Chapter 35

74.1K 2.4K 494
                                    



Chapter 35

"Dad, I can explain." My voice trembled in constant fear the moment I saw the anger building in my father's dark eyes.

I've always known him as a cool man. Ni minsan ay hindi siya naging istrikto sa akin. Kung mayroon man sa kanila ni Mommy ang mas madalas magalit, hindi siya iyon. It's always been Mommy. I am her princess — that's what he always  wants me to remember. Kaya naman kahit maraming kalokohan ay hindi siya nagagalit sa akin, palagi akong pinagbibigyan kahit alam kong minsan ay sumosobra na ako.

But seeing the immense anger in his obsidian eyes right now is something I cannot just take as a joke. For him, I've already crossed my limitations.

"Explain what? Explain how cheap you can get?" he spat those words with pure acid that went straight to my heart. "Huh, Tatiana?"

"Dad, no. That video was just for fun—"

"For fun? Are you fucking hearing yourself, young lady?!" his voice thundered.

Ibinaba niya ang hawak na baso ng alak sa ibabaw ng center table at walang pasabing tumayo. Piercing his eyes through mine, he stood up and brushed his palms against his face with so much resentment.

Itinuon niya ang mga kamay sa magkabilang bewang, tumingala at mariing pumikit. Ang paraan ng pagtaas-baba ng kanyang dibdib ay masiyadong mabigat at mabagal. Pakiramdam ko ay sasabog na siya at maiksing pisi na lang ang pumipigil sa kanya.

Lumunok ako, humakbang palapit sa kanya. I glanced at Mommy and she's still looking into somewhere else like she's trying to avoid me.

"Since when did you think that recording yourself while having sex with someone is just for fun, huh? What kind of mindset do you fucking have?" he growled.

"Dad, para sa aming dalawa lang naman iyon ni Zadriel. Hindi ko alam kung bakit biglang lumabas, o sino ang nagpakalat—"

"Nagtataka ka pa?" aniya at nagmulat ng mga mata. He dropped his head down and looked at me wearily. "You trusted him too much, didn't you?"

Tumungo ako. "I did."

Bumukas ang pintuan ng main door. Napalingon ako roon at nakita si Kuya Tobias na bahagya pang hinihingal. Halatang kakagising niya lang ngunit kaagad nang nagtungo dito. Siguradong maging siya ay alam na rin ang tungkol sa scandal.

His menacing eyes darted into me, and then into our parents. His jaw clenched, making him look pissed and angry, too.

"Saan kami nagkulang, Tate?" si Mommy matapos ang ilang sandaling pananahimik. Napalingon ako sa kanya at sa kawalan pa rin siya nakatitig. "Is this your kind of revenge on me for being a strict mother? Masiyado ka na bang nasasakal sa akin? Lahat ng gusto mo ibinibigay namin sa'yo. Even if you're already crossing the lines sometimes, palagi ka pa rin kinakampihan ng Daddy mo, ng kuya mo. Nagrerebelde ka pa rin? Kahit ganito ako kahigpit sa'yo, palagi pa rin kitang sinusuportahan at alam mo 'yan..." Her voice cracked, making me lift my eyes. Naguna-unahan sa paghulog ang butil ng luha sa mga mata niya dahilan para makaramdam ako ng literal na sakit sa puso ko. "Nagkulang nga ba kami? O, sumobra pa?"

"Mommy, I'm sorry. Alam kong mali ang ginawa namin ni Zadriel at wala akong puwedeng gawin na rason tungkol doon."

"Sa dami ng lalaki na puwede mong dikitan, bakit sa lalaking may ka-relasyon pa, Tatiana? We didn't raise you to become a home wrecker!" Dad shouted.

"Dad!" Kuya Tobias yelled.

"Stop right there, Tobias. Hindi ito ang oras para kampihan mo ang kapatid mo." pigil sa kanya ni Daddy.

Monasterio Series #3: One More Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon