𝐂𝐗𝐗𝐗𝐈

289 16 6
                                    

• • • • ☾︎ freya's pov

"Urghhh"

Nagising ako nang walang makita sa paligid. Puro itim lamang ang nakikita ko. Ang sakit ng buong katawan ko sa pagkakapuwesto ko, dahil na rin siguro na nakatulog ako nang nakaupo.

Sinubukan king igalaw ang mga paa't kamay ko pero may mala-bakal lamang itong tunog na inilikha. Wait. Ano 'to? Nakakadena ba ako?

Sinubukan kong tumayo ngunit nahihigit lang uli akong mga kadenang ito papaupo. Masiyadong maikli ito para makagalaw ako ng maayos. Iwinasiwas ko rin ito ngunit, hindi man lang ito lumuluwag bagkus, mas lalo pang sumisikip.

Napagtanto ko rin na kaya pala pulos itim lamang ang nakikita ko dahil sa piring na nakalagay sa mata ko. May isang panyo o tela na nakapalibot sa mga mata ko kaya wala akong nakikitang kahit na ano.

"Tulong!" sinubukan kong sumigaw para humingi ng saklolo.

Alam kong parang may pagkatanga ng desisyon kong iyon dahil hindi lamang ang ibang tao ang makaririnig nuon ngunit pati na rin ang bumihag sa akin dito.

Nang mapagod na ako kakasigaw, tumigil na ako dahil kailangan ko itong ireserba para mamaya. Kailangan kong makaisip ng paraan para makatakas rito.

Habang nakatali, iniisip ko pa rin ang dahilan kung papaano ako nakarating sa puwestong ganito.

Madilim ang paligid at ako lamang ang nag-iisang tao na nasa bahay namin. Napapansin ko na kanina pa na may taong silip nang silip sa bintana ng kuwarto ko. Kitang kita ko ang anino nito sa kurtina ko dahil na rin sa ilaw ng poste na nasa labas.

Sigurado akong hindi ito isang lalaki. Isa itong babae dahil sa mahabang buhok nito pati na rin sa hubog ng balingkinitang katawan nito.

Kinuha ko ang pamplantsa ng buhok ko sa may lamesa dahil wala na akong makitang ibang maaaring gamitin bilang pamprotekta kung hindi ito.

Hawak-hawak ang plantsa, nilakasan ko ang loob ko na silipin kung sinong tao ang nasa may bintana. Iniwan ko lamang ang cellphone ko na nakabukas sa may gilid.

Papalapit na ako dito at nakahawak na ako sa laylayan ng kurtina nang may marinig akong kalabog ng pinto sa may main door.

Napalingon kaagad ako sa direksyon noon at mabilis na hinawakan ang pintuan ng kuwarto ko para isara dahil alam kong may nakapasok na sa bahay namin. Ngunit bago ko pa man tuluyang maisara ito, may malakas na puwersa na na pumigil sa akin para magawa ito.

Napakalakas nito, kaya ilang segundo lamang napabalikwas na ako sa puwesto ko at napahiga. Tumama ang ulo ko sa may paanan ng higaan ko.

Nanlalabo na ang paningin ko ngunit malinaw pa sa isipan ko na nakita ko ang paghakbang papalapit ng taong ito. Isa itong lalaki. Ibig sabihin dalawa silang sumugod rito.

Bago pa man ako mawalan ng malay narinig ko siyang magsalita.

"Kamusta ka na, Freya?"

"Argh!"

May narinig ako palahaw sa paligid kaya naman kaagad akong sumigaw.

"Sino 'yan?! Sinong nandiyan?" tanong ko sa paligid.

"F-freya?" tanong nang narinig kong dumaing ng sakit kanina.

Parang pamilyar ang boses niya. Wait. Si Axle?

"Axle! Ikaw ba 'yan?" tanong ko sa kaniya.

"Oo." mahinang sagot niya. "Nakatali ka rin ba?"

Dahan-dahan akong tumango ngunit napagtanto ko na baka nakapiring din siya at hindi niya makikita ito kaya naman sumagot muli ako nang may boses.

"Mhm." sabi ko.

"Kailangan nating makatakas dito." sabi niya nang may determinasyon.

Tumahimik ang paligid pagkatapos noon. Nag-iisip ako nang paraan para makatakas rito ngunit para lumilipad kung saan ang isip ko. Hindi ako makapag-isip nang maayos.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya napabaling ang tingin ko rito kahit na hindi ko naman nakikita ito.

Naglakad ang mga yabag na ito, papalapit sa akin at tinanggal ang piring sa mata ko. Kasunod niyo'y lumapit din ito kay Axle at ginawa ang kapareho.

Hindi ko agad nakita nang maayos ang paligid at hinayaan ko muna ang mga mata ko na mag-adjust sa liwanag ng paligid.

Nang maayos na ang paningin ko, inilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kuwartong ito. Puro mga kahoy na crates lamang ang nandirito at wala nang iba pa. May nag-iisa lamang na ilaw na tumatanglaw sa kabuuan ng kuwarto na nasa pinakagitna ng kuwartong ito. Diretso ito nasa itaas namin.

Inilipat ko ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa may hindi kalayuan at nakita ko ang mukha ng taong hindi ko inaasahan.

"T-topher?" tanong ko rito.

Nginisian niya lamang ako.

Tinignan ko rin si Axle na nasa tapat ko lamang habang may masamang mga tinging ipinupukol kay Topher. Hindi pa rin masiyadong naddigest ng isip ko na kaya niyang gawin ang lahat ng ito.

Ang Topher na kilala ko ay napakamasiyahin, may pagkagago, pero mabait, maaasahan, at palabiro.

Pero anong nangyayari ngayon? Bakit parang nasapian ng kung anong demonyo ang Topher na kilala ko?

Tumalikod siya sa amin habang hawak ang cellphone ni Axle. Mukhang alam ko na ang gagawin niya, kinakausap niya ngayon si Jacinth.

Hay, Jacinth. Sana ayos ka lang kung nasaan ka man. Huwag mo sana kaming intindhin ni Axle. Live, Jacinth!

Bumalik si Topher sa amin nang may panghihinayang sa mukha.

"Sayang." sabi niya habang pinapatunog ang dila kaya kumunot ang noo namin. "Dapat papapiliin ko si Jacinth kung sino sa inyo ang ililigtas niya, pero may anghel na nagligtas sa inyo.'

Hindi ko maproseso ang sinasabi niya. May nagligtas sa amin? Sino naman. Oh shit. Don't tell me..

"Jacinth saved you."

Fuck.

*𝐇𝐄𝐋𝐏# | completedWhere stories live. Discover now