyo sa talon." sabi nito.

"That's so nice of her..." sabi ni Tita Cheska at lumapit sa kanila. Inabot nung babae ang basket kay tita at tipid na ngumiti. "What's your name, hija?"

"D-Dreya po..."

"Nice to meet you, Dreya. I'm sure you are very familiar with this place. Ayos lang ba kung hihilingin ko sa'yo na samahan sila sa talon na pupuntahan nila?"

Monasterio Series #3: One More Night On viuen les histories. Descobreix ara