𝐂𝐗𝐗𝐗𝐈𝐈𝐈

292 19 5
                                    

• • • • ☾︎ axle's pov

Drip drop.

Pumapatak na ang butil ng ulan sa balat ko ngunit wala na akong pakiaalam dito. Hindi na ito mahalaga sa akin.

Ang tanging nasa isip ko na lamang sa mga panahong ay ang babaeng pinakamamahal ko. Si Jacinth.

Masakit na ang mga paa ko dahil nasa kalahating oras na akong tumatakbo. Ramdam ko na rin ang lamig ng simoy ng hangin. Ang sugat ko na kakagamot pa lamang ay kumikirot na muli.

But I could care less.

Tuluyan na ngang bumuhos ang malakas na ulan na kanina'y nagbabadya pa lamang.

Papalapit na ako nang papalapit sa kinaroroonan ng bahay ni Jacinth. Hindi ko maiwasang kabahan. What did Topher do to him?

Hinding hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung mayroon mang nangyari sa kanya. I should always he there for her. I should be protecting her always. Pero bakit ganito? Bakit parang hindi ko nagampanan ang pagiging boyfriend ko sa kanya.

Kabang-kaba ang dibdib ko habang natatanaw ko na ang bahay nila Jacinth. Hindi nakahadlang sa akin ang malakas na ulan para makarating kaagad dito.

Tumigil ako sa tapat ng tarangkahan nila. Humihiling na sana makita ko pa sa loob si Jacinth.

Kaagad ko itong binuksan at tumambad sa akin ang bahay nila na nakabukas ang lahat ng ilaw. Napatingin sa akin ang nanay niya na may hawak na teloponong nakalagay sa tapat ng tainga niya. May kakaibang ekspresiyon sa mukha niya. Ekspresiyon ng pag-aalala, ng kaba.

Hindi ko alam kung bakit tila nahuhulaan ko na ang dahilan kung bakit sila nagkakagulo ngayon. Bagama't may hula na ako, pilit ko iyong iwinawaksi sa isipan ko. No, hindi iyon ang nangyari.

Pilit kong pinaniniwala ang sarili ko na ayos lang ang lahat... kahit kitang-kita naman na hindi.

Kailangan kong maniwala. Kailangan kong magtiwala.

Tumakbo ako papalapit sa may pintuan nila ngunit bago ko pa man narating iyon, natumba na ako sa may damuhan.

Hinayaan ko lang ang sarili ko na nasa lapag. Masakit na ang buong katawan ko lalo na ang tagiliran ko. Hinayaan ko ang ang malakas na ulan na bumagsak sa akin.

Habang naiyak ang kalangitan,
Ang mga mata ko ay sumasabay sa agos ng ulan.
Walang nakakakita, walang nakakaalam

Sobrang sakit ng nadarama ko ngayon. Sumasabay ang kirot ng sugat ko sa kirot ng puso ko. Sa oras na ito, gusto ko na lamang maglaho. Ngunit kailangan ko siyang iligtas. Alam kong kailangan niya ako, at hindi ako susuko para sa kanya.

Kaagad na lumapit sa akin ang mga kamag-anak ni Jacinth at tinulungan ako para makapasok sa kanila. Wala na akong lakas para makalaban, kaya hinayaan ko na lamang sila sa kung anong gawin nila. Kahit na gusto ko pang manatili sa ilalim ng mga ulap na umiiyak.

"Dios mio ka namang bata ka! Anong nangyari sa'yo, iho."

Tipid na ngiti lamang ang sinagot ko sa kanya. Nginitian ko lang siya kahit alam kong peke ito.

"S-si Jacinth po?" tanong ko sa kanilang lahat.

Bigla silang natigilan. Ngayon, sigurado na akong may nangyari talaga kay Jacinth. Sigurado na ako kung anong ibig sabihin ni Topher na iniligtas kami ni Jacinth. Alam ko na.

"U-umalis siya kanina, at hanggang ngayon, hindi pa rin siya b-bumabalik."

Napangiti ako.

Isa nanamang pekeng ngiti.

Dahil alam kong kahit anong gawin namin, hindi na siya babalik pa.

Kasabay ng ulan, tumulo ang mga luha ko.

*𝐇𝐄𝐋𝐏# | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon