𝐂𝐗𝐕𝐈𝐈𝐈

281 18 12
                                    

• • • • ☾︎ third person's pov ☽︎ • • • •

Tumigil ang sasakyang sinasakyan nila Axle at ang tito nito sa harapan ng isang dalawang palapag na bahay. Walang ka-ilaw ilaw sa loob ng tahanan kaya nag-alangan pa silang pumasok.

Nakakatakot ang buong paligid at tanging ang mga kuliglig lamang ang maririnig sa gabing ito. Halos walang makikitang poste sa paligid at ang mga bahay na nakatirik dito ay magkakalayo-layo.

Dala-dala ang tig-isang baril na pistol, buong tapang na pumasok ang dalawang kalalakihang ito sa loob ng bahay nila Freya.

Hindi alam nila Axle ang naghihintay sa kanila sa loob. Maliban sa sarado ang lahat ng ilaw, hindi rin nila alam ang pasikot-sikot ng naturang tahanan.

Kinuha ni Axle ang cellphone niya para i-text si Jacinth na nasa maayos naman silang kalagayan. Pumayag siya na makipagtawagan rito.

Dahan-dahan silang pumasok sa loob habang kapa-kapa ang paligid. Halos wala silang makita kaya todo ang pag-iingat nila. Sa umpisa ay puro mga yabag lamang nila ang namamayani sa katahimikan ng gabing ito ngunit may narinig silang dalawang boses ng taong nag-uusap.

"Anong gagawin natin sa kaniya?" tanong ng isang boses babae.

"Kailangan nating mapatahimik siya gayong nalalaman niya na yata kung sino tayo. makakahadalang ito sa gusto ko." sagot ng kausap nito na boses lalaki.

"Why do we have to this kase?" maarteng pagkakatanong ng babae. "Hindi ka pa ba titigil? Isn't the 'death' of your 'friends' enough?"

And there was silence.

For the next five seconds, nothing could be heard.

"I won't stop until I get her-"

He was stopped when Axle accidentally tripped over a table.

A loud bang can be heard.

It caught their attention.

They withdrew their guns.

And gunshots echoed the place.

"Axle!" sigaw ng isang babae mula sa telepono ni Axle. Walang magawa si Jacinth kung hindi makinig na lamang dahil wala naman siyang maitutulong.

Nakuha ng lalaki ang cellphone ni Axle saka pinatay ang tawag. Tinapon niya ito sa malayong parte na hindi kaagad maaabot ni Axle.

Hindi naman mamukhaan ni Axle kung sino ang kalaban nila ngayon dahil sa dilim ng paligid. Ngunit nang tumama ang liwanag na nanggagaling sa buwan sa mukha nito ay hindi niya mapigilang magulat.

"T-topher?" tanong niya rito.

Hindi niya inaasahan na tama pala ang una nilang hinala na buhay pa nga si Topher at siya ang may kagagawan ng lahat ng ito. Ang babaeng kasama naman ni Topher ay walang iba kung hindi ang kapatid nito na si Thalia.

"H-how could you do this?"

Nginisian lamang siya nito. Sa gulat niya sa lahat ng nangyayari, nabitawan niya ang hawak niyang baril. Hindi siya natinag sa pagkakatayo niya, kaya naman natamaan siya ng bala na galing sa baril ni Thalia.

Napahiga siya ngunit hindi niya gaanong nararamdaman ang sakit. Alam niya na may posibilidad na may nagtatraydor sa kanila, ngunit hindi niya pa rin nawari na ganito pala kasakit kung harap harapan mong nalaman ito.

Natumba na rin ang tito niya na ngayo'y namimilipit na sa sakit.

Gusto niya na lang mamatay ngayon, at tanggapin lahat ng sakit na ibibigay sa kaniya nila Topher pero naisip niya... na may nag-aalala sa kanya.

Naisip niya na magiging makasarili siya kung iiwanan niya na lamang na nag-iisa si Jacinth.

Naisip niya ang pangakong binitawan nila noon, na mabubuhay sila sa lahat ng makakaya nila.

Kahit wala na siyang lakas para makipaglaban. Kahit wala na siyang bala para makipagbarilan. Alam niyang may magagawa pa siya. Isang bagay na mas tama kaysa sa pakikipaglaban.

Gumapang siya kaya naman ramdam niya na ang kirot ng sugat at ang dugong umaagos mula sa sugat niya sa tagiliran. Nilakasan niya ang loob niya upang makarating sa kinaroroonan ng kanyang telepono.

At noob nga'y nasabi niya kung sino ang tunay na salarin kay Jacinth bago naging madilim sa kanya ang buong paligid.

*𝐇𝐄𝐋𝐏# | completedWhere stories live. Discover now